Friday, September 30, 2005

sayaw sa entablado

Tiktik (02Oct05)

Dear Don Honesto,

MADALAS ko pong mapanaginipan na ako ay nagsasayaw sa ibabaw ng entablado at magaslaw ang aking number na parang isa akong sex bomb dancers. Nagpapalakpakan ang mga tao at nagsisigaw. Pero biglang umulan at nagtakbuhan silang lahat. Naiwan akong mag-isa sa entablado pero dumating ang isang napakakisig na binata at binuhat niya ako papasok sa kanyang kotse. Tuwang tuwa ako hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Isa akong salesclerk sa isang mall. Maliit lang ang suweldo pero nangangarap akong umasenso baling –araw. Ipinanganak ako noong Agosto 3, 1982.


MIRASOL NG MALABON CITY

Dear Mirasol,

KUNG nagsasayaw ka, nangangahulugan ito na mahusay kang makisama o makibagay sa mga taong nasa paligid mo. Marami kang kaibigan at mula sa kanilang hanay ay may isang tao na mag-aalok sa iyo ng oportunidad kung saan magpapasimula ang iyong pag-unlad. Kung magaslaw ang mga sayaw, nagsasabi ito na ikaw ay may sobrang lakas ng loob at kadalasan napapahamak dahil sa sobrang tiwala sa sarili—ang lahat ng sobra ay masama kaya’t dapat na maging makatotohanan ka at praktikal. Ang entablado ay nagsasabi na ikaw ay mapapabilang sa alta- sosyedad sa pagdating mo sa kalagitnaan ng iyong buhay. May strong personality ka dahil napaaginipan mo ang isang makisig na lalaki. Ang kotse ay nagbabadya na ikaw at dapat magkaroon ng direksiyon sa buhay at ditto mo ipokus ang iyong isip, panahon at resources upang mabilis na umunlad. Katapat ng sayaw at No. 14; No. 40 ang entablado; No. 33 ang sex bomb dancer; No. 11 ang ulan; No. 49 ang maraming tao. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging martir sa pag-ibig at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.1. sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-27-30-36-40-42.
----30—

02. PALMISTRY

Mag-aabroad

Dear Sir Dennis,

REGULAR akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman ang kahulugan ng guhit ng aking palad kaya’t ipina-serox ko ito at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. May pag-asa pa akong makapag-abroad. Naboboring na ako sa pagiging ordinaryong empleado. Gusto kong mapag-aaral ang dalawa kong anak sa kolehiyo, magawa ko kaya ito? Nakatira lang kami sa apartment at nangungupahan, magawa ko kayang magpundar ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Hunyo 2, 1975.

GIOFFREY NG LINGAYEN, PANGASINAN

Dear Gioffrey,

ITULOY mo lamang ang pag-aayos ng mga dokumento at pag-aapply sa abroad dahil matutuloy ka naman. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng klase ng paglalakbay. Buwenas ka sa paglalako ng mga produkto o export-import business sa hinaharap. Wala kang dapat ipag-alala sa dalawa mong anak, kasi’y makakatapos naman sila ng pag-aaral sa kolehiyo. Mahahaba at matitikas ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi na magiging matagumpay ang iyong mga anak na kapwa makakatulong sa panahon ng iyong pagtanda. Magagawa mo ring makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi iyan na ikaw ay buwenas sa real estate at lahat ng may kaugnayan sa lupa.
--30---

Wednesday, September 28, 2005

antuking driver

Tiktik (30Sep05)

Nakatulog sa pagda-drive

Dear Don Honesto,

NANAGINIP ako kagabi, parang totoo. Pero buti na lang, panaginip lang ang lahat. It's just that I was driving on my way to Manila pero sa sobrang antok, di ko napigilang makatulog! As in feeling ko, gusto kong gumising dahil nagda-drive ako, pero di ako magising... di ko alam kung nabangga yung sasakyan sa panaginip ko, dahil nakatulog nga ako, basta feeling ko, parang nabangga siya, pero di ko nakita. Bigla na lang akong nagising, at nagulat ako, nakahiga na ako sa kwarto ko sa bahay. parang totoo talaga. ang nasa isip ko nga, nabangga ba ako?? nasa hospital ba ako? till I realized, panaginip lang ang lahat.A piece of advise para sa inyong lahat... if you want to live longer, no matter how hard or tough life is, keep on breathing! Ano kaya ang meaning ng dreams ko?

MARHGIL

Dear Marhgil,

MABUTI naman at panaginip nga lang at hindi totoo ang eksena, kasi’y hindi mo sana mababasa ang sagot ko, at hindi ka rin makapasyal sa BLOG ko. Kaya nagpapasalamat din ako ay "nagising ka". Biro lang. Malinaw dito na pagod-na-pagod ka bago ka nakatulog. Maging ang aktuwal na antok at natangay mo sa panaginip. Naunang nakatulog ang iyong pisikal na katawan kaya’t nang mag-half sleep ka, hindi mo na agad "nagising o naigalaw"ang anumang bahagi ng iyong pisikal na katawan. Sa aktuwal, medyo nag-panic ka, kasi’y inakala mo talagang "the end" ka na. Maraming ganyang klase ng panaginip kung saan ang ibang insidente ay nauuwi sa aktuwal na bangungot at ang iba naman ay inaatake ng nerbiyos o atake sa puso sa sobrang panic. Huwag kang kumain nang marami at biglang matutulog. Anyway, ang pagda-drive ay nagsasabi na ikaw ay may kakayahang magdesisyon at sinisikap mong maging independent sa lahat ng bagay. Ikaw ang may kontrol sa iyong buhay—malaya ka mula sa impluwensiya ng iyong mga magulang, at iyan ang nais mong mangyari sa buhay mo. Pero, sa iyong subconscious, nagdududa ka pa rin kung may kakayahan kang maging "independent" dili kaya’y may lihim kang takot na "magkamali sa desisyon". Ang lansangan o kalsada ay aktuwal na repleksiyon ng iyong buhay—kung saan ikaw mismo ang aktuwal na didiskarte kung ano ang nais mong gawin sa buhay mo. Kung inakala mo nabangga o naaksidente ang sasakyan—malinaw dito na may lihim kang TAKOT NA MABIGO! At kung inaantok ka sa loob ng panaginip—nalalabuan ka sa iyong magiging kapalaran sa hinaharap. Dapat mong maunawaan na ang kabiguan at tagumpay ay bahagi ng proseso ng buhay—walang taong palaging bigo, wala ring palaging tagumpay. Nasa pagtingin lang ang lahat ng resulta ng bagay. Ang taong nakikita mong tagumpay ay simpleng nakabatay sa iyong personal na depinisyon ng "success" at ang pagtingin mo na ikaw ay bigo, ay personal na "pangtanggap" mo sa mga nagaganap. Ang bigo sa iyong pagtingin ay maaaring tagumpay sa ibang pananaw at ang tagumpay sa pananaw ng iba—ay maaaring kabiguan sa sarili mong panukat. Teka, mahaba na—baka makatulog ka uli—at mabangga ka na naman.Maraming .Salamat sa iyo.
----30—


02. PALMISTRY

House and lot

Dear Sir Dennis,

PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nagpa-zerox na rin ako ng guhit ng palad. Nais kong itanong kung may pag-asa akong makapagpundar ng sariling bahay at lupa.Pinalalayas na kasi sa lupa na kinatitirikan ng aming bahay. Balak kong mag-housing loan sa SSS, matuloy kaya ito? May apat akong anak na nag-aaral, makatapos kaya sila sa kolehiyo? Nagtangka akong mag-abroad, pero palagi akong napepeke, makapagtrabaho kaya ako sa ibang bansa?Ipinanganak ako noong Setyembre 2, 1970.

