Wednesday, November 30, 2005

hubad, kolehiyo (02dis05)

Tiktik—02tiktik05, for: dis 02 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

head:Nagsayaw nang hubad

Dear Don Honesto,
MADALAS ko pong mapanaginipan na ako ay nagsasayaw sa isang party. Kasama ko raw ang mga kaklase ko sa high school. Pero, lahat kami ay naka- two-piece bikini lang at ang mga lalaki ay naka-swimming trunk. Pero wala naming malisya an gaming pagsasayaw at normal lamang. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 6, 1985. Nakatira ako sa isang boarding house sa Maynila at bibihira lang akong umuwi sa probinsiya naming. Makatapos kaya ako ng pag-aaral? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

NYMPHA NG STA CRUZ., MAYNILA

Dear Nympha,
ANG hubad ay sumisimbolo sa kalayaan. Malinaw ditto na ikaw ay malayang nakapagdedesisyon sa iyong sariling buhay malayo sa impluwensiya ng yong mga magulang. Kung kasayaw mo ang iyong mga kaklase sa high school, nangangahulugan ito na nalampasan mo na ang maraming pagsubok at tukso bunga ng kabataan. Natalo mo na ang bad traits mong pagiging immature o pagiging childish sa nagdaang panahon. Ang pagsasayaw ay nagsasabi na ikaw ay kumikilos na ngayon nang sistematiko at organisado kaya’t walang duda na matatapos mo ang iyong kurso sa kolehiyo. Katapat ng pagsasayaw ay No., 25; No. 16 ang hubad; No. 34 ang high school; No. 3 ang bikini; No. 20 ang swimming trunk. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal pero may kakayahan kang makontrol ito. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No.2. Sa jai alai, isama mo ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-16-19-22-27-34-36-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

head: Makakatapos sa kolehiyo

Dear Sir Dennis,
NAGPA-SEROX na rin ako ng guhit ng palad. Kasi’y nais kong malaman kung makakatapos ako ng pag-aaral. Matagal na akong nag-dropped pero nangangarap pa rin akong makabalik sa kolehiyo. Isa akong security guard at binata pa. Panganay ako sa apat na magkakapatid. Suwerte ba ako sa pag-aasawa? Ilan ang aking magiging anak? Makapagpupundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Oktubre 5, 1975.

VIRGILIO NG PARANAQUE CITY

Dear Virgilio,
TAMA ang desisyon na magbalik sa pag-aaral pero dapat ay sinasamahan mo ng pagkilos at pagsisikap ang iyong mga hilaw na pangarap. Gaano na ba ang naipon mo? Walang duda na makakatapos ka ng kolehiyo kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger).Dalawang beses kang magmamahal at ang ikalawang nobya mo ang makakatuluyan mo. May dalawang guhit kasi sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na buwenas ka at magkakaroon ng isang masaya at maunlad na pamilya sa hinaharap. Magkakaroon ka ng dalawang anak kasi’y may dalawang guhit ang pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Magagawa mo ring makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
----30--

Tuesday, November 29, 2005

ilog tuyot sa dreams/ Canada sa palmistry (30nob05)

Tiktik—30nob05, nob. 30 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head: Mababaw na ilog

PALAGI ko pong napapanaginipan ang isang ilog. Pinakahuli ay halos matuyot daw ang ilog ay nagging hanggang tuhod na lamang ang tubig kaya’t nagagawa kong lumakad. Marumi rin angtubig na parang burak pero tuwang tuwa pa rin ako sa pagtatampisaw. Hiwalay ako sa asawa at naiwan sa misis ko ang dalawa naming anak. Nagkahiwalay kami dahil sa pagiging lasenggo ako pero pinagsisihan ko na ang lahat. Sa totoo lang, nararamdaman ko na ang panghihina ng aking katawan at tuwing sumusuweldo ko at nauubos ko lamang ang pera sa pagbababad sa beerhouse kung saan maraming babae ang nakakarelaasyon ko. Iyan lang kasi ang aking tanging kaligayahan. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Nobyembre 22, 1960.


