Tuesday, December 19, 2006

Nanganak sa dreams

(Tiktik newspaper, 21dec06)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nanganganak. Isang malusog na sanggol na lalaki daw ang isinilang ko. Inaayos daw ito ng nanay ko at mga kapatid ko. Walang pagsiglan ang kaligayahan ko. Inaalok na ako ng kasal ng boyfriend ko, next year ang balak namin. Bigyan mo sana ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hulyo 17, 1978.

ELIZABETH NG ANTIPOLO CITY

Dear Elizabeth,
ANG panganganak ay nagsasabi na ikaw ay nahaharap sa isang malaking pagbabago ng takbo ng buhay. Isang agarang pagbabago. Ang sanggol ay sumisimbolo sa mga bagong pangarap at pagsisimula ng isang bagong yugto ng buhay. Kung malusog ang sanggol, sobra-sobra ang tiwala mo sa sarili mo at walang duda na matutupad ang iyong mga pangarap. Ang iyong ina ay nagsasabi na ikaw ay isang responsible at maaasahan. Malinaw na naapektuhan din ang iyong panaginip sa plano mong paglagay sa tahimik. Ang iyong mga kapatid ay nagpapahiwatig na maraming tao ang kusang tutulong sa iyo. Katapat ng panganganak ay No. 10; No. 21 ang sanggol; No. 37 ang nanay; No. 24 ang kapatid; No. 25 ang masaya. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng maraming pagsubok pero malalampasan mo ito at magagamit na hagdanan sa pagtatagumpay ang mga mapupulot na aral mula sa mapapait na karanasan. Pinakabuwenas mo ang No. 8 at No. 4. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-6-11-18-23-27-34-36-40-42.
----30--

34 Comments:

Blogger Unknown said...

Hi po, pwede po magtanong dn. Ako nman po nanaginip po na manganganak na sabi girl dw po yung baby, tapos nung manganganak na po bigla sinabi d dw kaya at macCS dw po ako. Tapos sabi ng doktora, matatagalan dw un kaya iexpect na mamamatay na ung baby. Iyak dw ako ng iyak tapos nagising na po ako na umiiyak dw. Eh sa totoong buhay po eh may baby na po ako. Baby boy po. 7mons pa lng. Kya natatakot po ako. Pakisagot po sana. Ang aking kaarawan po ay March 28,1995 Maraming Salamat po.

8:14 PM  
Blogger Unknown said...

Good am, nanaginip din po aq kagabi na nanganak dw po ako kapatid ko nurse ung nagpaanak.. Ung sanggol hnd man lng umiiyak matapos ko mailabas.. Hihingi lng po aq ng naswerte numero.. Ipinanganak po aq noong october 6 1993.. Salamat sa magiging response..

11:20 AM  
Blogger Unknown said...

Napanipan ko ang mama ko 10 years na patay at sa panaginip ko sya Ng lalabor sa bgo nyang baby.Ano Kya ibig sabihin yun

5:40 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip din po ako na nanganak daw po ako na babae pag ka tapos po ng babae lumaki na nang karoon pa daw ako ng isang anak na lalaki ano po ibig sabihin nun?

6:38 AM  
Blogger Unknown said...

Dalawang beses na po ako nanaginip na nangangatak ako ng isang mausog na baby. Ano po ang kahulugan nito.

Ako po ay pinanganak July 24,1982
Salamay

6:54 AM  
Blogger Unknown said...

Ako po ay nanaginip, buntis daw po ako at nagli-labor..anobpo kahulugan noon? Ako po a pinanganak noong february 25,1993

12:40 PM  
Blogger Unknown said...

Ask klng po ako nanaginip na buntis at nanganak Ng isa babae Anu po ibig sabihin Ng nanganak SA panaginip.salamat po

3:28 PM  
Blogger Unknown said...

Hillo po sir ano po kahulugan ko panaginip ko po,, nagbulat daw ako ng banig at ako lng daw humiga malaking banaig at sunod panaginip ko po at buntis daw ako at nanganak daw ako sa tubig sana masagot po panaginip ko salamat

7:56 AM  
Blogger Unknown said...

May21 1984 po ang birthday ko

7:57 AM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako na nanganganak po ako at patay po yung sanggol na iniluwal ko. Habang nakabitin p yung parang bituka sa ari ko nalaglag po daw ito doon sa store na pinagtatrabahuan fahil uutang po daw ako ng pera para ma raspahan daw ako. Maraming salamat po.