EDIZON NG TRECE MARTIREZ CITY

Dear Edizon,

ITULOY mo lamang ang pag-aayos ng mgadokumento at papeles sa housing loan, dahil matutupad ang pangarap mong magkaroon ng sariling bahay at lupa. May guhit kasi na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).Nagsasabi ito na ikaw ay magkakaroon ng real estate property at buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa lupa. Makakatapos naman sa pag-aaral sa kolehiyo ang apat mong anak dahil pawang matitikas at mahahaba ang apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnanang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na ikaw magtatatagumpay ang iyong mga anak at pawang makakatulong sila sapanahon ng iyong pagtanda.Magagawa mo kasing makapagtrabaho sa iyong bansa at maraming lugar ang mararating mo. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso).
----30--

Monday, September 26, 2005

prutas

Tiktik (28Sep05)

Prutas sa bilao

Dear Don Honesto,

MADALAS kong mapanaginipan na ako ay nagtitinda sa palengke. Pinakahuli ay may hawak akong bilao na may nakalagay na iba’t ibang klase ng prutas. Naglalako daw ako sa gitna ng palengke na may nagsisiksikan ang mga tao. Pero habang nagtitinda ako, ay umaawit pa ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 4, 1970. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

ETHEL NG CABIAO, NUEVA ECIJA

Dear Ethel,

ANG palengke ay nagsasabi na ikaw ay bubuwenasin kung lagging nakikihalubilo sa pinakamaraming bilang ng mga tao. Okey sa iyo ang mga negosyo na ginagamit ng networking o direct selling business. Ang prutas ay nagbabadya na may pambihirang buwenas na darating sa iyo pero mapapasakamay mo lamang ito kung ikaw ay mananatiling kalmante sa gitna ng mga problema. Ang bilao ay nagkukumpirma na ikaw ay nakaranas na rin ng malaking problema pero nagtataka ka kung paano ka nakatakas o nakaraos ditto.Ang paglalako ay nagsasabi na buwenas sa lahat ng klase ng paglalakbay. Katapat ng palengke ay No. 14; No. 7 ang paglalako; No. 27 ang pag-awit; No. 10 ang bilao; No. 36 ang prutas. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No. 1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2, 7, 11, 18, 21, 25, 34, 37 at 40.

-----30—

02. PALMISTRY


Tatangayin ang pamilya sa abroad

Dear Sir Dennis,

PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nagpa-zerox na rin ako ng guhit ng palad kung saan inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto kong malaman kung may pag-asa pa akong makapag-abroad muli. Naubos na kasi ang naipon ko at baon na ako sa utang. Hindi ako matanggap sa dati kong pinapasukan. Matuloy kaya ako? Anong negosyo ba ang buwenas sa akin? May dalawa akong anak, sino sa kanila ang makakatapos sa kolehiyo at magtatagumpay sa buhay? Makakapagpundar ba ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Disyembre 6, 1970.


VIRGILIO NG LA UNION

Dear Virgilio,

ITULOY mo lamang ang pag-aayos ng mga dokumento dahil matutuloy ka sa paga-abroad. Sa totoo lang, maaaring dalhin mo na rin sa ibang bansa ang iyong pamilya at doon na kayo maninirahan nang matagalan. Naputol kasi sa gitna ang Lifeline pero nai-takeover ang huling bahagi ng Fate Line na pumaitaas sa mga daliri (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na ikaw ay makakaranas ng malaking pagbabago sa buhay sa kalagitnaan ng iyong buhay. Makakatapos ng pag-aaral ang iyong dalawang anak na kapwa ring magtatagumpay dahil kapwa matikas at mahaba ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa bukod ang maraming klase ng real estate. May nag-parallel kasing guhit paitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger).
----30--

Sunday, September 25, 2005

rebulto

Tiktik (27Sep05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nagtutulak ng isang kariton na parang isa akong basurero. Pero ang laman ng kariton at rebulto ng Santo na para namang ako ay nagpuprusisyon sa gitna ng kalsada. Marami raw tao ang nakahilera sa daan ay pinanonood ang aking pagdaan. Pero biglang pumatak ang malakas na ulan kaya’t pinabilis ko ang pagtutulak na parang lumilipad na ako hanggang sa lumutang ako sa hangin kasama ang kariton. Nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Agosto 5, 1980. Dalaga pa ako at isang salesclerk sa isang mall.

LETTY NG NASUGBU, BATANGAS

Dear Letty,

ANG kariton ay nagsasabi na ikaw ay nabibilang sa mga ordinaryong tao o sa pamilya na halos ay isang-kahig, isang-tuka. Mahalaga para iyo ang trabaho. Ang rebulto ng Santo ay nagsasabi na ikaw ay likas na mabait at mapagkakatiwalaan. Ang prusisyon o parade ay nagpapahiwatig na maraming tao ang maaaring tumulong sa iyo upang umunlad ka. Ang pag-ulan ay nagpapahiwatig na ikaw ay may strong sexual drives kaya’t maaari ring magamit mo ang pakikipagrelasyon sa opposite sex upang guminhawa ang buhay. Kung lumipad ka, nagsasabi ito na madalas kang magpantasya at mangarap nang malayo sa katotohanan. Maging praktikal ka upang makaiwas sa kabiguan. Katapat ng kariton ay No. 8; No. rebulto ay No. 17 ;No.11 ang kalsada; No. 33 ang pagtutulak; No. 38 ang ulan; No. 41 ang paglipad. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay magkaroon ng maraming kaibigan at buwenas sa paglalakbay at negosyo. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-30-34-36-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Bigtaym ang magiging dyowa

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad at inilakip ko dito sa aking liham ang kopya.Gusto ko kasing itanong kung magkakaroon pa ako ng matatag na trabaho. Namamasukan ako sa isang food chain pero puro kontrata lang ay wala pa sa minimum ang suweldo ko. Dalaga pa ako pero marami ang nanliligaw. Makapag-asawa kaya ako ng isang mayaman? Ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Nobyembre 15, 1981.

