Saturday, October 29, 2005

namatay sa panaginip

Tiktik (30Oct05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po kagabi ay namatay na ako. May dumalaw daw na isang seksing babae na may edad na 35 to 45 years old sa kabaong. Pero, hindi naman umiyak. Pero may isang bata naman na nagpapakarga sa kanyang daddy. May nakapaskil pa raw na pangalan ko sa malalaking streamer na nakalantad sa kalsada. Pero wala akong iyakan na nakita tulad ng aktuwal na paglilibing pero mistulang may prusisyon. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 3, 1987. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

DOMINGO NG IRIGA CITY

Dear Domingo,

ANG patay sa panaginip ay nangangahulugan ng pagbabago. Kung ikaw mismo ang patay ay napakapersonal ang pagbabagong magaganap; biglaan o agaran ang eksena ng pagbabago kasama ang emosyonal at saykolohikal na pagbabago sa iyong pagkatao. Mistulang bagong buhay ka sa mga susunod na ilang araw. Hindi ito tuwirang nagsasabi na ikaw nga ay matetepok mismo, pero malinaw na maglalaho ang mga nagdaang mong buhay at malulungkot ka nang labis tulad sa emosyon ng isang namatayan. Ang bata ay ikaw rin mismo na sumisimbolo ng panibago mong buhay o panibagong yugto o kabanata sa aktuwal na buhay. Ang kalsada ay sumisimbolo sa direksiyon ng iyong buhay. Sinasabi ditto na nasa tamang direksiyon ka, ituloy mo ang mga plano mo at walang duda na makikilala ang iyong pangalan. Ang seksing babae na may edad ay nagsasabi na ikaw ay nagkakaroon pa ring duda o atubili na hindi na dapat mangyari pa. Katapat ng patay ay No. 29; No. 11 ang kalsada; No. 24 ang streamer; No. 27 ang pangalan mo; No. 6 ang babae; Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging martir at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No. 9. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-38-40-42.

---30---

02. PALMISTRY

Makakahabol sa huling biyahe

Dear Sir Dennis,

NAGPA-XEROX po ako ng guhit ng palad upang itanong kung may tsansa pa akong makapag-asawa. Ipinanganak ako noong Marso 5, 1964. Isa akong guro at nauubos ang panahon ko sa pagtuturo. Pero may naipon na akong konti na pangnegosyo at pampamilya. Puwede bang gamitin ko ang kolum mo upang makahanap ng aking Prince Charming? Makakapagpundar ba ako ng sarili kong bahay at lupa? Kung mag-aasawa ako, magkaanak pa kaya ako?

MARIFE NG SAN JUAN, BATANGAS

Dear Marife,

MAKAPAG-AASAWA ka naman dahil may nagsosolong guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinliliit). Nagsasabi iyan na makakahabol ka sa huling biyahe. Yun nga lang, hindi ka dapat mamili ng mapapangasawa pero mabait at masipag ang iyong makakataling-puso. Magkakaroon ka pa ng dalawang anak dahil may dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki). Nangangahulugan ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak at makakatulong sila sa panahon ng iyong pagtanda. Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger).
----30--

Tuesday, October 25, 2005

gitara't bubuyog

Tiktik (26Oct05)

Dear Don Honesto,

MADALAS ko pong mapanaginipan na ako ay naglalaro ng gitara kasama ko ang mga dati kong kaklase sa high school. Sobra- sobra ang saya namin. Pero habang nagkakantahan kami ay biglang sinalakay kami ng isang langkay ng mga bubuyog na nagpilit na daluhungin kami. Pinagpapalo ko sila ng hawak kong gitara. Nang umalis ang mga bubuyog ay wasak na wasak ang hawak kong gitara. Naiyak ako nang malakas hanggang sa magising.Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Nobyembre 27, 1970. Isa akong ordinaryong empleado lamang. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LORETO NG LINGAYEN, PANGASINAN

Dear Loreto,

MALINAW ditto na nananatili ka pa ring immature at nasasabik na makaranas ng kaginhawahan ng buhay. Kinakapos ka pa sa paraan ng maayos na pagdedesisyon. Atubili ka pa rin sa maraming bagay. May pagkakataon na ikaw ay may “childish behavior” kung saan gusto mo’y masunod ang lahat ng nais mo. Ang gitara ay nagsasabi na dapat na maging organisado ang lahat ng iyong pagkilos upang magtagumpay ka. Ang mga bubuyog ay nagbabadya na ikaw ay may malaking problema na dapat mong maresolba. May kaugnayan ito sa panghihimasok ng isang tao sa personal mong buhay. Kung nawasak ang gitara, ibig sabihin ay nawalan ka ng konsentrasyon at wala ring direksiyon ang iyong buhay kaya’t nabibigo ka. Katapat ng gitara ay No. 8; No. 25 ang barkada; No.18 ang pagkakantahan; No. 33 ang mga bubuyog; No. 17 ang pagkawasak. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 27 ay maging ambisyoso pero nawawalan ng direksiyon dahil sa sobrang dami ng nais gawin kaya’t madalas mabigo. Pinakabuwenas mo ang No.9 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-34-37-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

House and lot

Dear Sir Dennis,

GUSTO ko sanang malaman kung magagawa kong makapagpundar kami ng sariling bahay at lupa. Nakatirik lamang ang bahay naming sa lupa ng isang mayamang pamilya pero pinalalayas na kami. May dalawa akong anak na nag-aaral at isa lamang akong jeepney driver. Maliit na ang kinikita ko at nahihirapan na ako na matustusan ang mga pangangailangan. Balak kong magtrabaho sa ibang bansa, matuloy kaya ako? Pangarap ko rng makapagpundar ng sarili kong sasakyan, matupad ko kaya ito? Ipinanganak ako noong Hunyo 27, 1960.

ANDRES NG ANTIPOLO CITY

Dear Andres,

IPAGPATULOY mo lamang ang iyong mga pagsisikap. Walang duda na makapagpupundar ka ng sarili mong bahay at lupa. May guhit kasi na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa lupa o agriculture. Magagawa mo ito sa pagsapit ng edad 50-anyos. Magsimula ka nang mag-ayos ng mga dokumento dahil magagawa mo namang makapagtrabaho sa ibang bansa.Maraming lugar ang mararating mo. May mga sanga kasi ang dulo ng Life Line at malawak ang naabot nito (tingnan ang bilog sa banding pulso). Makakapagpundar ka rin ng sarili mong sasakyan at gamitin mo ito sa pagbibiyahe ng mga agricultural products upang guminhawa ang iyong buhay. May guhit kasi na pumaitaas sa banding ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng kalingkingan).
---30---

Sunday, October 23, 2005

sabong ng manok

Tiktik (24Oct05)


Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naghihimas ng sasabunging manok. Naroroon daw ako sa isang farm at nasa ilalim ako ng lilim ng mga puno sa tabi ng isang kubong kawayan at pawid. Tuwang- tuwa ako habang nagsasabong hanggang sa mapatay ang mga manok. Pero, biglang pumatak ang malakas na ulan at bumaha.Kitang- kita ko na nalunod at lumutang isa-isa ang mga alaga kong manok, Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 3, 1970. Isa akong security guard at nais ko nang umalis sa trabaho ko kasi’y delikado.

