Monday, December 18, 2006

dreams: paslit sa tulay

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay bumabagtas sa isang tulay. Nasa kabila ng tulay ang dalawang paslit. Nang makatating ako sa kabilang pampang ay tuwang tuwa ako na kinarga nang magsabay ang dalawang paslit. Masayang masaya ako nang oras na nananaginip ako. Ipinanganak ako noong Nobyembre 5, 1982. Dalawang taon na akong kasal pero wala pa ring anak. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Isa akong clerk sa pribadong opisina. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LORETA NG CAPAZ, TARLAC

Dear Loreta,
ANG tulay ay nagsasabi na nasa gitna ka ng proseso ng pag-analisa sa iyong buhay. Sinisikap mong alamin kung saan ka nagkamali sa nagdaang panahon at kung paano mo ito maitatama para sa hinaharap. Ang paslit ay nagpapahiwatig na ikaw ay nananatiling childish o batang-isip-- pabago bago ng desisyon, atubili at nalalayo sa praktikalidad na siyang dahilan ng iyong mga kabiguan. Ang tubig o ilog ay nagsasabi na mayroon kang strong sexual drives kaya't dapat mong makontrol ang pakikipagrelasyon sa opposite sex. Malinaw na magkakaroon ka naman ng anak. Masyado kang excited sa pagkakaroon ng baby kaya't napapanaginipan mo ito.Ang kasal ay nangangahulugan ng achievement o completion. Katuparan ito ng iyong mga pangarap. Katapat ng tulay ay No.11; No. 22 ang paslit; No. 36 ang pagkarga; No. 10 ang ilog; No. 25 ang masaya. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay maging mahusay na negosyante at buwenas sa biyahe. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.3. Sa jai alai, isama mo ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-7-11-18-25-34-37-40-42.

1 Comments:

Blogger Emma said...

Anong ibig sabihin po. Ng panaginip Ko. Na kaming mag familya nasa ilalim ng tulay sa may tubig Na kulay pula tas ung familya Ko nakalutang sila. Pero hindi nagigising ako Lang ang gising tinatawag Ko daw mama at papa Ko mga kapatid ayaw gumising..tAs ung paligid kulay itim tas may kandila na nakatirik saamin at pula ang tubig ..Ano ibig sahin pue non..

Wait Ko pue ung sagot nyo tnx.

4:51 PM  

Post a Comment

<< Home