JOSIE NG NAGA CITY

Dear Josie,

MAGKAKAROON ka naman ng matatag na hanapbuhay pero ito ay matatagalan pa dahil kailangang mag-matured ka muna. Mayroon kasing guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng ring finger). Tama ang kutob mo at matutupad ang iyong pangarap na makapag-asawa nang maykaya o may sinasabi. Sasagipin ka ng iyong mapapangasawa mula sa kahirapan at pag lumagay ka na sa tahimik doon lamang magsisimula ang iyong pag-unlad. May nag-parallel kasing guhit sa gitna ng palad paitaas sa mga daliri (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na isang mayamang binata ang magpapakasal sa iyo. Magkakaroon kayo ng limang anak na pawing makapagtatapos ng pag-aaral at uunlad ang buhay. May limang guhit kasi na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki).
------30--

Saturday, September 24, 2005

kompiyuter

Tiktik (26Sep05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko na ako ay nagtitipa sa kompiyuter at naglalaro ako ng games, pero ang mga cartoon characters ay biglang nabuhay at lumabas sa monitor. Nagtatakbo ako sa takot hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Setyembre 3, 1970. May dalawa akong anak na nag-aaral. Isa akong computer encoder sa isang kompanya pero maliit lang ang suweldo. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

MOISES NG ALABANG, MUNTINLUPA

Dear Moises,

APEKTADO lamang ng nature ng iyong trabaho ang detalye ng panaginip. Pero, malinaw ditto na hindi ka seryoso sa iyong hanapbuhay at nagpapatangay ka lamang sa agos ng buhay. Go-easy-lucky ka lamang kaya’t napaginipan mo ang ganyang eksena.Ang mga cartoon characters ay nagsasabi na ikaw ay nabubuhay sa pantasya at patuloy na nangangarap ng mga imposibleng bagay. Wala kang praktikalidad kaya’t nabibigo ka at hindi makausad sa dapat mong gawin. Kailangang magseryoso ka na sa buhay, alamin kung anong klasev ng buhay ang nais mong marating at mag-concentrate ka ditto kasabay ng pag-iwas sa bisyo at masasamang aktibidad. Katapat ng computer ay No, 33; No. 14 ang paglalaro; No. 44 ang cartoons; No. 25 ang pagkabuhay ng mga charaters; No. 17 ang takot. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging emosyonal at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-8-11-19-23-27-34-37-40.
-----30—

02. PALMISTRY

Babalik si mister

Dear Sir Dennis,

NAGPA-XEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung babalik pa ang mister ko. Nagpaalam siya sa akin na maghahanap ng trabaho sa malayong lugar pero hanggang ngayon ay hindi nagbabalik sa loob ng limang taon. Hinihintay ko pa rin siya dahil nagsisilaki na an gaming mga anak. Namamasukan ako bilang kahera sa isang karinderia. Mapag-aaral ko kaya an gaming dalawang anak? Makapagpupundar ba ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Nobyembre 6, 1970.

MARISSA NG CAPAZ, TARLAC

Dear Marissa,

ITULOY mo lamang ang paga-aruga sa iyong dalawang anak. Magbabalik pa si mister mo dahil nagsosolo ang guhit sa tagiliran ng palad. Mapapansin mo na naputol ito pero may karugtong ito na halos nakadikit ang simula (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na magkakalayo kayo pero magkabalikan ng mister mo. Makakatapos ng pag-aaral ang iyong dalawang anak at makakatulong sila sa iyong pagtanda. Malilinaw at mahaba kasi ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa real estate at agribusiness.
---30--

Thursday, September 22, 2005

inagaw na alahas

Tiktik (24Sep05)

Dear Don Honesto,

MADALAS ko pong mapanaginipan na ako ay nagsisimba at maraming suot na alahas sa katawan. Naglalakad daw ako sa pasilyo at nagtitinginan sa akin ang mga kaibigan ko. Pero, hindi ako kumikibo hanggang sa dumiretso ako sa altar. Pero, biglang lumapit ang isang binatilyong gusgusin at nagtangka akong bigyan siya ng limos pero bigla nitong hinablot ang aking kuwintas. Nagsisigaw ako sa galit hanggang sa magkagulo ang mga tao sa loob ng simbahan. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 6, 1970. May apat akong anak at lahat sila ay honor students.

VIOLETA NG LAOAG CITY

Dear Violeta,

Ang simbahan ay nagsasabi na ikaw ay malapit sa puso ng Panginoon. Palagi ka niyang kinasisiyahan. May mabuti kang kalooban at walang atraso sa kapwa. Ang alahas ay sumisimbolo sa iyong mga anak na pawang may pambihirang talino at kakayahan.Nangangahulugan ito na makapagbibigay sa iyo ng ibayong kasiyahan at karangalan ang iyong mga supling. Pero, ang alahas ay inagas ng gusgusing binatilyo na nagbabala na dapat mo pa ring ingatan sa masasamang barkada o impluwensiya ang iyong mga anak partikular sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga. Katapat ng kuwintas ay No. 37; No. 6
ang alahas; No. 25 ang simbahan; No. 17 ang gusgusin; No. 30 ang paghablot; No. 41 ang patakbo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No.2. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-29-34-38-40-42.
-----30—

02. PALMISTRY

Hindi ka baog

Dear Sir Dennis

NAGPASYA na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing ikonsulta kung magkakaanak pa kami ng mister ko. Limang taon na kaming kasal pero wala pa kaming baby. Nagpa-checkup kami, pero kinumpirma ng mga eksperto na normal kami at hindi lang daw namin natsa-tsambahan. Magkakaroon kaya kiami ng anak? Naiinip kasi kami. Nangungupahan lang kami ng bahay, makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Anong negosyo ba ang bagay sa akin? Ipinanganak ako noong Hunyo 7, 1970.
GLESSY NG SAN MARCELINO, ZAMBALES
Dear Glessy,
HINDI ka dapat masyadong excited. Ang susi sa lahat ng problema ay ang pagiging kalmante. Nadidistorbo ng sobrang excitement at emosyon ang pagkadiskaril ng iyong paglilihi. Magkakaroon naman kayo ng anak, at dalawa ito. May dalawa kasing guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Dapat ay magbakasyon kayong mag-asawa sa isang resort sa tabi ng dagat—at doon mag-honeymoon muli upang makabuo kayo. Makakapagpundar ka naman ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa serbisyo—tulad ng computer rentals, repair shop at iba pang tulad nito. May guhit kasi na pumaitaas sa bandang ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng index finger).
---30---

Wednesday, September 21, 2005

away sa dreams

Tiktik (23Sep05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po ang aking boyfriend at ang aking boss sa trabaho. Naghahabulan daw sila sa loob ng opisina pero nakatakas ang BF ko. Sinundan ko siya pero hindi ko inabutan. Nakita ko naman na dinampot ng mga pulis ang boss ko at wala akong nagawa kasi'y nang makita ako mga pulis ay ako naman ang hinabol. Nagtatakbo ako at pinuntahan ko ang BF sa isang safe house kung saan dinatnan ko siya na nagko-computer at kalmante lang. Nagalit ako sa kanya dahil pinabayaan at iniwanan niya ako pero dedma lamang siya na parang walang nangyari. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1960. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