VIVIAN NG BALAYAN, BATANGAS

Dear Vivian,
ANG tubig ay sumisimbolo sa sexual drives pero natutuyo ang ilog, kaya’t malinaw na nagkakaranas ka ng sexual illness o panghihina ng kapasidad sa pakikipag-sex. Kung mukhang burak o marumi ang sex, malinaw ditto na pumapatol ka sa mga burikak o mga bayarang babae na maaari mong ikapahamak. Malinaw din na may problema ka na sa sexual activity at kinakapos o nabibitin na ang iyong diskarte. Katapat ng ilog ay No. 11; No. 17 ang burak; No. 10 angf tubig; No. 12 ang hanggang tuhod; No. 23 ang paglalakad. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 22 ay makaranas ng mga pambiihirang kapalaran at pagiging likas na malulungkutin. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No. 3.Sa jai alai, isama mo ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-26-34-37-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Head: Makapag-aral muli

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad.Gusto ko kasing malaman kung magagawa kong makarating sa Canada. Nauna nap o doon ang mister ko at binabalak niyang doon na rin kaming buong pamilya na doon manirahan. Magkatotoo kaya ang ganitong pantasya? Gusto ko ring ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo nang maudlot dahil sa maagang pag-aasawa, magawa ko kaya ito? Pangarap kong magkaroon ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? Ipinanganak ako noong Oktubre 26, 1974.

JOSMAR NG CAPAZ, TARLAC

Dear Josmar,
WALANG problema at walang duda na makaka-migrate kayong lahat sa Canada. Sobrang layo kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi ito na ikaw at ang iyong pamilya ay makakarating sa Canada nang walang problema. Magagawa mo ring makapagpatuloy ng pag-aaral dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na magtatagumpay sa napili mong langaran. Magkakatotoo rin ang pangarap mong magkaroon ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng middle finger (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinlalato). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa lupa o agribusiness.
----30---

Wednesday, November 23, 2005

dyip, banta (24nov05)

Tiktik—24nob05, for: nob 24 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head: Halaman sa dyip

Dear Don Honesto,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman ang kahulugan ng aking panaginip. Bakit kaya madalas kong mapanaginipan na nakasakay ako sa pampasaherong dyip. Pero imbes na tao ang nakasakay ay mga nakalagay sa paso na mga ornamental plants. May magagarang bulaklak na nakahilera sa passenger seats. Marami ring paru-paro sa loob ng dyip at ako lamang ang pasahero na nagsosolo. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong kahera sa isang mall at dalaga pa ako. Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1980.

MARYJANE NG KALOOKAN CITY

Dear Maryjane,
ANG pampasaherong dyip ay nagsasabi na ikaw ay nabibilang sa antas ng ordinaryong tao. Ang bulaklak ay nagpapahiwatig na excited ka na na magkaroon ng nobyo lalo pa’t nakakita ka ng paruparo. Nagbabadya ang panaginip na malapit mo nang makilala ang iyong Prince Charming. At magaganap ang romansa sa isang espesyal na okasyon kung saan pareho kayong kumbidado. Ang ornamental plants ay nagpapahiwatig na ikaw ay magiging masaya kahit simple lang ang magiging buhay ng iyong pamilya. Katapat ng dyip ay No. 22; No. 18 ang halaman; No. 33 ang bulaklak; No. 44 ang paru-paro. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng kakaibang lungkot pero kakaibang buwenas din ang mapapasakamay mo. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-18-23-34-37-40-42.
----30---

02. PALMISTRY

Head:Mahaba ang buhay

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman ang kung magiging mahaba ang buhay ko. Isa akong guwardiya at maraming tao ang nagbabanta sa buhay ko. May dalawa akong anak. Mapagtapos kaya sila sa pag-aaral? Nangungupahan lang kami sa isang maliit na apartment, makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Marso 27, 1970.

