Monday, June 05, 2006

Naglakad sa apoy

(for TIKTIK, June 07 issue)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay may hawak na isang malaking bola. Ang bola ay may tinik pero hindi naman ako nasasaktan. Inihahagis ko raw ito paitaas at muling sinasalo. Hindi ako natutusok ng mga tinik. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Minsan naman ay napanaginipan ko na naglalakad ako sa isang kalsada na nagliliyab at hindi rin ako napapaso ng apoy. Bigyan mo sana ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 7, 1980. Bagong pasok lang ako sa trabaho.
NARCISO NG NOVALICHES, QC
Dear Narciso,
ANG bola ay nagpapaaalala sa iyo na hindi ka dapat mawalan ng pag-asa kasi'y papalit-palit lamang ang sitwasyon at lahat ay nagbabago. Ang tinik ay nagpapahiwatig na ikaw ay nahihirapan sa kasalukuyan kung saan napakarami mong mga tanong na hindi nasasagot. Kung hindi na nasasaktan sa tinik, malinaw dito na ikaw ay may malawak na pang-unawa na dapat mong panatilihin upang magkaroon ka ng maraming kaibigan at malayo sa kontrobersiya. Ang apoy ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives at ingatan mo ang pakikipagrelasyon sa opposite sex dahil maaari kang mapahamak. Ang kalsada ay repleksiyon ng iyong aktuwal na buhay. Magsisimula lamang ang iyong pag-unlad sa panahon ng pagpapamilya. Ang apoy ay nagbabadya rin ng pambihirang buwenas na mapapasakamay mo. Katapat ng tinik ay No. 33; No. 10 ang bola; No. 14 ang paglalaro; No.11 ang kalsada; No. 36 ang apoy; No.41 ang paglalakad. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 7 ay magkaroon ng matalas na imahinasyon na dapat mo magamit sa paghahanap buhay. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-38-40-42.
----30--

2 Comments:

Blogger luckyroseve said...

hello po!!

hingi lang po sana ng tulong sa inyo kung pwede gusto ko po malaman ang mahiwagang numero ko may 18, 1975 po ako pinanganak at kung anu maging future 1st time ko po mag try nito. single pa po ako makakapag asawa pa kaya ako ng maayos.

salamat po sana send niyo po sa email ko ung sagot. luckyroseve_ver@yahoo.com or roseve2008@yahoo.com

salamat po ng marami and more power po sa inyo.

10:48 AM  
Blogger Muyak said...

Good evening po,gusto ko lang po sana malaman kung ano ibig sabihin ng panaginip ko na habang naglalakad ako may nagaantay sakin na lalaki pagdating ko sa tapat niya inalalayan niya po ako..maglakad,.ang lalaki po nagaantay sakin ay diko maaninag ang mukha kasi malabo po siya tingnan nakasuot po siya ng americana matangkad at may pagkabrown ang buhok niya at may pagkadilaw ng kunti...gusto kolang po malaman ano ibig sabihin nito sana po malaman ko ang sagot niyo salamat po..ang birthday ko po september 15 1982

11:25 PM  

Post a Comment

<< Home