LOIDA NG CALAMBA, LAGUNA

Dear Loida,

KUNG napanaginipan mo ang iyong BF at boss, nangangahulugan ito na ikaw ay may strong personality. May kakayahan kang maging independent at habang malayang nagdedesisyon ay mas bibilis ang iyong pag-unlad. Kung nag-aaway ang iyong BF at boss, nagsasabi ito na dapat na kontrolin mo ang sobrang tiwala sa sarili dahil maaaring mapahamak ka. Ang pulis ay sumisimbolo sa pagdidisiplina, malinaw na ipinapayo dito na dapat kang magkaroon ka ng disiplina sa sarili upang makaiwas sa bisyo at maipokus ang atensiyon sa mga kapaki-pakinabang na bagay. Kung nagko-computer ang BF mo, nagsasabi ito na kailangan mo ang mga kakaibang taktika, pamamaraan o inobasyon upang umunlad ang iyong buhay at madaig ang mga kakumpitensiya. Kung nagalit ka sa BF mo, nagkukumpirma ito na kapag may problema ka ay nasisira din ang loob mo at nawawalan ng pag-asa na hindi dapat mangyari at makakaya mong mai-reverse ito tungo sa pagtatagumpay. Katapat ng BF ay No. 30; No. 40 ang boss; No.18 away; No. 45 ang pulis; No. 41 ang paghabol; No. 27 ang computer. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay buwenas sa paglalakbay at pagbibiyahe ng mga produkto. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa totoo lang, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-17-23-27-34-37-40-42.
---30--

02. PALMISTRY

Apat na BF

Dear Sir Dennis,

NAGPA-XEROX na rin ako ng guhit ng aking palad. Gusto ko kasing malaman kung kailan ako makakaahon sa kamalasan. Nakakatatlo na akong boyfriend pero nakalalayo ko lamang. Ang problema ko ay laging naisusuko ko ang "Bataan". Parang natatakot na akong makipagrelasyon. Makakapag-asawa pa kaya ako? Kung mag-aasawa ako, ilan ang aking magiging anak? Makapagpundar kaya ako ng sarili kong babay at lupa? Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1977. Isa akong kahera sa isang pabrika.
DELIA NG LIPA CITY
Dear Delia,
KITANG-KITA ang tatlong magkakasunod na buhol sa iyong Heart Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na tatlong beses kang mabibigo. Pero, matapos ang tatlong buhol ay naging maayos na ang daloy ng Heart Line na nagsasabi na makakarekober ka at maaayos ang nagdaang buhay. Mapapansin rin ang apat na guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na ikaw ay apat na beses magmamahal at ang pinakahuli ang makakasama mo sa habang buhay at mag-aalok sa iyo ng kasal. Magkakaroon ka ng masayang pamilya sa pagtanda at mabibiyayaan ng tatlong anak .May tatlong guhit kasi na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
---30--

Tuesday, September 20, 2005

sanggol sa dreams

Tiktik--22sept05

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po ang aking anak na sanggol. Matabang mataba daw siya at nilalaro ko. Pero sa sobrang likot ay hindi sinasadyang pumasok ang kanyang ulo sa ilalim ng aming kama at nadagdagan ng kutson. Nangitim daw ang baby ko at lumiit ito nang todo na parang lobo na nawalan ng hangin. Tinawag ko agad ang misis ko at hinipan niya ang bibig ng baby namin. Laking gulat ko nang makarekober ito ay muling nabuhay at lumusog na parang walang nangyari. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong ordinaryong empleyado pero maliit ang suweldo ko. Binabalak kong mag-invest sa piggery o poultry na inaalok ng aking mga magulang kasi'y hindi na nila ito maasikaso. Magklik kaya ito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1970.

ROLANDO NG TAGUIG, MM

Dear Rolando,

ANG sanggol ay nagsasabi na ikaw ay may balak o nagsisimula pa lamang ng isang magandang proyekto o bagong aktibidad. Kung nanganib ang buhay ng sanggol pero nai-revive, malinaw dito na magkiklik ang iyong bagong venture o negosyo. Ituloy mo lamang ang plano mong piggery o poultry pero hindi ka dapat magbitiw agad sa trabaho hangga't wala pang pumapasok na income sa iyong negosyo.Ang kutson ay nagsasabi na maaaring sumobra ang tiwala mo sa sarili mo na maaaring dahilan ng kabiguan. Ang misis mo ay nagsasabi na kailangan mong magdesisyon nang maayos at makalmante ka sa gitna ng mga problema. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran at dapat na magamit mo ito sa negosyo.Katapat ng baby ay No. 10; No.17 kung nangitim; No. 30 ang kutson; No. 1 ang pagliit; No. 6 si Misis; No. 40 ang pagrekober; No. 32 ang paglalaro. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ang magtagumpay sa negosyo lalo pa't kung magkakaroon ka ng sariling sasakyan sa pagbibiiyahe. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No. 4.Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-38-40-42.
---30--

02. PALMISTRY

Agricultural goods

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Nais kong itanong kung magkakaroon ako ng sariling bahay at lupa. Nakikitira lang kami sa aking tiyuhin pero nag-aayos ako ng dokumento sa housing loans, matupad kaya ito? May dalawa akong anak na nag-aaral at isa akong jeepney driver. Nagbo-boundary lang ako sa uncle ko. Balak kong magnegosyo ng pagbibiyahe ng agricultural products, buwenasin kaya ako dito? Masundan pa kaya ang anak namin, ilan? Ipinanganak ako noong Disyembre 3, 1970.

VICTOR NG BACOOR, CAVITE

Dear Victor,

ITULOY mo lamang ang pag-aayos ng mga dokumento sa housing loans dahil tiyak na maaprubahan ito. Makakapagpundar ka ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa agriculture. Tama ang desisyon mo na magbiyahe o mamakyaw at magtinda ng mga agricultural goods dahil iyan ang buwenas mo at mag-aangat sa iyo sa tagumpay. May guhit kasi na umangat sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Masusundan pa nang dalawa ang inyong anak kasi'y may apat na guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
---30--

Sunday, September 18, 2005

office mate sa panaginip

Tiktik (20sept05)

Office mate

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po ang aking dating office mate na magkasama sa isang kuwarto. Magara ang kanyang damit na parang desenteng desente. Ako naman ay naka-casual lamang. May dumating na mga bisita at inisa-isa niya akong ipinapakilala sa kanila. Lihim naman akong tuwang-tuwa. Pero, biglang silang nag-away –away at nagrambol sa harap ko sa hindi ko maintindihang dahilan. Nagsisigaw ako hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 16, 1970.