SAMMY NG KALOOKAN CITY

Dear Sammy,

ANG manok ay repleksiyon ng iyong pagkatao. May sapat kang lakas ng loob at madalas na napapagitna sa intriga at away. Kasi’y natatangay ka ng simbuyo ng damdamin.Para sa iyo ay walang imposible na siyang karaniwang ugat ng iyong mga problema.Maging praktikal at gawing simple ang mga mithiin upang maging matagumpay at maligaya. Ang farm ay nagsasabi na kung sisimplehan mo lang ang pangarap mo, may mabilis kang makakaangat kaysa magtangka sa mga mala-imposibleng pangarap.Ang puno ay nagbabadya ng kasaganaan; ang pagsasabong ay nagbabala na marami pang pagsubok ang nag- hihintay at marami ka ring lihim na kaaway. Ang ulan at pagbaha ay nagsasabi na mayroon kang strong sexual drives kaya’t dapat na makontrol mo at maging maingat sa pakikipagrelasyon sa opposite sex. Katapat ng manok ay No. 45; No. 33 ang sabong; No. 29 ang puno; No. 11 ang ulan; No. 40 ang baha; No. 34 ang farm; No. 24 ang kubo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging ambisyoso pero masarap kang magmahal.Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No. 7. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-24-34-39-40-42.
---30---

02. PALMISTRY

Computer rentals

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung magkiklik ang itinayo kong computer rentals. Nagtitiyaga akong magbantay sa anim na computer na binili ko mula sa nakuha kong separation pay. Bigyan mo ako ng gabay sa pagnenegosyo. Mapapalaki ko ba ito? Makakapagpundar ba ako ng sarili kong bahay at lupa? Binata pa ako, buwenas kaya ako sa mapapangasawa ko at ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Agosto 7, 1975.

HEHERSON NG MAKATI CITY

Dear Heherson,

TAMA ang desisyon mo na magtayo ng computer rentals. Kasi’y may nag-parallel na guhit sa banding ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa mga bagong teknolohiya tulad ng computer ar cellphones. Mapapalaki mo ang negosyong ito. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa kasi’y may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa real property business. Minsan ka lamang iibig at kung sino ang maging girlfrieng mo ay siya nang iyong makakatuluyan. Tama ka, buwenas ka sa babaeng mapapangasawa mo—matapos kayong ikasal, magkakasunod sunod ang magagandang oportunidad na magpapaangat sa iyong buhay. Magkakaroon kayo ng tatlong anak dahil may tatlong guhit na pumaitaas sa banding kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki).
---30---

Saturday, October 22, 2005

pumalaot sa dagat

Tiktik (23Oct05)

Dear Don Honesto,

BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan na ako ay namamangka kasama ang boyfriend ko. Pinakahuli ay nasa gitna daw kami ng malawak na karagatan at hindi namin nakikita ang pampang maliban sa mga nagdaaang mga barko at naglulundagang isda. Kulimlim lang ang sikat ng araw. Magkahawak kami ng BF at at hinahagakan niya ako sa lips nang paulit-ulit. Pero biglang lumakas ang ihip ng hangin at nagalit ang mga alon. Tumilapon ang aming bangka at tinangay ako ng tubig at hindi ko na nakita ang bf ko. Nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Nagpaplano na kaming magpakasal next year at pinayagan na kamki ng mga magulang namin. Ipinanganak ako noong Marso 3, 1980. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

RIZZA NG KAWIT, CAVITE

Dear Rizza,

ANG tubig o karagatan ay sumisimbolo sa intense sexual drives. Tipikal ito na napapanaginipan ng mga dalagang tulad mo lalo pa't nasasabik ka na na lumagay sa tahimik. Kung nagkaroon ng unos at tinangay ang BF mo, nagsasabi ito na may lihim kang takot na magkahiwalay pa kayo ng nobyo mo at hindi matuloy ang kasal. Ang paglalayag ay nagsasabi na naglalaro na sa iyong isip kung ano ang mangyayari sa buhay mo sa buhay-may-asawa. Ang barko na nakikita mo ay ang lihim mong pangarap na umunlad at makalaya mula sa poder ng iyong mga magulang.Katapat ng paglalayag ay No. 6; No. 44 ang barko; No. 7 ang BF; No. 19 ang bangka; No. 24 ang isda; No. 33 ang kiss sa lips. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 at maging martir at masyadong emosyonal. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.9. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-29-34-38-40-42.
---30---

02. PALMISTRY

House and lot

Dear Sir Dennis,

NAGPA-XEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung magagawa kong magpundar ng sariling bahay at lupa. Nangungupahan lang kami sa matagal nang panahon. May apat akong anak na nag-aaral, sino kaya sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay? Isa lamang akong salesclerk, pero balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Setyembe 17, 1970.
GILBERT NG IBA, ZAMBALES

Dear Gilbert,

HINDI ka dapat nag-aalala at ipagpatuloy mo lamang ang iyong mga balakin. Walang duda na makapagpupundar ka na ng sarili mong bahay at lupa. May guhit kasi na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas din sa real estate at agribusiness. Makakatapos naman ng pag-aaral ang unang tatlong anak mo maliban sa bunso kasi'y mahahaba ang unang tatlo sa apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Mag-aasawa kasi nang maaga ang iyong bunso. Ituloy mo rin ang pag-aapply sa ibang bansa kasi'y maraming bansa ang mararating mo. Malawak kasi ang naabot ng dulo ng iyong LifeLine (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nangangahulugan ito na buwenas ka sa paglalakbay.
----30--

Thursday, October 20, 2005

dinumog ng ahas

Tiktik (22Oct05)

Dear Don Honesto,

PALAGI akong nakakapanaginip ng isang mahaba at malalaking ahas. Pinakahuli ay pinasok dawn g maraming aha sang bedroom ko. May hawak akong samurai at pinagtataga ko sila pero hindi pa rin maubos hanggang sa magsisigaw ako sa takot. Ano kaya ang ibig sabihin nito. Natanggal ako bilang salesclerk sa isang mall at napilitan na akong pumasok bilang waitress. Pero ang problema maraming tukso ditto at napipilitan na akong makipagrelasyon sa mayayamang customer. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Mayo 6, 1984.