ARISTON NG PASIG CITY

Dear Ariston,
WALA kang dapat ipag-alala, kasi’y mahaba naman ang buhay mo at hindi kalian ito manganganib. Matikas at mahaba ang Life Line mo kung saan ang dulo ay umabot pa sa bandang pulso (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Kung nanaisin mo ring mag-abroad ay maaari kang matuloy. Mapagtatapos mo ng pag-aaral sa kolehiyo ang iyong dalawang anak kasi’y mahahaba at matitikas din ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Magagawa mo ring makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
----30----

Monday, November 21, 2005

terminal, abroad

Tiktik—23nob05, advance for: nob 23 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

HEAD:Terminal ng bus

Dear Don Honesto,
MADALAS ko pong mapanaginipan na nasa terminal ako ng bus pero imbes na tao ang nakasakay ay iba’t ibang hayop na nagsasalita. Tuwang- tuwa rin ako kasi’y naroroon ang mga alaga kong aso at pusa na nagsasalita rin na parang mga batang paslit. Pero, biglang dumaluhong ang isang napakalakas na buhawi at tinangay lahat ang mga hahop paitaas sa mga ulap. Nagsisigaw ako sa takot .Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Agosto 5, 1978. Isa akong office clerk at may naipon na ako para sa pagsisimula kahit maliit na negosyo. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

ADONIS NG STA ROSA, LAGUNA

Dear Adonis,
ANG terminal ay nagsasabi na masyado kang conscious sa iyong future at binabalik-balikan mo ang nakaraan sa pagtatangka na makapulot ka ng aral o sistema na maaaring ipatupad sa hinaharap.Ang mga hayop ay repleksiyon ng iyong ugali—kung iba-ibang klase, nangangahulugan na sinisikap mong disiplinahin ang iyong sarili upang maiwaksi o maiwasan ang mga bisyo at panatilihin ang mga positibong aspekto ng iyong buhay. Mahusay kang magplano kaya’t magtatagumpay ka. Ang buhawi ay lihim na takot mong mabigo pero tiyak na mareresolba mo ang problema. Katapat ng aso ay No. 22; No. 33 ang pusa; No. 18 ang buhawi; No. 49 ang terminal na bus; No. 19 ang bus. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay makaranas ng mabibilis na pagbabago sa buhay pero tiyak na makapaga-aabroad kapag inisip mo.Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No. 8.Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-37-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Head:Makaka-abroad

Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung may pag-asa akong makapag-abroad. Tatlong beses na kasi akong napepeke. Nangangarap kasi akong mapagtapos sa kolehiyo ang aking tatlong anak, magawa ko kaya ito? Sino sa kanila ang magtatagumpay. Nakatira lang kami sa squatter area, matupad kaya ang pangarap kong makapagtayo ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Hunyo 3, 1970.

FLORENTINO NG CEBU CITY

Dear Florentino,
ITULOY mo lamang ang pag-a-apply sa abroad. Hindi mo lamang natsatsambahan ang buwenas mo. Matutuloy ka naman sa pagtatrabaho sa ibang bansa kasi’y mahaba at naabot ng dulo ng Life Line ang banding pulso (tingnan ang bilog sa banding pulso). Karaniwang nakikita yan sa mga taong nakapaga-abroad at nagtatagumpay ditto. Matutupad naman ang pangarap mong mapagtapos sa pag-aaral sa kolehiyo ang iyong tatlong anak. Pawang matatalino at matitiyaga sila kaya’t walang duda na makakatapos sila ng pag-aaral. Malilinaw kasing lahat ang tatlong guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki bukod pa sa mahahaba at matitikas ( tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki). Makakatulong silang lahat sa panahon ng iyong pagtanda. Magagawa mo ring makapagpundar ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). B uwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa real estate at agribusiness.
----30--

Saturday, November 19, 2005

ibon, house n lot (20nob05)

Tiktik—20nob05, for: Nob. 20 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

HEAD:Malaking ibon

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN kop o ang isang malaking ibon na nakadapo sa kawad ng Meralco. Halos kasinlaki siya ng kalabaw atnapakalaki ng pakpak na pawing kulay ginto at kumikinang habang tinatamaan ng sikat ng araw. Manghang mangha ako at ang aking mga dating kaklase sa high school habang pinapanood naman ang Haring Ibon. Ano po kaya ang ibig sabihin nito? Graduate na ako ng accountancy at naghahanap ngayon ng trabaho.Makapasa kaya ako sa board exam? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Mayo 16,1980.