OLIVE NG BALAYAN, BATANGAS

Dear Olive,

KUNG office mate ang napaginipan mo, nangangahulugan ito na seryoso ka sa pagtatrabaho at lihim na nangangarap na umasenso ka. Kung ang boss mo napanaginipan mo, nangangahulugan ito na may naghihintay sa iyo na promosyon pero kung ka-level mo lamang ang nakasuot ng magarang damit, intriga at sigalot ang naghihintay sa iyo. Maging maingat sa pagsasalita at pagkilos, maaaring naghihintay sila ng butas upang maipahamak ka. Kung nag-away o nag-rambol, nagsasabi na ikaw ay may internal conflict o nagugulo ang iyong isip sa pagdedesisyon. Sikaping maging kalmante at magdesisyon lamang matapos maligo sa umagang-umaga. Huwag magdedesisyon sa gabi—baka lumala ang problema! Katapat ng office mate ay No. 44; No. 40 ang magarang damit; No. 22 ang silid; No. 18 ang rambol; No. 12 ang pagpapakilala; No. 37 ang bisita. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 16 ay maging atubili sa desisyon pero maraming kaibigan ang tutulong sa iyo sa gitna ng mga problema. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-28-34-38-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

Kahit magkagalit, di makakahiwalay si esmi

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto kong itanong kung magkakahiwalay kami ng misis ko. Lagi na kaming nag-aaway mula nang masisante ako sa trabaho at nabarkada pa. Kasi’y naman ay nagdedelihensiya lang ako ng pera sa mga kaibigan ko kaya’t nakikisama ako sa kanila. Makahanap pa kaya ako ng matatag na trabaho, Isa akong company driver. Makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? May apat kaming anak, mapagtapos ko kaya sila sa kolehiyo? Ipinanganak ako noong Hunyo 5, 1973.

ALIPIO NG MANDAUE CITY

Dear Alipio,

SA totoo lang, kahit mag-away kayo ng misis mo nang ubod-tindi at magkasakitan—hindi pa rin kayo magkakahiwalay. Nagsosolo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Minsan ka lamang magmamahal at siya na ang makakasama mo sa habang buhay kahit gaano kabigat ang mga suliranin. Marami kang pagsisikap sa buhay kaya’t makakarekober ka at makakakita ng matatag na hanapbuhay sa hinaharap. Marami kasing mumunting guhit na pumaitaas sa kalagitnaan ng Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Ibig sabihin, maraming oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan na mapapakinabangan mong lahat. Magagawa mo ring mapag-aral at mapagtapos sa kolehiyo ang iyong apat na anak kasi’y mahahaba at matitikas ang apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Magagawa mo ring makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
---30---

Saturday, September 17, 2005

library

Tiktik (19sept05)

Library

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko na ako ay nasa loob ng isang library. Tahimik daw ang lahat ng nakaupo ditto at walang kaingay-ingay. Maraming nagko-kompiyuter sa paligid at wala ring katunog-tunog. Parang magkakaaway na hindi nagkikibuan ang mga tao. Pero, biglang nagpapalo ang librarian at nagsisigaw ng sunog, sunog! Nagtakbuhan ang mga tao at kitang- kita kong ang apoy na mapulang mapula. Natakot din ako hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Nobyembre 4, 1985. Bigyan mo sana akong masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.Graduating na ako sa computer course, magkakaroon kaya ako ng matatag na trabaho?

JAMES NG OLONGAPO CITY

Dear James,

Ang library ay nagsasabi na naglalaro sa iyong isip na magpakadalubhasa pa o kumuha pa ng isang kurso upang mapaganda mo ang qualification mo sa paghanap ng trabaho. Kung tahimik sa loob, nagsasabi ito na nasa ilalim ka ng masusing paga-analisa sa iyong buhay. Ang gusali o aktuwal na library ay repleksiyon ng iyong pagkatao kaya’t nagsasabi ito na ikaw ay nangangarap na makilala sa iyong larangang ginagalawan sa hin aharap o sa pagdating panahon. Ang mga tao sa paligid mo ay nagsasabi na ikaw ay maraming kakaibang ugali kabilang ang pagiging mahiyain o takot sa gitna ng lipunan. Ang apoy ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives kaya’t dapat na makontrol mo ito o maingatan. Kung mapulang- mapula ang apoy, nagsasabi ito na may malaking buwenas na matatanggap ka. Pinakabuwenas ang No. 4 at 7.Sa jai alai, isama mo ang No.3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-6-11- 18-23-26-30-36-40- 40.
----30—

02. PALMISTRY

Makakaalis sa squatter area

Dear Sir Dennis,

NAGPASYA na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko sanang itanong kung may pag-asa kaming makaalis sa squatter area at makapagpatayo ng sariling bahay at lupa baling –araw. Isa lamang akong ordinaryong empleado at maliit lang ang suweldo. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? May dalawa kaming anak, madadagdagan pa ba ito? Mapagtatapos ko kaya ng pag-aaral sa kolehiyo ang aking mga anak? Ipinanganak ako noong Setyembre 3, 1970.

HENRY NG CAINTA, RIZAL

Dear Henry,

HINDI ka dapat naga-alala dahil makakaalis naman kayo sa squatter area at makakapagpundar ka ng sarili mong bahay at lupa. Mayroon kasing guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa agribusiness kaya’t puwede kang magbiyahe o maglako ng mga isda, karne, gulay at prutas. Madadagdagan pa ang iyong anak at magiging lima silang lahat. May limang guhit kasi na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Silang lahat ay makakatapos ng pag-aaral at makakatulong sa panahon ng iyong pagtanda. Mahahaba kasi ang mga naturang guhit. Marami kang pagsisikap sa buhay at matiyaga ka na magsisilbing pundasyon ng iyong tagumpay. May mumunting guhit kasi na pumaitaas mula sa kalagitnaan ng Life Line (tingnan ang bilog sa gitna).
----30--

Thursday, September 15, 2005

GF sa tricycle

Tiktik (17Sep05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po na nagmamaneho ako ng traysikel at sinundo ko raw sa kanyang pinagtatrabahuhan ang aking girlfriend. Pero nang sumakay siya ay may kasamang ibang lalaki kaya’t inaway ko. Kinuha ko ang panaksak sa traysikel at inundayan ko ang estranghero hanggang sa mapatay ko. Nag-iiyak ang nobya ko hanggang sa magising ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Mayo 5, 1979.

ALBERTO NG MARIKINA CITY

Dear Alberto,

ANG pagmamaneho ay nagsasabi na sinisikap mong kontrolin ang takbo ng iyong buhay. Nagtatangka kang disiplinahin ang iyong sarili. Patuloy kang nagpaplano at nangangarap. Ang iyong girlfriend at simbolo ng katuparan ng iyong mga pangarap at nagsasabi na ikaw ay marami ring plano na matutupad. Ang lalaki na kasama ng iyong GF ay ikaw rin mismo ang sinisimbolo pero ito ay kumakatawan sa iyogn bad traits. Nangangahulugan ito na nagtagumpay ka na iwasan ang mga bisyo at masasama mong nakamihasnan.Malinaw ditto na may naghihintay sa iyo na magandang bukas. Katapat ng traysikel ay No. 38; No. 3 ang pagmamaneho; No. 6 ang GF; No.7 ang lalaki; No. 27 ang pananaksak; No. 29 ang patay. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay makaranas ng mabibilis na pagbabago sa takbo ng buhay pero bubuwenasin ka sa pagbibiyahe at may kakayahang mag-abroad. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.9. Sa jai alai, isama moang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-27-34-38-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

2 kurso ang matatapos

Dear Sir Dennis,

NAGPASYA na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung makakatapos ako ng pag-aaral sa kolehiyo. Isa akong self- supporting student at namamasukan sa isang fast food chain.Pero maliit lang ang kita ko at masyado akong napapagod. Pangarap kong makapag-abroad, matuloy kaya ako? Gusto ko ring makapag-asawa nang maayos at magkaroon ng masayang pamilya, ilan ba ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Setyembre 4, 1985.