ELSA NG CEBU CITY

Dear Elsa,

ANG ahas ay inihahanay bilang isang phallic symbol at nagpapahiwatig na ikaw ay may strong sexual drives. Hindi naman masama ito dahil karaniwang napapanaginipan ito ng tulad mong walang asawa at maraming karelasyon. Malinaw ditto na maraming tukso ang lumalapit sa iyo at dahil pinagtatataga mo, nangangahulugan na iniiwasan mo na mabuyo ka sa ganitong relasyon. Pero sa sobrang dami, nagbabala ang panaginip na maaari kang mapahamak. Mas makabubuti na mag-asawa ka na o lumipat ng ibang trabaho dili kaya’y tanggapin nang maluwag sa iyong loob ang sinapit mong kapalaran.Pinakamahalaga, mag-ipon ka at magpundar. Katapat ng ahas ay 38; No. 7 ang itak; No. 40 ang bedroom; No. 49 ang sobrang dami; No. 26 ang pagtaga; No. 33 ang pagsalakay. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal at nagkaroon ng maraming karelasyon.Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 9.Sa jai alai, isama mo ang No.1.Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 5-9-11-19-23-28-34-38-40-42.
---30---

02. PALMISTRY

Di ka mapapatay ng kalaban

Dear Sir Dennis,

ISANG akong security guard at lagi akong nagbabasa ng kolum mo. Nagpa-serox na rin ako ng guhit ng palad. Palaging may nagbabanta sa buhay ko, at nais kong itanong kung magtatagumpay sila. Balak ko nang umalis sa trabahong ito at ituloy ang aking kurso sa kolehiyo, magawa ko kaya ito? May dalawa akong anak at nangungupahan lang, makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Pebrero 12, 1970.


ELPHIE NG LEYTE

Dear Elphie,

HINDI ka dapat matakot sa mga nagbabanta sa buhay mo kasi’y hindi nila ito magagawa at hindi rin manganganib ang iyong buhay. Walang indikasyon na mapapatay o maikli ang iyong buhay. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga kung saan nakarating sa banding pulso (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay may malusog na pangangatawan at kung nanaisin mo ay maaari ka pang mag-abroad. Magagawa mo ring makapagpatuloy ng pag-aral hanggang sa makatapos ng kurso kung saan makakaangat ka sa larangan na papasukan mo. May guhit kasi na pumaitaas sa banding ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na ikaw ay magiging professional at tagumpay sa iyong career. Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger).
---30---

sanggol sa simbahan

Tiktik (21Oct05)

Dear Don Honesto,

MADALAS kong mapanaginip na nagpunta raw ako sa loob ng simbahan pero ang nadatnan ko doon ay pawing mga sanggol na naglalaro na may suot-suot na mga lampin na may iba’t ibang kulay. Kinarga ko raw isa-isa ang mga babies at tuwang- tuwa ako. Pero bilang bumaha sa loob ng simbahan kaya’t inisa-isa kong itinaas sa altar ang mga sanggol hanggang sa makaligtas ang mga bata. Marami palang tao na nanonood sa ginagawa ako at sabay-sabay na nagpalakpakan na parang nasa gitna ako ng isang entablado.Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 16, 1980. Isa akong salesclerk sa isang mall.Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

SONIA NG MALATE. MAYNILA

Dear Sonia,

NASASABIK ka na na magkaroon ng anak o baby kaya’t naimpluwensiyahan nito ang eksena sa panaginip. Isang good omen o may magandang dala sa iyo ang sanggol kapag ito ay isang napanaginipan. Nagpapahiwatig din ito na maraming darating sa iyo na oportunidad para sa isang matatag na mapagkakakitaan na hindi mo na dapat palagpasin.Isang bagong larangan ang papasukin mo kaya’t kailangan mo ang sapat na lakas ng loob. Ang simbahan ay sumisimbolo sa iyong malinis na pagkatao o pagkakaroon ng malinis na budhi. Ang entablado ay nagbabadya na ikaw ay makakaangat ng antas sa lipunan at titingalain ng iyong mga kakilala. Kung nagpalakpakan, nagbabala ito na hindi ka dapat malibang o kailanga kang maging maingat sa bawat hakbang na ipatutupad mo upang hindi mabigo. Ang baha ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives kaya’t dapat na maging kwidaw sa pakikipagrelasyon sa opposite sex. Katapat ng sanggol ay No. 22; No. 25 ang simbahan; No. 33 ang palakpak; No. 40 ang baha; No. 27 ang altar; No. 24 ang entablado. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 16 ay maging atubili sa pagdedesisyon pero maraming kaibigan na tutulong sa iyo. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.2. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-26-34-38-40-41.
----30---

02. PALMISTRY

Bahay at lupa

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Nais ko kasing itanong kung makakapagpundar ako sa sarili kong bahay at lupa. Nakikitirik lang kami ng bahay sa lupa ng isang mayamang pamilya.Pero pinalalayas na kami at naghahanap na ako ng malilipatan. Isa akong ordinaryong empleado lamangf. Anong negosyo ba ang bagay sa akin? Gusto ko sanang mag-abroad, matutuloy ba ako? Ipinanganak ako noong Hunyo 5, 1960.

EDMUNDO NG BALANGA, BATAAN

Dear Edmundo,

WALA kang dapat ipag-aalala, basta’t ituloy mo lamang ang mga pagsisikap. Kasi’y magkakaroon ka naman ng sariling bahay at lupa. May guhit kasi na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng may kaugnayan sa lupa o real estate. Gayunman, matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa kasi’y mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa mga paglalakbay kaya’t maaaring magbiyahe ka rin ng mga produktong agricultural. Sa kabuuan ay magtatagumpay dahil malinis ang iyong palad mula sa mga horizontal lines.
----30--

Thursday, October 13, 2005

unggoy

Tiktik (14Oct05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nakahiga sa isang papag na yari sa kawayan. Nasa ilalim ito ng lilim ng punong akasya. Pinanonood ko raw ang mga unggoy na naglilipat-lipat sa sanga ng puno habang ako ay nakahiga. Pero nagulat ako nang biglang humawak ng baril ang mga unggoy ay itinutok nila ito sa akin. Nagtatakbo ako sa sobrang takot hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong office clerk pero nabuburyong na ako sa trabaho. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Agosto 3, 1970.

