Tuesday, May 30, 2006

Ehekutibo sa palad

(for TIKTIK , June 01 issue)

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung makakatapos ako ng pag-aaral. Matagal akong natigil at ngayon ay nag-enroll ako muli. Isa kasi akong worker sa isang fastfoods chain at nag-iipon muna ako bago maka-enroll. Ipinanganak ako noong Hulyo 18, binata pa ako at hindi ako nakikipag-relasyon sa opposite kasi'y natatakot akong madiskaril ang aking mga pangarap.Makakapag-asawa ba ako nang maayos? Ilan ang aking magiging anak?

RAMONITO NG LIPA CITY

Dear Ramonito,
WALA kang dapat ipag-alala, makakatapos ka naman ng pag-aaral. May dalawang guhit na nag-parallel paitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na ikaw ay makakatapos ng dalawang kurso at magiging matagumpay a ehekutibo sa hinaharap. Ituloy mo lamang ang iyong mga pagtitiyaga at pagsisikap. Ang buhay ng tao ay tulad ng isang puno na nagsimula lamang sa isang butil pero unti-unting yumayabong hanggang malampasan niya ang malalaking gusali sa paligid. Minsan ka lamang iibig at kung sino ang iyong maging girlfriend ay siya nang iyong makakatuluyan. Nagsosolo kasi ang munting guhit sa tagiliran ng palad sa bandang hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Magkakaroon kayo ng apat na anak dahil may apat na guhit ang pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Makakatapos sila ng pag-aaral at magtatagumpay.
---30--

Tulay sa dreams

( for TIKTIK, June 01 issue)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naglalakad sa isang tulay na nakabitin. Makitid lang ang tulay at uugoy-ugoy ito habang naglalakad ako. Yari sa kahoy at kawayan na may malalaking lubid sa paligid. Bakit kaya madalas na napapanaginipan kong dumaraan ako sa mga tulay? Ipinanganak ako noong Agosto 17, 1980. Bagong pasok ako sa trabaho. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
PETER NG AGOO, LA UNION
Dear Peter,
ANG tulay ay nagpapahiwatig na ikaw ay nasa gitna ng proseso ng mahigpit na pagresolba ng isang mabigat na problema. Nag-iisip ka ng solusyon kung paano makakatakas sa isang napakaselang problema.Kung yari sa kahoy at kawayan, nagsasabi ito na hindi ka pa rin nakatitiyak na masosolusyunan mo ang problema na lalong nagpapagulo sa yong isip. Naglalaro kasi sa isip mo na ang taong ito ay “crucial” o may mahalagang papel na gagampanan na maaaring magpabago sa takbo ng iyong buhay tungo sa hinaharap. Gayunman, nananatili kang matibay sa gitna ng mga problema. Nagsasabi rin ang tulay na ikaw ay mabibiyayaan ng promosyon sa yong trabaho bago matapos ang taong ito kung magagawa mong manatili pa rin hanggang sa isang taon. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng matitinding pagsubok pero mareresolba mo rin makaraang ang mahabang proseso. Katapat ng tulay ay No.11; No. 6 ang kawayan; o. 19 ang kahoy; No. 18 ang lubid; No. 14 ang paglakad;No. 30 ang nakabitin. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.2. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-27-34-40-42.
---30--

Monday, May 29, 2006

Buong pamilya sa abroad

(for TIKTIK, May 31 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGLAKAS-LOOB na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Excited kasi ako na malaman kung masusundan pa ang dalawa naming anak. Pabalik-balik sa abroad ang mister ko pero wala pa rin kaming sariling bahay. Maliit lang kasi ang kita niya na isang simpleng obrero lamang. Makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Inaaya niya ako na mag-abroad din dahil payag ang kanyang employer kasama rin ang aming anak, matuloy kaya kami? Ipinanganak ako noong Hunyo 18, 1974,
DELFINA NG TARLAC CITY
Dear Delfina,
DAPAT ay magpa-Canton ka, masusundan pa kasi ng dalawa ang iyong mga anak kasi'y may apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na magkakaroon ka ng apat na anak na pawang makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay. Magagawa mo rin makapag-abroad kasama ng buong pamilya. Kasi'y malawak at malayo ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng maraming sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na makakasama mo sa ibang bansa ang mister mo at lahat kayo ay doon maninirahan nang matagal na panahon. Pagbabalik ninyo, makakapagpundar ka ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
----30--
(for TIKTIK, May 31 issue)