ADONIS NG LAS PINAS CITY

Dear Adonis,

WALA kang dapat ipag-alala kasi’y matatapos mo naman ang pag-aaral sa kolehiyo kahit patigil-tigil sa enrollment. Pero alam mo bang dalawangf kurso pa ang matatapos mo? May nag-parallel kasing guhit paitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger) na nagsasabi na makakaangat ka sa dalawang magkahiwalay na larangan. Karaniwang nakikita ito sa mga professionals. Magagawa mo ring makapag-abroad kasi’y mahaba ang naabot ng dulo ng Life Life at nagkaroon ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa malalayong lugar at paglalakbay. Makakapag-asawa ka naman nang maayos at kung sino ang iyong maging unang girlfriend ay siya na ang iyong mapapangasawa. Nagsosolo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na minsan ka lamang magmamahal. Magkakaroon kayo ng dalawang anak kasi’y may dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
-------30--

Wednesday, September 14, 2005

volleyball sa beach

Tiktik (16Sep05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naglalaro ng volleyball sa tabi ng dagat at kasama ko ang aking mga nakababatang kapatid.Pero imbes na isa lamang ang bola ay tig-iisa kami at nagpapalitan ng puwesto. Naka-two-piece bikini lamang ang suot namin kaya’t napupuno ang katawan namin ng mga buhangin pero tuwang- tuwa kami. Pero biglang lumakas ang alon at nilamon kami ng tidal waves kung saan napadpad akong bigla sa gitna ng dagat. Nagsosolo akong nakalutang habang nakakapit sa kaputol na kahoy kaya’t nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako ng Pebrero 4, 1980.

MARITA NG PASIG CITY

Dear Marita,

Malinaw na ipinapakita sa panaginip na ikaw ay hindi pa gaanong seryoso sa buhay. Apektado ka pa rin ng buhay-dalaga at hindi ka sanay na pumapasan ng mga responsibilidad. Ang volleyball ay nagsasabi na ikaw ay mahilig manisi ng kapwa, ang iyong kabiguan ay madalas mong isinisisi sa ibang tao imbes na suriin ang iyong sarili at alamin ang mga pagkakamali. Kailangan mong matutong pumasan ng responsibilidad at maunawaan na ang iyong tagumpay ay higit na nakasalalay sa personal mong kakayahan kaysa sa impluwensiya o tulong ng ibang tao. Ang iyong mga nakababatang kapatid ay repleksiyon ng iyong kawalan ng tiwala sa sarili. Hindi ka makapagdesisyon o makagalaw nang nagsosolo. Ang pagsusuot ng bikini ay ay nagsasabi na nasasabik ka pa ring lumaya o maging independent pero hindi mo magawa dahil sa kapos ng tiwala sa sarili. Ang tubig sa dagat ay nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng strong sexual drives kaya’t dapat mong ingatan upang hindi ka mapahamak. Katapat ng volleyball ay No. 6; No. 33 ang dagat; No. 14 ang paglalaro; No. 20 ang batang kapatid; No. 38 ang pagkaanod; No. 40 ang malaking alon; No. 10 ang pagsosolo; No. 29 ang bikini. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 4 ay makaranas ng kakaibang lungkot pero likas kang mabait kaya’t marami kang magiging kaibigan na magpapasaya sa iyo. Pinakabuwenas mo ang No.4 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-38-40.
---30—

02. PALMISTRY

Yayaman si mister

Dear Sir Dennis,

NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung may pag-asa akong magkaroon ng matatag na trabaho. Kasi’y laging contractual lang ako bilang salesclerk. Nabuburyong na ako. Maraming nanliligaw sa akin at natutukso na rin akong pumatol kasi’y nasisira na ang loob ko. Makakapag-asawa ba ako ng isang may kaya sa buhay upang guminhawa na ang buhay ko? Ilan ba ang aking magiging anak? Magkakaroon ba ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1978.

EDITH NG CALAMBA, LAGUNA

Dear Edith,

MAGKAKAROON ka naman ng matatag na trabaho at magiging angkop ang iyong posisyon sa iyong pinapangarap. Kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na magtatagumpay ka sa larangan na papasukan mo. Magkakaroon ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Tama ang kutob mo, makapag-aasawa ka nang may kaya sa buhay o mayaman dahil may nag-parallel na gitna ng palad na paitaas sa mga daliri (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na sasagipin ka ng iyong mapapangasawa mula sa kahirapan. Magkakaroon kayo ng tatlong anak kasi’y may tatlong guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
--30--

Tuesday, September 13, 2005

paru-paro sa orchids

Tiktik (15Sep05)

Dear Don Honesto,

LAGI ko pong napapanaginipan na ako ay nagtatanim ng mga orchids. Iniipon ko raw ang mga bunot ng niyog na nakabilad sa araw. Iniisa-isa ko itong inilalagay sa isang palayok at ibinibitin sa mga puno kasabay ng pagtatanim dito ng mga bagong supling na orchids. Malalago na ang orchids na nasa matataas na sanga ng puno at tuwang- tuwa ako sa makukulay na bulaklak. Nagkakagulo rin ang mga paru-paro na lumilipad at nagpapalipat-lipat sa mga bulaklak.Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Disyembre 17, 1960. May apat akong anak na nag-aaral at isa akong supervisor sa isang kompanya.

HECTOR NG CAVITE CITY

Dear Hector,

ANG orchids ay nagbabadya ng magandang kapalaran.Nagsasabi ito na mapapasakamay mo ang kakaibang suwerte o isang malaking halaga na bibihira mong matikman. Ang mga bunot ay nagsasabi na ito ay magmumula sa malayong lugar mula sa isang matagal nang kaibigan na hindi mo nakikita. Bunga ito ng iyong mga nagdaang pagtulong sa mga taong nangangailangan. Ang puno ay repleksiyon ng iyong mga hilaw na pangarap na umunlad ka balang-araw. Ang mga paru-paro ay nagsasabi na kailangang paramihin mo ang iyong mga kaibigan na siyang magiging pundasyon ng iyong pag-unlad. Marami kasing kakilala mo ang kusang tutulong sa iyo upang makaangat ka sa buhay kabilang ang pagkakaroon ng bagong trabaho. Katapat ng bulaklak ay No. 33 ; No., 44 ang bunot; No. 13 ang orchid; No. 22 ang paruparo; No.29 ang pagtatanim; No. 38 ang puno; No. 30 ang palayok. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng mga pambihirang kapalaran. Pinakabuwenas mo ang No. 8 at No. 3. Sa jai alai , isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-38-40-42.
----30---

02. PALMISTRY

Mag-aasawa muli

Dear Sir Dennis,

NAGLAKAS-LOOB na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad upang malaman ko ang aking kapalaran. May pag-asa pa ba akong makaahon sa hirap. Isa akong pahinante ng truck na minamaneho ng pinsan ko. Gusto ko sanang mag-abroad, matuloy kaya ako? Hiwalay ako sa asawa dahil naglayas ang misis ko nang mawalan ako ng trabaho. Iniwan sa akin ang isa naming anak na pinaalagaan ko naman sa nanay ko.Makapag-aasawa pa kaya ako? Masusundan pa ba ang anak ko? Ipinanganak ako noong Setyembre 20, 1970.

