A NEW SPECIE: HINDI tao, hindi HAYOP!
PINAGI-INHIBIT o hiniling ng prosekusyon na magkusa na tumiwalag si Sen. Frank Drilon sa isinasagawang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.
Siyempre, alam na ng marami ang sagot ng kaalyado ni PNoy na si Drilon.
Pero, sa totoo lang, tanging si Drilon lang ang makakasagot ng naturang isyu.
Sa aktuwal hindi talaga siya sa magbibitiw sa simpleng akusasyon na MAY KINAKAMPIHAN siya.
Kung magsusuri, hindi lang talaga si Drilon ang mahihinuhang MAY PINAPABORAN—sa magkabilang panig kundi maging ang iba pang senador.
Unfair yan.
Unfair dahil may “karapatan siyang maging UNFAIR” tulad din ng iba pang senador.
Kapag nagbitiw si Drilon, aba’y marami rin tiyak ang dapat magbitiw kasi’y mahaba pa ang pagdinig kung saan Article No.2 pa lamang ang pinag-uusapan.
Ang problema ay hindi ang pagiging “UNFAIR” ni Drilon kundi ang pagiging “UNFAIR ng mismong proseso” na tanging IDINIDIKTA lang ni Senate President Juan Ponce Enrile na umaaktong PRESIDING JUDGE o presiding juror.
Nagkaroon ng lisensiya o “prangkisa” si Enrile sa paglalatag ng PROSESO sa katwirang “isang kakaibang hukuman” ang tinatawag nilang Impeachment Court.
Sa legalidad, mas nahahawig ito sa BENCH TRIAL pero hindi naman lahat ng SENADOR—ay bihasang abogado o huwes sapagkat—HINDI SILA PUWEDENG I-OBJECT o kuwestiyunin na aktuwal na MGA HARI NG PAGLILITIS.
Pero ang ibang senador na hindi abogado ay hindi kuwalipikado sa isang BENCH TRIAL sapagkat kapos sila ng karanasan at kaalaman sa court proceedings kaya’t mas ANGKOP sila sa isang GRAND JURY—pero ayaw naman nila na “magpatawag” na JUROR.
Sa isang GRAND JURY, kapag may isang “juror” na pinagdududahan ay awtomatikong tinatanggal o nagkukusa na umalis “mula sa panel ng mga huhusga” –na malabong maganap sa impeachment trial.
Sa teknikal, mas angkop ang terminong IMPEACHMENT BODY—ang grupo ng mga senador na naatasan ng Konstitusyon na mangasiwa sa impeachment proceedings, hindi “traditional court” na nakasanayan natin sa Pilipinas at “hindi rin traditional jury” tulad sa ibang bansa.
Dahil sa malabong “postura, porma at hilatsa” ng impeachment body, madalas na nabubugnot, hindi lang si Sen. Miriam kundi maging si Sen. Enrile kaya’t hindi maiiwasan ang manghula ang iba:
HINDI matatapos ang impeachment proceedings dahil sa aktuwal, ibang klaseng “SPECIE” ito sa balat ng lupa.
Kumbaga, hindi ito isang HAYOP, pero hindi rin isang TAO!
----30----