Dear Don Honesto,
BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan na ang aking limang daliri ay may tig-iisang singsing. Ang bawat singsing ay may kanya-kanyang magagardong hiyas na nagkikislapan. Ipinagyayabang ko raw ito sa bawat tao na pumasok sa loob ng aming bahay. Isa akong superbisor sa isang kompanya ay may limang anak na nag-aaral. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Agosto 17, 1950. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LUCILA NG BACOOR, CAVITE

Dear Lucila,
MALINAW na ang limang singsing sa iyong daliri ay sumisimbolo sa iyong limang anak. Walang duda na ikararangal mo at pawang magtatagumpay ang lahat ng iyong limang anak. Siya mismo ang iyong kayamanan at sa panahon ng kanilang paglaki at pagiging propesyunal—magsisimula ang yong kaginhawahan at katuparan ng mga pangarap. Nagsasabi rin ito na magtatagumpay ang isang negosyo na matagal mo nang nais itayo kaya't hindi ka na dapat magdalawang isip pa. Ang bahay ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Kung yari sa kahoy at simple lang, ordinaryo lang ang iyong buhay perpo kung magarbo, walang duda na nabibilang ka sa mga may sinasabing angkan sa inyong lugar. Katapat ng kamay ay No.5; No. 27 ang hiyas; No. 10 ang singsing; No. 39 ang kapitbahay; No.40 ang bahay; No.33 ang kislap. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng matitinding pagsubok sa panahon ng pagtanda ay doon lamang natutupad ang mga hilaw na pangarap. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.3. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42.
---30-

Sunday, May 28, 2006

Dami oportunidad

(for TIKTIK, May 30 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-SEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakatagpo ako ng matatag na trabaho. Palagi na lang akong nag-iintriga sa pinapasukan ko kayat napupuwersa akong mag-resign. Balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Binata pa ako? Makapag-asawa kaya ako nang maayos? Ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Nobyembre 11, 1975.

DONATO NG STA ROSA, LAGUNA
Dear Donato,
LIKAS kang masipag, matiyaga, masinop at may diskarte. Walang duda na makakatagpo ka ng matatag na trabaho at makakaangat sa buhay. Maraming magagandang oportunidad ang darating sa iyo at marami dito ay mapapakinabangan mo. May mga guhit kasi na sumulpot paitaas mula sa kalagitnaan ng Life Line (tingnan ang bilog sa bandang gitna ng palad). Nagsasabi ito na kailangang kang magpapawis bago makaangat sa buhay. Matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Kasi'ymalayo ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Karaniwang nakikita ang guhit na ito sa matatagumpay na OFWs. Tatlong beses kang iibig at ang ikatlong babae ang makakatuluyan mo. May tatlo kasing guhit ang sumulpot sa bandang itaas na tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinlilit). Nagsasabi ito na magkakaroon ka ng tatlong karelasyon at ang huli ang mapapangasawa mo. Magkakaroon kayo ng tatlong anak kasi'y may tatlong guhit ang pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
--30--

Yumaong ama

(for TIKTIK, May 30 issue)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko po ang yumao kong ama na nagtayo ng isang munting barong-barong sa tabi ng riles. Pero kami po ay may sariling bahay sa loob ng baryo. Nagdaan daw ako sa ginagawa niyang barong-barong at itinanong ko ang paraan kung paano ang magpunla ng palay. Sa gitna kami ng bukid at nakita ko rin ang mga palay na magkakahaong berde at dilaw na mistulang maysakit at payat-na-payat. Sabi ng tatay ko ay may peste daw ang mga palay. May mga naggigiik o naggagapas ng mga palay. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Tuwing may problema akong mabibigat ay laging nagpapakita sa loob ng panaginip ko ang aking ama. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1970. May asawa na ako at isang anak.

