Monday, December 18, 2006

Sayaw sa entablado (Tiktik, dreams--20dec06)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko po na kasama ko ang yumao kong ama sa panonood sa isang programa sa ibabaw ng entablado. Nagsasayaw daw doon ang aking anak at nagpapalakpakan ang mga tao. Tuwang tuwa ang tatay ko. Pero biglang nahulog sa entablado ang anak koi at nagkagulo. Tapos ay bigla na lamang akong nagising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 6, 1960. Nagsosolo lang ang anak ko. Bigyan mo rin ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

RANDY NG TANAY, RIZAL

Dear Randy,
MATURITY at pagiging responsible ang ipinahihiwatig ng iyong ama. Ibig sabihin, mayroon kang strong character. Ang entablado ay nagsasabi na masyado kang conscious o masyadong excited sa iyong mga ikinikilos at ginagawa na karaniwang dahilan kung bakit pumapalpak ang iyong mga balakin. Ang iyong anak ay sumisimbolo sa iyong mga bagong proyekto na maaaring magklik kung magiging maingat sa pagdedesisyon. Ang pagsasayaw ay nagsasabi na kailangan mong maging sistematiko sa pagkilos at gumawa muna ng malinaw na plano bago ipatupad ang mga proyekto upang makatiyak sa tagumpay. Kung nahulog sa entablado, may lihim kang takot na mabigo! Katapat ng ama ay No. 37; No. 3 ang anak; No. 44 ang entablado; No. 26 ang pagsasayaw; No. 17 ang pagkahulog; No. 33 ang palakpakan; No. 35 ang gulo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 3. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-6-11-18-23-26-34-37-40-42.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home