10:04 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako may babae daw po nanganak at ako daw po ang tumulong sa kanya para manganak pero hindi naman po ako kumadrona. Pgkatapos daw lumabas mg bata s sinapupunan, laking buntong hininga daw nung babae kc nakaraos daw sya s panganganak

2:41 PM  
Blogger Unknown said...

Hi po ako po nanaginip na nanganak Yong sister in law ko nang triplets at saka eroplano laging madisgrasya lagi ko talaga mapanaginipan Yong eroplano na bumagsak

5:17 PM  
Blogger Unknown said...

Gud am po ako po ay nanaginip kagabi na ako po daw ay nanganak kaso patay daw po ung bby mabaho na ano ibig sabihin nito..????

6:34 AM  
Blogger Unknown said...

Gud am po ako po ay nanaginip kagabi na ako po daw ay nanganak kaso patay daw po ung bby mabaho na ano ibig sabihin nito..????

6:34 AM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip po ako na nanganak po ako ano po ibig sabihin non

5:17 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po ako po c karyl ipinanganak noong nov. 27,1980, nanaginip po ako kanina n ako ay biglaang nanganak ngndi nman nmin inaashan dhil s ako ay ligated na pero bigla ko nanganak s my palengke ksma ng aking kaibigan, tinukungan nila ako dun at ngsilang nga ako ng isang batang lalaki n pagka gwapo gwpo n halos d mkpaniwla ang aking kpartner kung knya nga b ang bata. Ngbilang p sya kung ilan buwan n kmi at napatunayan nmn nya n knya ang bata dahil taon n kmi mgkasama. Napasabi p ko s Diyos n kaya pla di nya sinasagot ang panalngin kong magka anak ay sinorpresa pala nya ko at ibinigay n nya ng di ko namalayan na ako pla ay ngdadalantao na po. Ano po b ang ibg sbhin nito. At my numero po b pra dito na maaring tayaan s lotto. Slmat po

12:26 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po good pm po! Kanina tanghali habang natulog ako nagising nalang ako sa panaginip ko na manganganak daw mama ko tapos pinaalagaan nya saakin binigyna po ako NG nanay ko NG 837 po nagugulohan po ako sa panaginip ko Kasi bakit naka Dede saakin Yung baby ano po Ang simbolo sa panaginip Nayan Lalo na nagkalag popo nya sa lamopin pasintabi nalang sa kumakain jan

4:53 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po nanaginip po ako kagabi naglalabor daw po ang nanay KO at ako raw ang nag asikaso sa nanay ko habang nag lalabor 70 years old napo nanay KO at ako naman pinanganak noong January 01 1976

6:36 AM  
Blogger Unknown said...

Ako po ay nanaginip nanganak daw po ako ano po ibig sabihin non

4:45 PM  
Blogger Unknown said...

Ngayon din po napanaginipan kong nanganak na aq ng isang malusog na bb girl at kinagat lamang ang pusod para ito ay putolin at pina incuvate q c baby. Ano po ibig sabihin maliban sa mga explanation nio po? Maraming salamat po

4:22 AM  
Blogger May said...

Nanaginip po aq kagabi. Nangank daw po aq 3 babies. Ung isa patay po . Ano po ibig sabihin non. may 6 1987 bday q at ny anak aq lalaki sep 20 2012 nmn po bday nya
Thank u po

9:30 PM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip ako nag paanak ako ano kaya ibig sabihin

1:13 AM  
Blogger Unknown said...

Nanaginip ako nag paanak ako ano kaya ibig sabihin

1:23 AM  
Blogger Liza said...

Pahelp naman po ano po kaya ibig sabihin ng panaginip ko kagabi, sobrang sakit daw po ng aking tiyan at bigla kung nakapa sa aking tiyan na parang ulo ng bata at ako ay manganganak na pero hindi ko daw po alam sakin panaginip na akoy buntis kaya laking gulat ko po at noon malapit na mailabas ang bata akoy nagising. Sana po matulungan niyo ako at gabayan salamat po. Ang aking kapanganakan ay Setyembre 8, 1994.

7:40 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po..nanaginip din po ako last week na bigla na lang akong nanganak ng apat na sanggol,,tatlong lalake at isang batang babae..pero may dalawa na po akong anak isang babae(4yrs.old)at bunso ko lalake(mag 11months this coming august 3)..at nagising ako bigla tapos na matutulog na ulit ako ganon pa din po parang naituloy lang ang panaginip kong iyon,,bigla din po daw nagsabi ang kapatid ng asawa ko na hihingiin daw po niya ang bunso ko kasi may anak na daw ulit ako...at natatawa po daw ako at masaya kami ng asawa ko..pero nong mga time na yon ay nag-away po kami ng asawa ko wala po kaming kiboan..at ngayon dapat expected ko po na may dalaw ako ngayon araw na to pero wala pa.ipinanganak po ako,June 22,1990,,sana po matulungan niyo po ako sa tanong ko po..salamat po

3:18 PM  
Blogger Unknown said...