NESTOR NG CAPAZ, TARLAC

Dear Nestor,

MABILIS kang makakaahon sa hirap kasi'y maraming guhit ang sumibol mula sa kalagitnaan ng Life Line papaakyat sa mga daliri (tingnan ang bilog sa gitna) .Nagsasabi ito na ikaw ay likas na masipag at matiyaga kaya't makakaahon ka sa pagdarahop at magkakaroon ng matatag na hanapbuhay sa hinaharap. Matutuloy ka sa pag-abroad dahil malawak ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay at maraming bansa ang mararating mo. Makakapag-aasawa ka muli dahil dalawa ang guhit sa bandang tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na dalawang beses kang iibig at magkakaroon ng pamilya. Masusundan pa ng dalawa ang iyong nagsosolong anak sa unang asawa kasi'y may tatlong guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
---30--

Sunday, September 11, 2005

rambol sa opis

Tiktik (13sept05)

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po ang opisina na dati kong pinagtatrabahuhan. Naroroon daw yung mga dati kong katrabaho at nag-iinuman kami. Parang may piyesta sa dami ng mga pagkain. Pero, nagkaroon ng rambol at nagsaksakan ang mga kaibigan ko. Nagsisigaw ako sa galit hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 19, 1970. Natanggal ako sa trabaho at nag-aayos ako ng papeles para makapag-abroad. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

JACK NG BACOLOD CITY

Dear Jack,

KUNG napanaginipan mo ang iyong mga dating co-workers, nangangahulugan ito na conscious ka talaga sa paghahanap ng trabaho. Nasa proseso ka ng pag-iisip kung anong klase ng trabaho ang nais mong pasukan o kompanya na aplayan. Kung parang piyesta, nagsasabi ito na nasasabik ka na guminhawa ang buhay at makarekober sa paghihirap. Kung nagkaroon ng rambol o saksakan, nagsasabi ito na ikaw ay nagtatangka na disiplinahin ang sarili at magbagong buhay. Gusto mo nang ayusin ang iyong ugali, diskaerte at pananaw sa buhay. Walang duda na matutuloy ka sa paga-abroad at makakaahon sa problema. Katapat ng piyesta ay No. 25; No. 36 ang saksakan; No. 17 ang rambol; No. 40 ang opisina; No. 41 ang co-workers. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 19 ay makaranas ng magkakasalungat ng kondisyon—minsan bigo at minsan ay tagumpay. Pinakabuwenas mo ang No.1 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-27-34-38-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Magkakaroon ng house and lot

Dear Sir Dennis,

NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko kasing magkaroon ng sariling bahay at lupa, matupad ko kaya ito? Nag-apply ako ng housing loan sa SSS pero wala pang resulya. Nakatira kami sa lupa na pag-aari ng kamag-anak namin pero pinalalayas na kami. Gusto ko sanang mag-abroad, matuloy kaya ako? May dalawa akong anak, sino sa kanila ang makakatapos sa kolehiyo at magtatagumpay. Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1970.


LUISITO NG ROXAS CITY

Dear Luisito,

WALA kang dapat ikabahala. Kahit palayasin kayo sa kinatitirikan ng bahay ninyo ay maaaprubahan naman ang iyong HOUSING LOAN kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng larangan na may kaugnayan sa lupa o agribusiness. Matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil mahaba ang naabot ng Life Line at nagkaroon ng sanga ang dulo nito (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas sa lahat ng klase ng paglalakbay. Makakatapos naman ng pag-aaral ang dalawa mong anak at kapwa sila makakatulong sa panahon ng iyong pagtanda .Mahaba kasi at matikas ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
---30-

Friday, September 09, 2005

watawat sa iskul

Tiktik (11sept05 -advanceissue)


Dear Don Honesto,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong bigyan mo ng kahulugan ang aking mga panaginip. Napanaginipan ko na ako ay nasa loob ng isang eskuwelahan. Ako raw ang natokahan na magtaas ng watawat sa flag ceremony. Pero ang bandera ay iba ang porma at korteng damit na gown na maraming borloloy. Hindi ko maintindihan pero hindi ito porma ng bandila. Habang itinataas ko ito sa tagdan ay kumakanta ng mga modernong awitin ang mgsa estudyante. Nang makarating sa dulo ng tagdan ang gown ay naglabas ng baril ang mga tao.Nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembe 6, 1979. Isa akong ordinaryong empleado at nangangarap akong umasenso.

ROY NG NAVOTAS, MM

Dear Roy,
ANG eskuwelahan ay nagsasabi na ikaw ay conscious pa rin sa pag-aaral o pagpapakadalubhasa sa isang larangan. Nagsasabi ito na kailangan mong sumailalim sa training, seminar o kumuha ng special course kung saan magagamit mo ito sa iyong pag-asenso o paghanap ng mas matinong trabaho o puwesto. Ang bandera ay nagsasabi na natatangay ka ng emosyon pero sa maling direksiyon. Kailangang disiplinahin mo ang sarili mo. Ang gown o damit na ipinalit sa flag ay nagsasabi na ikaw ay magkakaroon ka karelasyon mula sa alta-sosyedad na magpapabago ng takbo ng iyong buhay. Ang mga estudayante ay nagsasabi na marami ka pang katanungan sa buhay kaya’t dapat na maging maingat ka sa pagdedesisyon. Ang baril ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives kaya’t dapat na makontrol mo ang simbuyo ng damdamin. Katapat ng iskul ay No. 27; No. 10 ang tagdan; No. 3 ang watawat; No. 45 ang baril; No. 22 ang estudyante; No. 33 ang pag-awit. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal at magkaroon ng maraming karelasyon kaya’t kadalasang nawawala sa konsentrasyon. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 2.
Sa jai alai, isama mo ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-29-34-37-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Makakahiwalay si mister

Dear Sir Dennis,
BIGYAN mo sana ako ng payo. Inilakip ko ang serox copy ng guhit ng aking palad. Gusto ko kasing itanong kung magkakalayo kami ng asawa ko. Mula nang mawalan siya ng trabaho ay lagi kaming nag-aaway at may pagkakataon na sinasaktan niya ako pag nalalasing. May apat kaming anak na nag-aaral. May maliit akong grocery na pinagkukunan naming ng ikabubuhay. Mapapalaki ko ba ang munting negosyo ko? Makakapagtapos ban g pag-aaral ang aking mga anak? Ipinanganak ako noong Nobyembre 26, 1970.