FREDDIE NG CAVITE CITY
Dear Freddie,
NAPAKASUWERTE mo naman. Kahit patay na ang iyong ama ay malinaw na may regular na komunikasyon pa rin kayo. Bibihira ang ganyang nabibigyan ng biyayang makaniig pa ang isang patay. Sa kaso mo ay aktuwal na natutulungan ka ng iyong yumaong ama kahit wala na siya sa mundo. Gayunman, maturity ang ipinahihiwatig ng iyong panaginip. Ibig sabihin, super-matured at may napakalawak na pang-unawa at pasensiya sa kapwa. Walang duda na magtatagumpay ka at makakatagpo ng kapayapaan ng puso, hahaba ang buhay at magkakaroon ng isang masayang pamilya. Ang bukid ay nagpapahiwatig ng kasaganaan pero kung may peste, nagbabadya rin ito ng problema na dapat mong maaksiyunan nang maayos. Nagbabala ito na may malaking pagsubok at paghamon na darating sa iyong buhay na sa bandang huli ay ikaw rin ang mananaig. Katapat ng ama ay No. 37; No. 29 ang bukid; No. 16 ang palay; No.24 ang barong barong; No. 11 ang riles; No. 10 ang punla. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng mabibigat na problema pero malalampasan mo ang lahat nang ito. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 1-11-19-23-34-37-40-42.
---30-

Saturday, May 27, 2006

Abroad sa palad

(for TIKTIK, May 29 issue)

Dear Sir Dennis,
LAGI rin akong nagbabasa ng kolum mo at nagpa-xerox na rin ako ng guhit ng palad. May pag-asa pa ba akong makapag-abroad. Naubos na ang naiipon ko at no choice na ako kundi ang mag-balik sa ibang bansa. Matuloy kaya ako? Makakapag-asawa pa kaya ako? Lagi akong bigo sa pag-ibig. Makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Disyembre 13, 1979.

DULCE NG ANTIPOLO CITY

Dear Dulce,
WALA kang dapat ipag-alala, walang duda na makakabalik ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Malayo kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng mga sanga na umabot sa dakong pulso (tingnan ang bilog sa dakong pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay maraming bansa na mararating at iyan mismo ang magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Marami kang magiging karelasyon at ang ikaapat na dyowa mo ang iyong makakasama habang buhay. May apat kasing guhit ang lumitaw sa banding itaas ng tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na ikaw ay biglang magkakaroon ng oportunidad na makapag-asawa ng isang binatang maykaya sa buhay. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa dakong ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng middle finger).
---30---

Ulan sa dreams

(for TIKTIK, May 29 issue)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Madalas kong mapanaginipan ang mga sumusunod: aso na hinahabol ako; malakas na ulan; tinataga ko raw ang sanga ng puno sa likod ng bahay naming. Madalas ko ring mapanaginipan ang yumao kong tatay. Ipinanganak ako noong Hulyo 10, 1970. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LARRY NG SAMPALOC, MAYNILA

Dear Larry,
ANG aso ay repleksiyo ng iyong ugali. Masarap kang kaibigan pero masamang kaaway. May likas kang talino at madaling matuto sa mga bagay-bagay. Isang masamang ugali mo ang nakapagdidiskaril sa ilan mong mga aktibidad. Ang ulan ay nagsasabi na mayroon kang strong sexual drives at mag-ingat ka sa pakikipagrelasyon sa opposite sex; ang puno ay nagsasabi na ikaw ay makakaangat sa buhay at magkakaroon ng matatag na hanapbuhay pero kailangang maging maingat ka sa pakikisama at iwasan ang magdesisyon nang mabilisan; ang iyong ama ay nagsasabi na ikaw ay nagiging matured na at responsible na siyang magpapabilis sa katuparan ng iyong mga pangarap. Katapat ng aso ay No. 22; No. 14 ang paghabol; No.11 ang ulan; No.29 ang puno; No. 17 ang pagtabas; No. 37 ang tatay. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 10 ay makaranas ng matitinding dagok ng buhay pero makakarekober din. Pinakabuwenas mo ang No. 1 at No.8. Sa jai alai, isama mo ang No.5. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-38-40-42.
---30—