BENJAMIN NG PASIG CITY

Dear Benjamin,

ANG kawayan ay nagsasabi na kahit makaranas ka ng matitinding pagsubok ay tiyak na malalampasan mo. Kung nakahiga ka sa papag, malinaw dito na ikaw ay hindi gaanong seryoso sa buhay at nagpapatangay ka lamang sa agos ng buhay. Hindi ka gumagawa ng kakaibang diskarte o wala kang abilidad kaya't wala kang asenso. Ang mga unggoy ay nagpapahiwatig na ikaw ay kailangang mamulat sa katotohanan at maging praktikal. Paminsan-minsan kailangan mo ring gumawa ng kalokohan o kailangan din maging "tuso" imbes na ikaw ang mabiktima ng panloloko ng iyong mga kaibigan. Ang baril ay nagsasabi na ikaw ay dapat na maging matapang sa pagdesisyon ay sumubok ng mga kakaibang sitwasyon tungo sa pag-unlad. Ang puno ay sumisimbolo sa napipintong pag-unlad at katuparan ng mga hilaw na pangarap. Katapat ng kawayan ay No. 37; No. 4 ang papag; No. 10 ang paghiga; No. 33 ang unggoy; No. 45 ang baril; No. 18 ang takot. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging ambisyoso pero matutupad ang mga pangarap kahit gaano kahirap ang pagdaraanan . Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40.
----30---

02. PALMISTRY

Mananalo sa eleksiyon

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Nais ko kasing itanong kung mananalo ako sakaling kumandidato akong barangay captain. Isa akong kagawad ngayon at isang superbisor sa isang pribadong kompanya. May tatlo akong anak na nag-aaral, makakatapos ba sila sa pag-aaral. Anong negosyo ba ang buwenas sa akin? Ipinanganak ako noong Mayo 26,. 1970.

SERAFIN NG SAMPALOC, MAYNILA

Dear Serafin,

ITULOY mo lamang ang pangangampanya hangga't may pagkakataon ka. Walang duda na mananalo ka kapag kumandidato ka sa susunod na eleksiyon. May nag-parallel kasing guhit paitaas sa bandang ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng imndex finger). Karaniwang nakikita ito sa mga lider at may katungkulan sa lipunan. May likas kang kakayahan na makahawak ng mga tao at maglingkod sa kapwa. Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong tatlong anak kasi'y mahahaba ang tatlong guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na magtatagumpay ang iyong mga anak at pawang makakatulong sa iyo sa panahon ng pagtanda. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa agriculture tulad ng pagtatanim, pag-aalaga ng hayop o pagbebente ng mga produktong mula sa bukid. May guhit kasing pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
---30--

Wednesday, October 12, 2005

ermitanyo

Tiktik (13Oct05)

Dear Don Honesto,

MADALAS kong mapanaginipan ang isang matandang lalaki na may mahabang balbas. Naglalakad siya nang marahan gamit ang isang tungkod. Pero, marami siyang alahas sa katawan. Nang mapalapit ako ay hinubad niya ang kanyang kuwintas na kumikinang at ibinigay sa akin. Nang akmang aabutin ko na ay bigla naman akong nagising. Hinayang na hinayang ako kahit alam kong isa lamang itong panaginip. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Mayo 14, 1970.


ESTELA NG NAVOTAS, MM.

Dear Estela,

Kung ermitanyo ang napanaginipan mo, nagsasabi ito na ikaw ay may angking talino na maaari mongmagamit sa pag-unlad. Mayroon kang strong character pero madalas na sumusubra ang tiwala mo sa sarili mo. Ang balbas ay nagsasabi na ikaw ay may malakas na intuition na maaari mong i-develop o linangin. Kumbaga, malakas ang iyong extra-sensory perception kaya't maaari kang maging matagumpay na negosyante o maaari mong masapol ang mga resulta sa mga number games tulad sa lotto. Ang kuwintas na kumikinang ay nagsasabi na ikaw ay maraming natatagong talento at buwenas ka rin sa iyong mga anak na pawang matatalino at aasenso sa buhay. Katapat ng ermitanyo ay No.27; No. 7 ang tungkod;No. 30 ang kuwintas; No. 25 ang pag-abot; No. 33 ang makinang.Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 14 ay maging buwenas sa negosyo at paglalakb ay. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No. 3. Sa jai alai, isama mo ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-28-34-36-40-42.
---30---



2.PALMISTRY

Abroad

Dear Sir Dennis,

NASIBAK ako sa trabaho kasi'y nalulugi daw ang aming pabrika. Nakakuha ako ng separation pay, ano bang negosyo ang bagay sa akin. Naga-apply ako sa abroad, matuloy kaya ako? May dalawa akong anak, sino sa kanila ang magtatagumpay. Ipinanganak ako noong Disyembre 26, 1972. Ipina-serox ko ang guhit ng aking palad at inilakip ko sa liham na ito upang masuri mo. Salamat po.

EDGAR NG CAVITE CITY

Dear Edgar,

WALA kang dapat ipag-aalala, kasi'y matutuloy ka naman sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay. Buwenas ka sa negosyo na nagbibiyahe ng produkto. Buwenas ka rin sa paga-aahente ng bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay ang iyong dalawang anak kasi'y kapwa matikas at mahaha ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
---30--

Tuesday, October 11, 2005

langoy sa baha

Tiktik (12okt05)

Dear Don Honesto,

Gusto ko po sana magpa-interpret ng dream. Kagabi po nanaginip ako na may matinding baha daw na naganap. Sana wala namang ibig sabihing masama ito. Mataas daw ang tubig na nagpalubog sa mga kabahayan. Ako daw po ay lumalangoy para makaligtas. Ang pinagtataka ko lang po, gayong ang mga kabahayan ay lubog na pero ang mga halamang may mahahaba at matutulis na dahon (parang dahon ng pinya pero mas mahahaba) ay nakaangat pa rin at nakakapit sa lupa. Hinahawi ko raw ang mga ito. Habang lumulutang po ako, may nakita akong asong kulay beige na nakasakay sa isang waterlily. Tapos nakakita ako ng malaking planggana at sumakay ako doon at ginawa kong parang bangka. Pagkatapos ng eksena na iyon, lumipat ang setting sa boarding haus ko. Ewan ko pero biglang andun iyong kaopisina kong lalaki (na may girlfriend na). Gumagawa daw ako nang mga oras na iyon ng isang malapad na sumbrero (kasinlapad ng bilao) na kulay pink at may mga feathers din na pink sa gilid. Sinusuot ko daw ung sumbrero pero nahihirapan ako kaya tinulungan ako ng kaopisina kong lalaki. Magkatapat na daw ang aming mga mukha pero umiiwas daw ako sa mukha nya dahil naiilang daw ako. Pagkatapos nung mapaharap ako sa kanya, dahan-dahan nya daw akong hinalikan sa labi. Nung una, di daw ako nagri-respond pero nung nagtangka na naman siyang humalik, eh naramdaman ko na raw ang init at lambot ng kanyang mga labi kaya gumanti na rin ako sa halik nya. At ayun po, naputol na ang panaginip ko dahil nagising na po ako.