ARIANNE NG DASMARINAS, CAVITE

Dear Arianne
ANG ibon ay nagsasabi na ikaw ay may magandang kapalaran sa hinaharap.Ang malaking ibon ay sumisimbolo sa iyong mataas na ambisyon sa buhay na matutupad lalo pa’t ginto ang balahibo ng ibon. Ang kawad ay nagsasabi na may dalawang tao ang tutulong sa iyo kung saan kapwa sila nagmula sa malayong lugar at napapabilang sa mga eksperto o technical man. Ang post eng Meralco ay nagsasabi na may malakas na impluwensiya sa gobyerno ang dalawang taong tutulong sa iyong pag-unlad. Ang mga kaklase sa high school ay nagsasabi na ikaw ay nananatili pa ring may childish na ugali o asal bata kaya’t nadidiskaril ang iyong pag-unlad. Kailangang disiplinahin mo ang sarili upang mabilis na matupad ang iyong mga pangarap. Katapat ng ibon ay No. 30; No. 40 ang ginto; No.11 ang kawad; No. 10 ang poste; No. 37 ang mga kaklase. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 16 ay maging atubili sa pagdedesisyon. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-29-34-36-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

Head:Masaya at masaganang pamilya

Dear Sir Dennis,
NAGLAKAS-LOOB na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakapagpundar kami ng sariling bahay at lupa. Pinalalayas na kami ng may-ari ng lupa na kinatitirikan n gaming bahay. Isa akong office clerk at panganay sa apat na magkakapatid. Hindi pa ako nagka-girlfriend, makapag-aasawa ba ako nang maayos? Ilan ba ang aking magiging anak? Malusog ba ang aking katawan? Balak ko ring mag-abroad, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1970.


EDGAR NG CAPAZ, TARLAC

Dear Edgar,
WALA kang dapat ipag-alala, kasi’y makakapag-pundar ka naman ng sarili mong bahay at lupa. May guhit kasing pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa lupa tulad sa real estate at agriculture. Makakapag-aasawa ka naman nang maayos. Minsan ka lamang iibig at siya na ang iyong makakatuluyan nang habangbuhay. Nagsosolo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinliliit). Nagsasabi rin ito na ikaw ay magkakaroon ng tahimik at masaganang pamilya sa hinaharap. Magkakaroon ka ng tatlong anak kasi’y may tatlong guhit ang pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak. Malusog ang iyong pangangatawan, mahaba ang buhay at matutuloy ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil may mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tignan ang bilog sa banding pulso).
--30--

Thursday, November 17, 2005

kubyertos, graduate

Tiktik—18nob05, for: nob. 18 issue

ATTENTION: TIKTIK c/o JUDAY

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head:Naghugas sa kusina

Dear Don Honesto,
MADALAS kop o mapanaginipan na ako ay naghuhugas ng mga pinagkainan—babasaging pinggan, baso at kubyertos na yari sa ginto at pilak .Kumikinang ang paligid at ingat na ingat ako. Pero habang naghuhugas ako ay may mga bantay na sundalo sa aking paligid. Hindi sinasadyang nabasag ko ang isang napakagarang pinggan. Inaresto agad ako ng sundalo na naka-fatigue kaya’t nagsisigaw ako hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hulyo 6, 1980. Dalaga pa ako at namamasukan sa isang mall bilang kahera. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


MYRA NG TRECE MARTIREZ CITY

Dear Myra,
ANG kubyertos o gamit sa kusina ay nagbabadya na masyado kang conscious sa iyong future particular sa malaking suweldo o katatagan ng trabaho. Ang paglilinis o paghuhugas ay nagsasabi na tinangka mong disiplinahin mo ang sarili mo. Kung mamahaling hiyas o magagarang kagamitan, nagbabadya ito na may kakaibang buwenas na naghihintay sa iyo. Pero kung may nabasag na isang gamit, mag-ingat ka sa mga lihim na kaaway. Ang mga sundalo ay nagsasabi na kailangan mong disiplinahin ang sarili mo upang matupad ang iyong mga pangarap. Katapat ng pinggan ay No.10; No. 12 ang kubyertos; No. 40 ang ginto; No. 19 ang pilak; No. 15 ang paghuhugas; No. 25 ang kusina; No. 45 ang sundalo; No. 17 ang pag-aresto. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal. Pinakabuwenas mo ang No.6 at No.8. Sa jai alai, isama mo ang No.3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-6-11-17-23-25-34-37-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

Head:Makaka-graduate ang mga anak

Dear Sir Dennis,
NAGPA-XEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung mapagtatapos ko sa kolehiyo ang aking tatlong anak. Natanggal ako sa trabaho pero nakakuha ako ng separation pay na ginamit ko sa pagtatayo ng maliit na Karinderia. Magklik kaya ang negosyong ito? Mahaba ba ang buhay ko? Balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Hunyo 5, 1965.