ERLINDA NG LAOAG CITY

Dear Erlinda,
NAKAKALUNGKOT mang sabihin, hindi na magtatagal ang pagsasama ninyong mag-asawa at walang duda na magkakahiwalay kayo. Kasi’y may split ang dulo ng nagsosolong guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na hindi na kayo magkakabalikan kapag naghiwalay. Gayunman, mananatili kang nagsosolo sa buhay hanggang sa pagtanda at hindi ka na muli pang magmamahal. Pero mapapalaki mo ang iyong negosyo kasi’y may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng index finger). Nakikita ito sa matatagumpay na negosyante. Mapagtatapos mo sa pag-aaral at magtatagumpay ang apat mong anak kahit nagsosolo kang nag-aaruga. Mahahaba at matitikas kasi ang apat na guhit na pumaitaas sa banding kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
----30--

Thursday, September 08, 2005

ama at ina

Tiktik (10sept05issue)


Dear Don Honesto,
BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan ang namatay kong tatay at nanay. Ulila na ako sa mga magulang pero kapag napapanaginipan ko sila ay parang buhay na buhay pa at nagkakataon na aktuwal nila akong pinapayuhan sa aktuwal ko ring mga problema sa araw na iyo. Naghahanap ako ng trabaho noon at napaginipan ko na pinapupunta ako ng yumao kong tatay sa kanyang kumpare at nang pumunta nga ako ay nabigyan ako ng trabaho bilang officer clerk. Parang nagkatotoo ang panaginip ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Oktubre 22, 1979. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

HENRY NG MUNTINLUPA CITY

Dear Henry,
MATURITY ang sinisimbolo ng mga yumao mong magulang sa loob ng panaginip. Ibig sabihin ay unti-unti ka nang nagma-matured at nagiging responsible sa iyong sarili. Natututo ka nang dumisiplina sa iyong sarili. Gayunman, nagsasabi pa rin ito na ikaw ay papunta na sa panibagong yugto ng buhay at iiwanan mo na ang panahon ng kabataan. Dapat mong iwasan ang paglalakwatsa o mga aktibidad na hindi ka naman makapagpundar o aasenso bagkus ay maaaring magpahamak sa iyo. Nagsasabi rin ito na ikaw ay malapit nang lumagay sa tahimik at inihahanda mo na ang pagiging padre-de-pamilya sa hinaharap. Katapat ng ina ay No. 37 No. 49 ang ama; No. 34 ang pagbibigay ng payo; No. 29 ang patay; Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 22 ay maging likas na mabait at may kakaibang buwenas na matatanggap. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No.2.
Sa jai alai, isama mo ang No. 9.Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-38-40-42.
---30—

02. PALMISTRY

Buong pamilya sa Canada

Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpaserox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing mag-resign sa trabaho at nais kong itanong kung bubuwenasin ako sa paga-abroad. May pinsan ako sa Canada at inaaya niya ako na dalhin ko roon ang aking pamilya. May dalawa akong anak. Masusundan pa ba ang bunso kong anak? Makakapagpundar ba ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1970.


CHRISTOPHER NG PASAY CITY

Dear Christopher,
WALA kang dapat ipag-alala, kasi’y matutuloy kayong buong pamilya sa Canada. Magkakaroon ng malaking pagbabago sa iyong kapalaran sa kalagitnaan ng buhay mo. Naputol kasi ang iyong Life Line at nag-takeover pababa sa pulso ang iyong Fate Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na hahatakin ka ng iyong kapalaran kung saan maninirahan ka nang matagal sa malayong lugar kasama ang buong pamilya. Makakapagpundar ka ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa real estate , agribusiness o lupa. Masusundan pa ng dalawa ang iyong anak kasi’y may apat na guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinlalaki). Makakatapos ng pag-aaral at makakatulong sa iyong pagtanda ang iyong mga anak.
----30-

Sunday, September 04, 2005

ahas at house 'n lot

Tiktik—05sept05

Dambuhalang ahas

Dear Don Honesto,

NAPANAGINIPAN ko po ang isang malaking ahas na nakapulupot daw sa paligid ng bahay namin. Nililingkis daw niya ito hanggang sa mahugot ang mga haligi at mabuwal ito tulad ng ordinaryong punong kahoy sa panahon ng bagyo. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Pebrero 5, 1985. Bagong graduate ako sa computer course at panganay sa apat na magkakapatid. Naghahanap ako ngayon ng trabaho.


HENRY NG ANTIPOLO CITY

Dear Henry,

ANG bahay ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Ang ahas ay phallic symbol na nagsasabi na ikaw ay maaaring matukso sa imoralidad o magumon sa pakikipagrelasyon sa opposite sex kung saan maaaring masira ang iyong reputasyon o masabit sa mga kalokohan na may kaugnayan sa babae! Kailangang makontrol mo ang simbuyo ng damdamin upang hindi ka mapahamak, pero kung pagbabatayan ang panaginip, mahihirapan kang makontra ito. Kung nabuwal ang bahay, nagbabala ito ng kabiguan at may mahalagang papel na gagampanan ditto ang iyong magiging karelasyon sa hinaharap. Kumbaga, kwidaw ka! Gayunman, mas makakabuting ipokus mo ang iyong panahon sa paghahanap ng trabaho o pagtatayo ng sariling computer rental o computer service center. Katapat ng bahay ay No. 40; No. 28 ang ahas; No. 17 ang pagkabuwal; No. 49 ang dambuhala; No. 33 ang paglingkis. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay madaling mabuyo sa tukso ng mga kaibigan o maimpluwensiyahan ng kapwa. Pinakabuwenas mo ang No.5 at No. 3. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-27-30-35-40-42.
---30-

02. PALMISTRY

Makakapagpundar ng house and lot

Dear Sir Dennis,

NAGPASYA na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakapagpundar ako ng sariling bahay at lupa. Pinalalayas na kasi kami sa squatter area kaya’t mapupuwersa na naman kaming mangupahan. Nanghihinayang ako sa perang ibinabayad ko sa paupa. May apat akong anak na nag-aaral, sino sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral at makakatulong sa panahon ng aking pagtanda. Balak ko ring magtrabaho sa ibang bansa, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1970.

EDUARDO NG OLONGAPO CITY

Dear Eduardo,

WALA kang dapat ipangamba, kasi’y makakapagpundar ka naman ng sariling bahay at lupa. May guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato ( tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa real estate. Maaari ka ring pumasok sa agri business. Magagawa mo kasing makapagtrabaho sa ibang bansa kung saan doon magsisimula na gumanda ang iyong buhay. Malawak kasi ang naabot ng dulo ng Life Line kung saan umabot ito sa bandang pulso at nagkaroon ng maraming sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay maninirahan nang matagal ang ibang bansa bago babalik sa Pilipinas. Makakatapos din ng pag-aarapo ang iyong apat na anak kasi’y mahahaba at matitikas ang apat na guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
----30---