FATIMA NG CAVITE (nicebaby@yahoo.com)

Dear Fatima,

HINDI mo binanggit ang petsa ng iyong kaarawan, pero ang tubig o malaking baha at maging ang mga matutulis na dahon ay karaniwang napapanaginipan ng mga dalaga o walang asawa kasi’y nangangahulugan ito na ikaw ay may strong sexual drives. Hindi ito nakakahiya kasi’y normal lamang sa tulad mo.Minsan ay apoy naman, baril, isda o anumang matutulis o madudulas na bagay ang mapapanaginipan mo. Sinisimbolo nito ang iyong sexual life na lihim mo naming itinatago kaya’t sa panaginip ito lumalabas sa porma ng simbolo.Karaniwang napapanagipan ito ng mga may boyfriend o sabik na makipag-date kaya’t nagkakatotoo sa panaginip.Ang lalaki sa panaginip ay nagsasabi na ikaw ay nagiging strong o nagkakaroon ng lakas na makapagdesisyon nang nag-iisa o maging independent-minded.Ikaw rin mismo ang lalaking nakita mo, gusto mo magkaroon ng strong character!Ang bahay ay ikaw rin ang sinisimbolo na nagsasabi na nadadarang ka sa tukso, espefically, sexual act.Mag-ingat ka, baka ka mabuntis! Ang aso ay sumisimbolo sa isang kaibigan na maaaring nagbabalatkayo pero may “lihim” siyang pagnanasa sa iyo.Ang waterlily ay nagsasabi na maaaring matangay ka ng emosyon pero natatakot ka naming mabaon sa tukso o problema kaya’t naghahanap ka rin ng TAGAPAGLIGTAS sakaling mapahamak ka. Kumbaga, Fatima, malapit ka nang bumigay o nagtatangka ka ring tumakas sa “kalokohan” hanggga’t hindi ka pa nabubulid sa putik. Ang sombrero ay sumisimbolo ng iyong pagnanais na maging marangal pa rin sa “mata ng mga tao”—at ilan din ay pagkukunwari lamang.Sinisikap mo ring dayain ang paligid mo o ang mga bago mong kakilala upang maging angat ka sa kanilang pananaw. Kung nakipag-lips-to-lips ka, aktuwal itong nagpapatotoo na nasasabik ka sa isang masayang romansa na nagpapatunay na isa kang normal na nilalang. Mahaba na. Salamat sa iyo.

02. PALMISTRY

Makakaahon sa hirap

Dear Sir Dennis,

IPINA-SEROX ko ang guhit ng aking palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. May pag-asa ba akong makakita ng matatag na trabaho? Palagi na lang kasing contractual ang trabaho ko sa mga mall. College graduate ako pero hindi naman ako makakuha ng angkop na puwesto. Pangarap kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Dalaga ako pero walang boyfriend. Makapag-aasawa na ako nang maayos? Ilan ang magiging anak ko? Ipinanganak ako noong Agosto 5, 1980.

TERESA NG BALAYAN, BATANGAS

Dear Teresa,

SIYEMPRE naman. Makakatagpo ka rin ng matatag na trabaho, basta patuloy ka lang sa pagkilos at pagtitiyaga. Makakaahon ka sa hirap. Kasi’y maraming guhit ang pumaitaas mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa bandang gitna). Nagsasabi ito na ikaw ay uunlad pero magdaraan talaga sa pagpapatulo ng pawis. Matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa kasi’y malawak ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagpapahiwatig ito na maraming bansa ang mararating mo at buwenas ka sa paglalakbay. Makakapag-asawa ka naman at kung sino ang iyong magiging boyfriend at siya nang makakatuluyan mo. Nagsosolo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Masarap kang magmamahal at magkakaroon ka ng tatlong anak. Kasi’y may tatlong guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
---30---

Saturday, October 08, 2005

gitara, abroad (10okt05adv)

Tiktik (10Oct05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naglalakad sa loob ng isang mall. Kasama ko raw ang mga kaklase ko noon sa high school. May tig-iisa raw kaming gitara at parang nagko-concert kami sa gitna ng isang bulwagan sa loob ng mall.Pero may biglang bumaha sa loob ng mall kaya’t nag-akyatan kami sa mataas na lugar. Nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero na maaari kong gamitin sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hulyo 4,1970.

DANIEL NG TAGUIG, MM.

Dear Daniel,

ANG mall ay sumisimbolo mismo sa iyong pagkatao nanagsasabi na nabibilang ka sa maykaya o mayamang pamilya. Isa kayo sa iginagalang sa inyong lugar. Kung kasama mo ang iyong mga kaklase, malinaw dito na ikaw ay nananatiling may tendency pa rin na maging childish o hindi ka seryoso sa buhay na siyang dumidiskaril sa iyong pag-unlad. Kung may gitarakayo, malinaw na ipinapayo ng panaginip na dapat ay maging organized ang iyong mga pagkilos o maging sistematiko upang magtagumpay ka. Kung bumaha, malinaw na sinasabi na ikaw ay may strong sexual drives na dapat mong makontrol upang hindi ka mapahamak. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008 kung saan makakaranas ka ng pambihirang buwenas. Katapat ng mall ay No.27; No. 28 ang gitara; No. 17 ang paggimik; No. 49 ang maraming tao;No. 40 ang baha. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 4 ay makaranas ng pambihirang buwenas na hindi mo sukat-akalain. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa 5, 9, 11, 19, 23, 28, 34, at 40.
----30—

02. PALMISTRY

Abroad, house and lot

Dear Sir Dennis,

REGULAR akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong bigyan mo ng kahulugan ang guhit ng aking palad. Inilakip ko ang xerox copy nito sa liham na ito. Gusto ko kasing itanong kung makakapag-abroad ba ako? Wala na kasi akong nakikitang tsansa upang makaahon sa hirap. Maliit lang ang suweldo dito at kahit ano ang gawin ko, wala pa ring pagbabago. Anong negosyo ba ang buwenas sa akin? May dalawa akong anak na nag-aral sino sa kanila ang magtatagumpay? Nangungupahan lang ako ng bahay, makapagpupundar ba ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1974.

CENEN NG NOVALICHES, QC

Dear Cenen,

WALA ka naman dapat ipag-alala, kasi’y matutuloy ka naman sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Mahaba kasi ang dulo ng Life Line at nagkaroon din ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay at maraming bansa ang mararating mo.Buwenas ka sa negosyo na naglalako o nagbibiyahe ng mga produkto kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng kalingkingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Karaniwang nakikita ito sa matatagumpay na negosyante. Makakatapos naman ng pag-aaral at kapwa magtatagumpay ang iyong dalawang anak. Kasi’y matitikas at mahahaba ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).Makakatulong sila sa panahon ng iyong pagtanda. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng middle finger (tignan ang bilog sa bandang ilalim ng hinlalato).