HERMINIA NG LIPA CITY

Dear Herminia,
MAPAGTATAPOS mo naman ng pag-aaral ang iyong tatlong anak. Kasi’y mahahaba at matitikas ang tatlong guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatulong silang lahat sa panahon ng iyong pagtanda. Okey naman ang karinderia bilang negosyo kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Mahaba ang buhay mo kasi’y umabot sa bandang pulso ang dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na maraming bansa ang mararating mo at mayroon kang malusog na pangangatawan.
----30--

Friday, November 04, 2005

garden

Tiktik (05Nob05)

Petsay sa garden

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nagtatanim sa isang garden. Nagtutundos ako ng petsay sa isang napakahabang flat ng lupa. Katuwang ko raw ang mga nakababata kong kapatid. Pero biglang pumatak ang malakas na ulan at bumaba kung saan inanod ng tubig ang aking mga pananim. Hinayang na hinayang ako hanggang sa magising ako ay naghihimutok pa rin. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Pebrero 6, 1970. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

REYNANTE NG CAMARINES SUR

Dear Reynante,

ANG garden ay nagsasabi na may naghihintay sa iyo na isang maaliwalas at kaaya-ayang pamilya sa hinaharap. Kontrolado mo ang mga sitwasyon sa kasalukuyan pero dapat na paghandaan mo ang isang malaking problema sa hinaharap dahil sa biglang pag-ulan at pagbabaha. Ang problema ay may kaugnayan sa isang pakikipagrelasyon sa opposite sex, pero mareresolba mo naman ito agad bago lumala ang sitwasyon. Ang petsay ay nagsasabi na madali kang mapaniwala o likas kang mabait kaya't napaglalaruan ka ng mga abusadong kaibigan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 kung saan matutupad ang marami mong pangarap. Katapat ng petsay ay No. 33; No. 11 ang pagtatanim; No. 29 ang garden; No. 40 ang pag-ulan; No. 49 ang pagbaha; No. 19 ang mga kapatid. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal at likas na mabait sa kapwa. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-34-36-40-42.
---30---

02. PALMISTRY

Ikatlong pag-ibig ang madadale

Dear Sir Dennis,

NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng aking palad. Dito na ako sa Hong Kong pero gusto ko pa rin lumipat ng ibang bansa kasi'y kapos pa rin palagi. Pangarap kong makapagpundar pa rin. Dalawang beses na akong nagkaroon ng BF pero parehong may-asawa. Pareho ko silang minahal pero nagkusa akong umiwas kasi'y na-realize kong lugi ako sa kanila. May pag-asa pa ba akong makapag-asawa nang maayos? Ilan ba ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Hulyo 31, 1971.

DAYLEAN NG HONG KONG

Dear Daylean,

KALMANTE ka lamang upang hindi pumapalpak ang relasyon. Madali ka kasing mabuyo sa simbuyo ng damdamin pero iyun ay nang medyo bata-bata ka pa, pero sa pagsapit mo ng maturity--walang duda na makapag-aasawa ka naman nang maayos. May tatlo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na tatlong beses kang magmamahal at ang ikatlo ang iyong makakatuluyan. Magkakaroon kayo ng apat na anak kasi'y may apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay ang iyong mga anak at makakatulong sila sa panahon ng iyong pagtanda. Wala duda na makakaalis ka sa Hong Kong at makakarating sa iba pang bansa. May sanga kasi ang dulo ng Life Line (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay maraming bansa na mararating na magpapasimula ng iyong pag-unlad.
----30---

Thursday, November 03, 2005

babae sa kabaong

Tiktik (04Oct05)