Friday, May 26, 2006

Huling biyahe sa palad

(for: TIKTIK, May 28 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. May pag-asa pa ba akong makapag-asawa? Ipinanganak ako noong Hunyo 16, 1964. Ako na lang ang walang asawa sa anim na magkakapatid at pinaaaral ko na lamang ang aking mga pamangkin. May mga araw na nalulungkot ako na hindi ko maipaliwanag. Makakapagpundar ba ako ng sarili kong bahay at lupa. Magkakaanak pa kaya ako?
EMILIA NG IBA. ZAMBALES
Dear Emilia,
HINDI ka dapat nababagabag, kumbaga, makakahabol ka na naman sa huling biyahe ng LRT bandang 10:00 p.m. Makakapag-asawa ka. May nagsosolo kang guhit sa tagiliran ng palad sa bandang hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na ikaw ay minsan lang magmamahal pero maiiwanan ka ng panahon at magkakaroon ng kasama sa pagtanda. Sa maniwala-ka-o-sa-hindi, magkakaanak ka pa pero isa lang. may nagsosolo rin kasing guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na mapag-aaral mo sa kolehiyo at magtatagumpay ang iyong anak. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
----30--

Gusali sa dreams

(for TIKTIK, May 28 issue)

01. NUMERO AT PANAGINIP
head: Umakyat sa gusali
Dear Don Honesto,
MADALAS ko pong mapanaginipan na ako ay umaakyat sa isang gusali at sa hagdanan akong humahakbang imbes na magdaan sa elevator. May maliit na ilaw lamang na parang bituin at nang marating ko ang rooftop ay nakakita ako ng isang altar na ubog nang liwanag na parang munting chapel. Lumuhod daw ako at nagdasal hanggang sa mapaiyak ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 19, 1980. Dalaga pa ako at isang saleslady sa isang mall. Bigyan mo ako ng mga buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

SHERYL NG KALOOKAN CITY
Dear Sheryl,
ANG gusali ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Nagsasabi ito na ikaw ay nabibilang sa mga iginagalang na pamilya sa inyong lugar. At nangangarap na makaangat sa buhay sa desenteng paraan. Ang pag-akyat ay nagpapahiwatig ng pag-unlad at kung sa hagdanan, maraming pagsubok ka na mararanasan at kailangan mong magsikap at magtiyaga. Ang ilaw na maliiit ay ang mga oportunidad na maaari mong pakinabangan. Ang altar ay nagsasabi na likas kang mabait at kinasisiyahan ng Panginoon. Maraming buwenas ang mapapakamay mo. Ang liwanag ay tumitiyak sa iyong tagumpay kung paghahaluin mo ang talino at sipag. Katapat ng gusali ay No. 40; No. 12 ang pag-akyat' No.32 ang hagdanan; No. 25 ang altar; No. 33 ang bituin; No. 22 ang pagluhod. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 19 ay makaranas ng mabibigat na problema pero sa bandang huli ay magtatagumpay ka. Pinakabuwenas mo ang No. 1 at No. 7. Sa jai alai , isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-36-40-42.
---30--

Wednesday, May 24, 2006

Abroad sa palad

(for TIKTIK, May 26 issue)


Dear Sir Dennis,

NAGPASYA na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Nais ko kasing ikonsulta kung may tsansa pa akong makapag-abroad. Madalas kasing mabulilyaso ang aking pag-alis. Nag-aayos na naman ako ng mga dokumento, matutuloy na ba ako? Dalaga pa ako at isinilang noong Mayo 19, 1984. Makakapag-asawa ba ako nang maayos? Ilan ang aking magiging anak.

MYRA NG ANTIPOLO CITY

Dear Myra,
HINDI dapat nasisira ang iyong diskarte. Matutuloy ka naman sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi lamang isang lugar ang mararating mo kundi maraming teritoryo na siyang magpapasimula ng pag-ahon mo sa kahirapan. Malayo kasi ang naabot ng dulo ng iyong Life Line na umabot sa bandang pulso at nagkaroon ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Karaniwang nakikita ito sa matatagumpay na OFWs. Magkakaroon ka ng tatlong boyfriend at ang pinakahuli ang makakasama mo sa habang buhay. May tatlong guhit kasi na lumitaw sa bandang itaas ng tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na tatlong beses kang magmamahal pero ang huli ang makakatuluyan mo. Magkakaroon kayo ng apat na anak kasi'y may apat na guhit ang pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
---30--

Roller coaster dream

(for TIKTIK, May 26 issue)



