Monday, June 05, 2006

Di na "makakatikim"

(for TIKTIK, June 07 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung makapag-aasawa pa ako. Biyuda na ako at may dalawang anak. Nahihirapan ako sa pagpapalaki ng aking mga anak. Ipinanganak ako noong Hunyo 18, 1975. Isa lamang akong salesclerk at tinutulungan ako ng mga magulang sa pagpapalaki ng aking mga anak. Makakapagpundar ba ako ng sarili kong bahay at lupa? Mapagtatapos ko ba ang aking mga anak?

ADORACION NG CAVITE CITY

Dear Adoracion,
NAKALUNGKOT man sabihin, hindi ka na makakapag-asawa pa. Nagsosolo lang kasi ang guhit na sumulpot sa bandang itaas ng tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na minsan ka lamang iibig kaya't kung nabiyuda ka--wala nang iba pang lalaking makakasama ka sa habang buhay maliban sa iyong mga anak. Makakatapos naman ng pag-aaral at magtatagumpay ang iyong mga anak. Kasi'y kapwa matikas at mahaba ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas sa real estate at agribusiness.
---30-

3 Comments:

Blogger Unknown said...

This comment has been removed by the author.

9:15 AM  
Blogger Unknown said...

nanaginip po ako palagi na bumabalik ako sa taon na highschool po ako kasama ng aking mga kaklase..eskwelahan po palagi ang aking pinapanaginipan..ano po ang ibig sabihin nito..


MJ ANala
Iloilo city

10:09 AM  
Blogger Angel said...

Nanaginip po ako na namatay daw po ang nanay ko anu po ba ang ibig sabihin nito? Ipinanganak po ako noong feb 27,1986


Makati City

7:27 AM  

Post a Comment

<< Home