Friday, October 07, 2005

pabalik-balik

Tiktik (09Oct05)


Dear Don Honesto,

Tatlong sunud-sunod na gabi ko nang napapanaginipan ang isa kong kaibigang lalaki noong high school. Sa unang panaginip, masaya siya nu'ng makita ako at sinabing tutulungan niya ako pero umiiyak siya dahil sa personal ding problema. Sa ikalawa kong panaginip, naroon siya muli kasama ng iba ko pang kaklase noong high school, katulad nu'ng dati, masaya kaming nagbibiruan. Sa ikatlo kong panaginip, tinawagan niya ako at kinumusta, hiningi ko ang number niya pero hindi niya ibinigay pero sabi niya tutulungan daw niya ako. Hanggang sa magising na lang ako, dala ang kanyang sinabi. Pareho kaming libra at magkasunod ang araw ng aming kapanganakan, pareho rin kami ng uri ng trabaho. Ano kaya ang pakahulugan nito?

KULET ng SAN GUILLERMO, ISABELA

Dear Kulet,

MUKHANG kinulet ka ng kaibigan mo sa iyong panaginip.Una, malinaw na may mabigat kang problema na hindi mo maikuwento kahit kanginong kaibigan—sinasarili mo kaya’t pumasok nang tatlong sunod sa panaginip ang iyong “friend”.Ang susi ng iyong panaginip ay hindi ang aktuwal mong “kaibigan”—kundi ang sinisimbolo nito sa iyong buhay. Ibig sabihin, suriin mong mabuti kung ano ang “prominent character traits, relationship with him, o kakaiba niyang asal o ugali”—at ito ang ipinahihiwatig ng iyong panaginip. Ginagamit lamang ang “iyong friend” upang I-represent ang isa pang “tao o sitwasyon o emosyon” sa iyong buhay—at iyan mismo ang iyong “very personal problem”. Tila masyadong personal o confidential ang iyong problema kasi’y tatlong magkakasunod na gabi ito—at may “urgency” kasi’y nagugulo ang iyong subconscious! May problema ka, pero problema mo mismo ang proseso sa pagresolba nito! Malinaw ditto na naghihintay ka ng “saklolo” na ikinakatawan ng kaibigan mo sa panaginip—at ang pangakong tutulungan ka—ay isang MATAMIS NA AWITIN sa iyong kaluluwa! Kung pareho kayong LIBRA at magkadikit ang petsa ng kaarawan—nangangahulugang IKAW MISMO ANG MAKAKATULONG SA SARILI MO, wala nang iba pa.Ang lalaki sa panaginip ay nagsasabi na ikaw ay nagkakaroon na ng “strong character”—ay iyan ang susi sa iyong mga problema, maipatutupad mo na ang anumang desisyon na alam mong makakatulong sa iyo—nang walang atubili at pagsisisi sa hinaharap.
----30—

02. PALMISTRY

Makakapag-abroad

Dear Sir Dennis,

IPINA-SEROX ko na ang guhit ng aking palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko kasing itanong kung magkakaroon ako ng matatag na trabaho o hanapbuhay. Laging kasing casual at contractual ang napapasukan kong trabaho at naboboring na ako. Hindi ako makaaalis kasi’y mahirap maghanap ng bagong mapapasukna. Balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Pangarap kong makapagpundar ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? Binata pa ako, makakapag-aasawa kaya ako nang maayos? Ipinanganak ako noong Marso 5, 1982.

RAMIRO NG TONDO, MAYNILA

Dear Ramiro,

MARAMI kang pagsisikap sa buhay at tiyak na uunlad ang iyong buhay. May sumulpot kasing mga guhit paitaas sa mga daliri na nagmula sa Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na ikaw ay matiyaga, masinop at masipag na magsisilbing pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Makakapag-abroad ka rin dahil may sanga at mahaba ang dulo ng Life Line (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay. Makakapagpundar ka ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Buwenas ka sa lahat ng klase na may kaugnayan sa lupa. Kung sino ang maging girlfriend mo ay siya nang mapapangasawa mo dahil nagsosolo ang marriage line o guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit).
---30--

Wednesday, October 05, 2005

hinubad na sapatos

Tiktik (07Oct05)

Hinubad na sapatos

Dear Don Honesto,

MADALAS kong mapanaginipan na ako ay nananonood ng sine kasama ang isang kaibigan. Pinakahuli ay nanonood daw ako ng sine kasama ang isang kaibigan. Pero hinubad ko raw ang sapatos ko habang nanonood. At nang lumabas na kami sa sinehan ay nakatapak na ako. Natawa pa ako habang nagtatampisaw ang paa ko sa putik paglabas sa gusali, sabi ko sa kasama ko, sana'y ako sa bukid na maputik. Natawa lang siya. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 3, 1970. Isa akong binata at wala akong girlfriend pero maraming kaibigang babae. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

THOR NG CALASIAO, PANGASINAN

Dear Thor,

ANG sine ay sumisimbolo sa tipikal na gulong buhay. Nangangahulugan ito na ikaw ay nasa proseso ng pagsusuri ng iyong buhay at ikaw ay lumalakad sa pinakatipikal na estilo. Ipinakikita rito na masaya ka sa pagiging simple ng iyong buhay. Ang sapatos ay sumisimbolo sa posisyon at dahil gusto mong maging pangkaraniwan lamang, okey lang sa iyo kahit wala kang posisyon o kahit nasa ordinaryong antas ka lang sa lipunan. Nangangahulugan ito na ikaw ay mapagpakumbaba. Ang kasama mo sa panaginip ay ang iyong pinaka-espesyal na kaibigan sa lahat, siya ang iyong lihim na mahal, at masaya ka kapag kasama mo siya. Ang putik ay nagsasabi na hindi ka rin makaiwas na gumawa ng mga kalokohan pero kontrolado mo ang mga sitwasyon.Kung basa ang lupa , ito ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives kaya't maaari kang makapag-asawa sa taong ito dili kaya'y sa 2006 kung saan matutupad mo rin ang iyong mga pangarap. Katapat ng sine ay No. 14; No. 39 ang sinehan; No. 6 ang kaibigan; No. 17 ang putik; No. 22 ang sapatos; No.10 ang nakapaa; Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-9-11-19-23-27-34-38-40-42.
---30--