Hi po kagabi po nanaginip ako na nanganak daw ako lalaki.may boyfriend po ako pero di po ako buntis napaginipan ko ung baby ko tapos yung itura nya ang taba at malusog ung mata nangmana sakin pati dimple nya kamukha sya nung boyfriend ko ngayon tapos nakita ko din ung boyfriend ko na inaalagaan nya yunv baby namin sa panaginip ko naghanda pa nga yung buong pamilya namin kase lalaki ang anak ko may magdadala na ng pangalan nila. Tuwang tuwa sila na nanganak ako 18yrs old po ako tapos po april 30,2002 birthday ko ano pi bang pahiwatig neto sept.7 po ako nanaginip na nanganak ako

6:38 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po nananaginip din po ako nang nanganak ako nang isang malusog na lalaki na napaka gwapo po tapos po tuwang tuwa po ako kase napakalusog nya po

Panay din po nakangiti ang bata ang akin pong kaarawan ay august 8 1991

7:43 AM  
Blogger Unknown said...

Hlow poh ....ano po ba ibig sabihin sa panaginip ko na ASAwa sa isang mayor manganganak dw tpos tinulongun ko dw sya nghapan ako nang masasaktan nya tpos nkita ko ex ko sya Ang hiningian ko nang tulong para gwing driver para mahatid Yung buntis sa hospital...pero sa panaginip ko WLA sya sa hospital nangank nasa bahay lng lng tinulongun ko dw...pero bkit batang sanggolang hinawakan ko niyakap ko at hinaploshaplos ko Yung limuran nya kc nga nglobor sya palabas dw Yung Bata..

Ano ibig sabihin non...pinanganak poh ako noon augost,22,1989

2:06 AM  
Blogger Unknown said...

Hello po... Nanaginip po ako nakatae po ako bago magsilang ng isang sanggol. Hindi po ako nahirapan manganak parang tumae lang po. Ako po ay may asawa na at tatlong anak. Ang birthday ko po ay Dec. 16,1978

11:02 PM  
Blogger Alyana said...

Hello po.. Ako po ay nanaginip na parang nasa isang ospital pero parang walang mga tao. May kasama akong babaeng buntis na parang isa sa anak ko. Manganganak na sya at inihiga ko lang sya sa sahig ng isang kwarto at pinaanak. Ako yung nagpapaanak sa kanya at tinuturuan ko sya kung paano umire. kitang kita ko na yung ulo ng bata kaya sabi ko ire pa. At napaanak ko sya ng maayos. Ano po kaya ibig sabihin nun?

4:43 PM  
Blogger Kathrine said...

Ako po nanaginip nong Dec 24 patulog na ako mag 12am nanaginip ako na nanganganak PO ako Ng isang sanggol malusog at gwapo tapos po lalaki ..march 052002 po bday ko

7:27 PM  
Blogger Unknown said...

Hello po nanaginip aq na kinasal yung pinsan ko kasal niya nag pakasal cia na mg isa tapos wala ang lalaki na pakasalan nia tapos sa gitna sa kasal nia nanganak cia ng lalaki . Tpos after ng kasal tinanong q ung babae na pinsan q na bakit wla yung boy na pakasalan nia sagot nia hindi daw mg kasal ang boy dahil sa ayaw ng pinsan q na babae mapahiya tapos yun gasto sa kasal nia pinatuloy nia kahit wala yung boy

6:52 AM  
Blogger Unknown said...

good morning po ako din po ay nanaginip na nanganak daw ako sa labas na napakalawak at napapalibotan ng maraming bulaklak at nakahiga daw ako sa isang malaking misa at may mga kasama akung isang babaeng doctor at tatlong lalake na hnd ko kilala,
at nanganak daw ako nga triplets na lalake lahat😯
Ano po kaya ibig sabihin sa kakaiba kung panaginip? 🙄🤔🤨

6:41 AM  
Blogger Unknown said...

may asawa na po pala ako at may dalawang anak na babae isang 3 at isang 1 years old.

6:44 AM  

Post a Comment

<< Home