Friday, June 02, 2006

Malaking ibon

(for TIKTIK, June 03 issue)

HEAD:Malaking ibon

Dear Don Honesto,
MADALAS kong mapanaginipan ang isang malaking ibon na lumilipad nang mababa sa paligid nang aming bahay. May iba’t ibang kulay ang balahibo ng ibon at tuwang tuwa ako. Pero biglang umulan at dumapo ang ibon sa tapat n gaming hagdanan. Tinangka kong siyang hulihin at nadampot ko ang kanyang mga paa. Pero nagpumiglas siya at tinangay niya ako sa itaas ng ere. Nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Bigyan mo sana ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 3, 1970. Isa akong office clerk.


SAMMY NG TAGAYTAY CITY

Dear Sammy,
ANG ibon ay nagsasabi na ikaw ay nasasabik na maging Malaya. Gusto mong makapagdesisyon ka nang walang nakikialam. Marami kang plano sa buhay na hindi mo magawa. Ang bahay ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Nagsasabi ito na masyado kang conscious sa iyong personalidad at nais mong disiplinahin ang iyong sarili pero nahihirapan kang gawin ito. Ang ulan ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives. Malinaw ditto na ikaw ay nasasabik na magkaroon ng kapartner sa buhay pero hindi mo alam ang gagawin kasi’y kapos ang iyong kinikita sa bawat araw. Kung tinangay ka sa ere,nagpapayo ang panaginip na isarado mo ang iyong mga desisyon at magtangka kang gawin ang iyong mga plano kahit pa mistulang imposible itong maipatupad. Ang mahalaga ay magtangka upang mabago ang takbo ng iyong buhay. Katapat ng ibon ay No.30; No.33 ang paglipad; No. 22 ang paa; No. 11 ang ulan; No. 40 ang bahay; No. 27 ang makulay; No. 41 ang balahibo; No. 34 ang hagdanan. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging ambisyoso at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No.3 at No. 7. Sa jai alai, isama mo ang No.9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-26-33-37-40-42.
-----30-

1 Comments:

Blogger Kimtot said...

Ako nanaginip ako ng ibon malaki sia pero sobrang ganda ng kulay nia.. bsta ang ganda tapos bigla siang umikot na parang trumpk tapos lalo daw akong namangha.. dahil sa ganda ng ibon na un... prang kumikinang what does it mean?? Pleaae answer me

8:43 AM  

Post a Comment

<< Home