02. PALMISTRY

Okey sa negosyo

Dear Don Honesto,

ISA akong vendor sa palengke at ipina-serox ko na rin ang guhit ng palad ko upang maikonsulta ko kung paano ako uunlad o magiging klik ang hanapbuhay ko. Nagtitinda ako ng mga gulay pero maliit lang ang kita ko.May apat akong anak, sino sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay? Makakapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Setyembre 4, 1970.
HEHERSON NG TONDO, MAYNILA
Dear Heherson,
KONTING tiyaga pa. Kasi'y makakaaahon ka naman sa hirap. Marami kasing guhit na pumaitaas mula sa Lifeline (tingnan ang bilog sa bandang gitna). Nagsasabi ito na uunlad ka pero kailangang magpatulo ka ng pawis. Maraming oportunidad ang lalapit sa iyo na dapat mong gamitin at huwag pakawalan. May guhit na nag-diagonal din sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan) na karaniwang nakikita sa matatagumpay na negosyante. Buwenas ka sa paglalako o pag-aalok ng paninda sa mga bahay-bahay. Makakatapos ng pag-aaral ang unang tatlo mong anak, maliban sa bunso na mag-aasawa nang maaga at makakahiwalay lang. Matitikas kasi ang unang tatlo sa apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
--30--

Tuesday, October 04, 2005

tampisaw

Tiktik (06Oct05)

Tampisaw

Dear Don Honesto,

BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan na ako ay nagtatampisaw sa isang mababaw na ilog o batis? Pero nakaupo lang ako sa parang pilapil at ang tanging nakababad sa tubig ay ang aking mga paa. Nagsosolo lang ako sa kalagitnaan ng sinag ng buwan sa gitna ng madilim na paligid. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 26, 1980. Isa akonmg GRO sa isang club. Maty pumatol pa kaya sa aking binata sa kabila ng aking karanasan? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


MERRY NG FRISCO, QC

Dear Merry,

KUNG nagtapisaw ka lamang, nangangahulugang kahit paano ay natutukso ka sa bawal na pag-ibig. Pero, sinisikap mong kontrolin ang iyong libido at tukso sa relasyon. Ang tubig kasi ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives na dapat mong makontrol. Marami kang magiging karelasyon pero walang magiging seryoso. Ang dilim ay nagsasabi na may lihim kang takot sa magaganap sa hinaharap.Walang direksiyon ang iyong future. Pero, kung may sinag ang buwan, nangangahulugan ito na may isang tao na magliligtas sa iyo mula sa kapahamakan at siya ay isang lalaki na kilalang sa iginagalang na angkan. Makapag-aasawa ka nang maayos at magiging masaya ang iyong pagtanda. Katapat ng ilog ay No.11; No. 22 ang tampisaw; No. 20 ang buwan; No. 35 ang dilim. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 26 ay maging malungkutin at makaranas ng dagok ng buhay sa panahon ng kabataan. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.1 Sa jai alai, isama mo ang No. 6. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-29-34-37-40-42.
---30—--


02. PALMISTRY

Abroad

Dear Sir Dennis,

PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nagpa-zerox na rin ako ng guhit ng palad upang malaman ang kahulugan nito? May pag-asa ba akong makapag-abroad? May dalawa akong anak na nag-aaral, mapagtapos ko kaya sila sa kolehiyo? Isa lamang akong ordinaryong empleado. Anong negosyo ang bagay sa akin? Ipinanganak ako noong Nobyembre 3, 1960.


ARTEMIO NG PASIG CITY

Dear Artemio,

ITULOY mo lamang ang paga-apply ng trabaho sa ibang bansa. Kasi’y matutuloy ka naman at makapagtatrabaho sa abroad. Maraming lugar ang mararating mo. Mahaba kasi ang iyong Life Line at nakaabot ito sa banding pulso at may mga sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa paglalakbay. Makakatapos din ng pag-aaral ang iyong dalawang anak kasi’y may dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatulong sila sa iyong pagtanda dahil magtatagumpay sila sa larangan na kanilang papasukin. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa serbisyo tulad ng repair shop o passenger vehicles dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng palasingsing (tingna nang bilog sa banding ilalim ng ring finger).
---30--

Monday, October 03, 2005

mabangis na hayop

Tiktik (05Oct05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po ang isang mabangis na hayop na sumunggab sa akin sa gitna ng gubat. Pero nakatakbo ako ay umakyat sa isang punong kahoy. Nagpipilit din ang hayop na umakyat pero nanatili akong nakakapit sa mga sanga. Takot na takot ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1980. Bagong pasok lang ako sa trabaho pero napapagitna agad ako sa intriga. Hindi na yata ako makakatagal sa trabahong ito kahit bagong pasok lang ako.Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

SUSAN NG TAGAYTAY CITY

Dear Susan,

ANG hayop sa panaginip ay repleksiyon ng iyong charater traits. Kung mabangis, iyan mismo ang iyong bad traits. Ibig sabihin, mayroon kang masamang ugali na agad nabisto ng iyong mga kasamahan sa opisina. Naiirita sila sa iyo. Kailangan mong matanggap ang mapait na katotohanang ito. Suriin mong mabuti ang iyong sarili at sikaping malaman kung ano ang mismong bad traits na ito upang masolusyonan mo ang problema. Kapag hindi mo ito nagawa, kahit saang opisina ay hindi ka magtatagal sa pagtatrabaho. Ang punong kahoy ay ang iyong hilaw na pangarap na magtagumpay sa buhay pero madidiskaril ito ng iyong bad traits. Ang pag-akyat ay nagsasabi na nagtatangka kang umunlad at magagawa mo ito sa pagsapit ng maturity period. Katapat ng hayop ay No. 2; kung mabangis ay No. 18; No. 29 ang puno; No. 23 ang pag-akyat; No. 17 ang takot. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng mga lihim na lungkot pero kung magkakaroon ng disiplina ay makakarating sa pinakamataas na antas ng tagumpay. Pinakabuwenas mo ang No. 8 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-28-34-38-40-42.
---30--

02. PALMISTRY

House and lot

Dear Sir Dennis,

NAGPA-XEROX na rin ako ng guhit ng palad. Nais ko kasing malaman kung magkakaroon kami ng sariling bahay at lupa. Nangungupahan lang kasi kami sa apartment. May apat akong anak na nag-aaral, sino kaya sa kanila ang magtatagumpay? Anong negosyo ba ang bagay sa akin? Ipinanganak ako noong Agosto 17, 1970.
DINDO NG MASINLOC, ZAMBALES
Dear Dindo,
WALA kang dapat ipag-alala, kasi'y makakapagpundar ka naman ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa lupa kaya't walang duda na magkakaroon ka ng sariling tirahan. Makakatapos naman ng pag-aaral ang apat mong anak at pawang magtatagumpay sila. Matitikas at mahahaba kasi ang apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatulong ang iyong mga anak sa panahon ng iyong pagtanda. Buwenas ka sa mga negosyo na nagbibiyahe ng produkto kasi'y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan).
---30---

