Wednesday, August 31, 2005

Bulaklak

Tiktik (01Sept05)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko ang dalawang punpon ng bulaklak. May iba’t ibang kulay at mabango ang amoy. Ibinigay ko raw ito sa yumao kong ina. Pero, nang iaabot ko na ay biglang dumating ang dalawang paru-paro na may magagandang kulay ang balahibo. Sinikap kong habulin hawak ang lambat na pansilo ang mga paru-paru pero nadapa ako hanggang sa pagtawanan ako ng mga kapatid ko at nagising na ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1970. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

GERALD NG SAN PABLO CITY

Dear Gerard,
ANG bulaklak ay nagbabala na isang panganib pero kung makukulay ang bulaklak, nagsasabi ito na may isang achievement na mapapasakamay mo nang hindi inaasahan. Ang paru-paro ay nagpapahiwatig na ikaw ay may kalayaan nang magdesisyon at maging independent. Ang yumao mong ina ay nagsasabi na ikaw ay responsible sa iyong mga ikinikilos at nagkakaroon ka na ng disiplina sa sarili. Ang lambat na pansilo ay nagsasabi na maingat ka at pinag-aaralan mong mabuti ang iyong mga desisyon kaya’t makakamit mo ang marami mong pangarap. Kung nadapa ka, mag-ingat ka sa mga bagong kakilala dahil maaari kang mapahamak. Katapat ng bulaklak ay No. 33; No. 22 ang paru-paro; No.29 ang patay; No. 37 ang nanay; No. 44 ang lambat; No. 20 ang kapatid; Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal at magkaroon ng maraming karelasyon. Pinakabuwenas mo ang No.6 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9.Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-8-11-10-11-17-23-27-30-32-36-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Di makapaga-abroad

Dear Sir Dennis,
NAGPA-SEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko sanang malaman kung masusundan pa ang dalawa kong anak sa pagkadalaga. Sa ngayon, may asawa ako at pinakasalan ako pero hindi pa kami nagkakaanak. Ilan pa kaya ang magiging supling ko? May balak akong magtrabaho sa ibang bansa, matuloy kaya ako? Matupad kaya ang pangarap kong magkaroon ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Oktubre 22, 1970.

DELIA NG BATANGAS CITY

Dear Delia,
MAGKAKAROON ka pa ng dalawa pang anak kasi’y may apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki) . Nagsasabi rin ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak at makakatulong sila sa iyong pagtanda. Kapansin-pansin din ang dalawang munting guhit na sumulpot sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na dalawang beses kang magmamahal. Huwag kang nang magtangkang mag-abroad dahil malaki ang tsansa na mapeke ka kasi’y wala kang buwenas sa paglalakbay at malalayong lugar. Maliit lang kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at wala rin itong sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nakasandal ang iyong pag-unlad sa pagsisikap kung saang lugar ka isinilang. Gayunman, makakapagpundar ka ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
-----30--

Tuesday, August 30, 2005

Lola at tiyuhin

Tiktik (31Aug05)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko ang namatay kong lola. Kasama daw ang tito ko na nag-alaga sa akin nang ako ay sanggol pa. Ulila kasi ako sa ama. Pinagagalitan daw ng lola ko ang ate ko. Ako ay simpleng nanonood lang hanggang sa magising ako. Kamamatay lang ng lola ko last month at ako ay isang crew sa isang fast food center. Ipinanganak ako noong Setyembre 22, 1985. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

GREG NG TAGAYTAY CITY

Dear Greg,
Kung napanaginipan mo ang yumao mong lola, nangangahulugan itong nagma-matured ka na ay nagiging responsible sa iyong buhay. Nagkakaroon ka na rin ng disiplina sa sarili at natututong maging independent. Malinaw dito na may kakayahan ka nang makatindig sa sarili mong paa. Ang iyong tito ay sumisimbolo rin ng pagkakaroon mo ng strong character. Ang ate mo ay nagsasabi na ikaw ay patas magdesisyon at madaling makaunawa sa mga taong nagkakasala sa iyo. Ang iyong lola ay nagpapahiwatig din ng papalapit ka na sa panibagong yugto ng buhay. Katapat ng patay ay No. 29; No. 37 ang lola; No. 30 ang tito; No. 10 ang ate; No. 36 ang galit. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 22 ay makatanggap ng kakaibang buwenas. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No. 3. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-26-34-37-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

Makakaahon sa hirap

Dear Sir Dennis,
INILAKIP ko ang xrox copy ng guhit ng aking palad. Gusto ko sanang malaman kung magkakaroon pa ako ng tsansa na makaaahon sa hirap. Isa akong magsasaka at baon ako sa utang. Binabalak kong ibenta ang aking minanang lupain para makaginhawa. Anong negosyo ba ang bagay sa akin? Gusto ko sanang mag-abroad, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Agosto 28, 1970.


FERMIN NG IRIGA CITY

Dear Fermin,
MAKAKAAHON ka naman sa hirap dahil marami kang pagsisikap sa buhay. Marami kasing sumibol na maliliit na guhit paitaas sa mga daliri mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na ikaw ay makakaahon sa hirap pero kailangang magpatulo ka ng pawis. Hindi magaan ang iyong pag-unlad. Buwenas ka sa mga negosyo na naglalako o nagbibiyahe ng mga produkto. May nag-parallel kasing guhit paitaas sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Magagawa mo ring makapagtrabaho sa ibang bansa kasi’y mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ng sanga ang dulo nito (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa pagdayo sa malayong lugar.
---30---