Dear Don Honesto,

Ano kaya ang kahulugan nito? Nasa ibabaw ako ng tubig, hindi ko alam kung dagat ito at kitang-kita ko sa ilalim noon ang isang sasakyan kung saan inilalabas ng isang lalaki ang isang babae na nakalulan sa isang stretcher. Nagulat ako nang ibangga ng lalaki ang stretcher sa pintuan ng sasakyan na tila binabasag niya ang salamin. Kitang-kita ko rin na lumalabas ang dugo sa ulo ng babae habang inihahampas ng lalaki ang ulunang bahagi ng babae. Ang babae ay blonde at parang foreigner. Nagtaka rin ako kung bakit sa bahay namin dinala ang kanyang kabaong, selyado ito. Sa aking pag-uusisa, binuksan ko ang kabaong at inilabas ang bangkay ng babae roon. Sa loob ng kabaong, nakita ko ang isang cellphone at ilang mahahalagang gamit ng babae tulad ng kanyang pasaporte pero natakot ako nang biglang mawala ang bangkay ng babae. Ano kaya ang pakahulugan nito?

MISS K (k-lav@yahoo.com)

Dear Miss K,

MUKHANG pang-Holloween ang iyong panaginip.Ang tubig ay nagsasabi na matindi pa rin ang iyong sexual drives.Maniniwala ka ba na ang lalaki at babae sa panaginip ay ikaw mismo ang sinisimbolo--strong character mo ang lalaki at weak traits mo babae.Ibig sabihin, may inner conflicts ka--kung magpapaka-strong ka ba o mananatiling weak personality? Ang sasakyan ay behikulo na puwede mong magamit sa pagbabago.Nasa proseso ka ng paga-analisa ng iyong buhay o "pagbabagong-buhay o estilo o approach sa pagdedesisyon! Ang "ulo" ay sumisimbolo sa iyong "talino, katinuan, katalinuhan, kamalayan at pag-iisip". Kung ibinubunggo ng "lalaki" ang ulo ng "babae"--malinaw dito na nagtatangka kang maging STRONG at malaki ang tsansa--na magawa mo ito dahil biglang "naglaho ang babae sa kabaong".Ang kabaong ay aktuwal na sumisimbolo sa "great change" na magaganap sa iyong buhay sa mga susunod na ilang araw-at aktuwal nang nagaganap. Ang "bahay" ay repleksiyon ng iyong pagkatao, at dahil narito ang kabaong--magkakaroon ng pagbabago ang iyong PERSONALIDAD. Malinaw din na naglalaro sa iyong isip ang pag-aabroad, pero ang blonde at foreigner ay ang babae--kaya't maaaring isakripisyo mo ang pangingibang bansa-- dili kaya'y ang kabaligtaran, tumigas ang iyong ulo upang makapangibang-bansa!Ang cellphone ay nagsasabi na naapektuhan ang iyong " behavior" ng modernong teknolohiya at ang pasaporte ay nagsasabi na gusto mong mai-justified ang mga pagbabagong ito--upang makapagdesisyon ka nang sarado.Kung nawala ang "bangkay ng babae", nagsasabi ito na NATATAKOT ka rin sa mga biglaang pagbabago na maaring maganap dahil hindi mo ito ganap na kontrolado.
---30---

02. PALMISTRY

Makakatapos ng kurso

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung matatapos ko ang kursong accountancy kahit pasingit-singit lang ako sa page-enroll. Self supporting student ako at isa akong security guard. Binata pa ako at isinilang noong Marso 16, 1975. Nangungupahan lang kami sa isang squatter area at panganay ako sa apat na magkakapatid. Ulila na kami sa ama at maysakit ang aking ina. Makapagpupundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Makakapag-asawa kaya ako nang maayos? Ilan ang aking magiging anak?

ROMMY NG IBA, ZAMBALES

Dear Rommy,

HINDI ka dapat mag-alala, ituloy mo lamang ang mga pagsisikap at tiyak na makakamit mo ang bunga ng iyong mga pagtitiyaga at pagsisinop. Makakatapos ka naman ng iyong kurso sa kolehiyo kasi'y may nag-parallel na guhit paitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na ikaw ay magiging professional at mamumukod-tangi sa larangan na kinabibilangan mo. Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na buwenas sa larangan na may kaugnayan sa lupa at agriculture. Minsan ka lamang magmamahal, at kung sino ang iyong maging nobya sa mga susunod na araw--ay sina na mismo ang iyong mapapangasawa. Nagsosolo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na magiging masagana at maligaya ang iyong pamilya. Magkakaroon ka ng apat na anak kasi'y may apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
---30---