Sunday, October 02, 2005

roleta

Tiktik (04Oct05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko na ako ay nagpapaikot ng isang roleta na para bang isa akong host o emcee sa isang programa na may mga palaro sa mga contestant. Marami raw ang sumasali at kapag nasasapol ng arrow ang puwesto ng jackpot ay nagsisigawan ang mga tao. Pero, biglang umulan nang ubod ng lakas ay bumaha sa paligid. Natakot ang mga tao at nagsigawan. Nagtatakbo naman ako sa isang bubong at doon ako nagdasal nang nagdasal hanggang sa magising ako. Ipinanganak ako noong Pebrero 5, 1970. May dalawa akong anak at isa akong ordinaryong kawani sa isang pribadong opisina. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

EDNA NG TANDANG SORA. QC

Dear Edna,

ANG roleta ay nagsasabi na ikaw ay dumaranas ng tipikal na agos ng buhay—nagsasalitan lamang ang saya at tuwa, kabiguan at tagumpay. Nakatikim ka na ng tagumpay pero nagtaka ka dahil panandaliang lamang. Nagkaroon ka ng problema, pero nagulat ka rin nang kusang malutas ito nang hindi mo inaasahan. Paulit-ulit mong mararanasan yan. Ang paglalaro tulad sa roleta ay nagsasabi na hindi ka dapat maging masyadong maramdamin o ituring ang mga kabiguan ay isang malaking dagok ng kapalaran na hindi malulutas.Ituring mo itong bahagi ng buhay at isang malaking paghamon ito sa iyong kakayahan. Ang jackpot ay sumisimbolo sa iyong mga hilaw na pangarap na mahirap matupad sa aktuwal na buhay pero nagaganap sa loob ng panaginip.Ang pag-ulan o pagbaha ay nagasabi na ikaw at may strong sexual drives kaya’t dapat makontrol mo ito upang hindi ka mapahamak.Katapat ng roleta ay No. 30; No. 27 ang jackpot; No. 11 ang ulan; No. 40 ang baha; No. 13 ang contestant; No.19 ang pagsigaw. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay madaling maimpluwensiyahan ng paligid at pabago-bago ng desisyon pero buwenas sa paglalakbay. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-26-34-38-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

Makakatapos sa kolehiyo

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung may pag-asa pa akong makaahon sa hirap. College dropout ako at gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko upang makatapos, magawa ko kaya ito? Isa akong messenger sa isang private office. Binata pa ako pero walang nobya, makapag-aasawa pa kaya ako? Ilan ang aking magiging anak? Puwede mo ba akong maihanap ng kaibigang babae sa pamamagitan ng kolum mo? Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1979.

GENER NG ANTIPOLO CITY

Dear Gener,

ITULOY mo lamang ang mga pagsisikap mo dahil makakatapos ka naman ng pag-aaral sa kolehiyo. May nag-parallel kasing guhit paitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na ikaw ay magiging bihasa sa dalawang larangang magkahiwalay. Makakaahon ka sa hirap at giginhawa ang buhay nang hindi mo sukat-akalain. Makakapag-asawa ka naman at kung sino ang maging nobya mo ay siya nang makakatuluyan mo. May nagsosolo kasing guhit sa tagiliran ng palad sa banding ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng kalingkingan). Magkakaroon ka ng dalawang anak kasi’y may dalawang guhit na nag-parallel paitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Inilathala ko na ang pangalan mo at bahala na ang ating mga mambabasa na mag-react kung interesado sila na maging kaibigan ka. Ipadadala ko na lamang sa ibinigay mong address ang liham ng mga taong magpapaunlak sa iyo.
---30--

Saturday, October 01, 2005

bisikleta

Tiktik (03Oct05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN kop o na ako ay nagbibisikleta sa tabi ng daan. May basket ang unahan ng bisikleta dahil inutusan ako ng nanay ko na bumili ng sariwang pagkain sa palengke. Pero nang nasa highway na ako ay bigla akong nabundol ng isang magarang kotse. Tumilapon ako pero bumaba ang makisig na lalaki sa kotse at kinumbinse niya akong sumakay sa kanyang sasakyan para daw mapagamot ako. Nang sasakay na ako ay nagising akong bigla.Hinayang na hinayang ako nang malaman kong panaginip lang pala. Ano ang ibig sabihin nito? Isa akong salesclerk sa isang mall at wala pang boyfriend. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 3, 1982.

MIRIAM NG PASIG CITY

Dear Miriam,

MALINAW na apektado ng eksena sa panaginip ang lihim mong pagnanais na magkaroon ng boyfriend o kapartner sa buhay. Ang bisikleta ay nagsasabi na nagugulo ang iyong isip dahil sa kawalan ng direksiyon at natatakot kong makaranas ng problema sakaling pumasok ka sa isang relasyon. Ang basket ay nagsasabi na talagang inihanda mo na ang sarili mo sa relasyon, pero ang problema ay kung paano mong ima-manage ang sarili pagdating ng aktuwal na sitwasyon. Kung nabundol ka, may lihim kang takot na mabigo o magkaproblema; ang makisig na lalaki sa panaginip ay repleksiyon ng iyong strong character traits na hindi mo gaanong ginagamit. Malinaw ditto na kailangan mong magdesisyon nang malinaw at sarado upang magtagumpay ka sa buhay at magkaroon ng masayang pamilya sa hinaharap. Katapat ng bisikleta ay No. 28; No. 44 ang basket; No.30 ang pagbiyahe; No. 17 ang pagkabundol; No. 7 ang lalaki. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay masarap magmahal at may dugong martir. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-37-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

Real estate

Dear Sir Dennis

NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. May pag-asa pa kaming magkaanak ng misis ko? Limang taon na kaming kasal at naiinip na kami kaya’t nagpa-checkup kami pero wala naming nakita diperensiya ang mga doctor. Isa akong superbisor sa isang pabrika at isang ordinaryong empleada ang misis ko. Nangungupahan lang kami ng bahay, makakapagpundar ba ako ng sariling bahay at lupa? Pinaplano kong magnegosyo, ano ba ang buwenas para sa akin? Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1960.

RAYMOND NG CAVITE CITY

Dear Raymond,

TAMA naman ang mga doctor. Magkakaroon naman kayo ng anak at dalawa ang inyong magiging supling. May dalawa kasing guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tignan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatapos din ng pag-aaral at magtatagumpay ang inyong anak. Magagawa mo ring makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa lupa at real estate. Sa totoo lang puwede kang mag-ahente ng real estate o mga ibinibentang ari- arian. Magkakaroon ka ng malaking komisyon ditto na siyang magagamit mo sa pagbili ng lupa na pinangapangarap mo.
------30--