Dear Don Honesto,
MADALAS kong mapanaginipan na sakay ako ng pampasaherong dyip pero nagbibiyahe kami na parang roller coaster sa karnabal. Paibaba at paitaas ang pagtakbo. Pero pang sobrang taas na parang 90 degree ang buwelo kung saan maaari kaming mahulog sa dagat kapag napurnada ang driver. Laking tuwa ko naman na hindi kami nahuhulog. Pero takot na takot ako ay hinahabol ko ang aking hininga. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinangaak ako noong Hulyo 17, 1970. Isa akong tricycle driver. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
LEO NG TAGAYTAY CITY
Dear Leo,
MALINAW na apektado ang eksena sa iyong panaginip ng aktuwal mong hanapbuhay at mismo ng porma ng kalsada sa iyong paligid, Gayunman, nagsasabi ang panaginip na ang iyong buhay ay pabago-bago. Walang kapanatagan at madalas na may lihim kang takot na mabigo at mapurnada sa iyong mga balakin. Ang mahalaga dito, ay patuloy kang nagsisikap at nagtitiyaga sa kabila ng walang katiyakang buhay at panganib sa iyong paligid. Nagsasabi rin ito na ipagpatuloy mo lamang ang mga pagtatangka kahit gaano pa ito kaimposible at sa bandang huli ay magtatagumpay ka kung saan maaabot mo ang pinakamataas na antas ng pananagumpay.Katapat ng dyip ay No. 4; No. 14 ang pagbiyahe; No. 33 ang pag-angat at pagbaba; No. 37 ang dagat; No. 17 ang takot; Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng kakaibang lungkot pero magtatagumpay sa panahon ng pagtanda. Pinakabuwenas mo ang No. 8 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-37-40-42.---30---

Wednesday, May 10, 2006

Makakapag-abroad

(for TIKTIK, May 11 issue)

Dear Sir Dennis,
ISA ako sa libo-libo mong tagasubaybay at ipina-zerox ko na rin ang guhit ng aking palad. Gusto ko kasing itanong kung may tsansa akong makapag-abroad. Ito lang kasi ang solusyon upang makaahon kami sa hirap. Nakatira lang kami sa squatter area at walang hanapbuhay ang mga magulang ko. Binata pa ako at isang superbisor sa isang pabrika. Wala akong girlfriend. Makapag-asawa kaya ako nang maayos? Ilan ang magigng anak ko? Ipinanganak ako noong Setyembre 16, 1970.

ADOR NG DAGUPAN CITY

Dear Ador,
WALA kang dapat ipag-alala, ituloy mo lamang ang plano mong mag-apply ng trabaho sa ibang bansa dahil matutuloy ka naman. Malayo kasi ang naabot ng dulo ng iyong Life Line at nakarating ito sa dakong pulso kung saan nagkaroon ito ng maraming sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na maraming bansa ang mararating mo at buwenas ka sa paglalakbay. Makakapag-asawa ka naman nang maayos. Minsan ka lamang iibig at siya na ang iyong makakasama habang buhay. Nagsosolo kasi ang munting guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Magkakaroon kayo ng dalawang anak dahil may dalawang guhit ang pumaitaas sa dakong kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi rin ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak at makakatulong sa panahon ng iyong pagtanda.
---30--

Gusali nasunog

(for TIKTIK, May 11 issue)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko na nasusunog ang aming bahay. Pero ang bahay na ito ay apat na palapag at nasa gitna ng squatter area. Kitang –kita ko ang mapulang mapulang apoy. Umiiyak ako na nagtatakbo bitbit ko ang isang balot ng mga damit ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong waitress sa isang restaurant. Napilitan akong mamasukan nang mawalan ng trabaho ang tatay ko. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1983.
OLIVIA NG SAN PABLO CITY
Dear Olivia,
ANG gusali ay repleksiyon ng iyong pagkatao. May mahusay na reputasyon ang inyong pamilya at ang nasusunog na gusali at nagbabala sa iyo na dapat kang maging maingat sa pakikipagrelasyon sa opposite sex dahil maaari kang mapahamak. Sa kabilang panig, ang mapulang mapulang apoy ay nagsasabi na may isang pambihirang buwenas na mapapasakamay mo. Kailangang makontrol mo ang emosyon at magagamit mong ang pakikipagrelasyon para sa iyong personal na pag-unlad o kapakanan. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na makapag-asawa ka ng isang desente at mayamang lalaki na reresolbang bigla ng iyong mga problema. Katapat ng gusali ay No. 40; No. 27 ang sunog; No.2 ang squatter; No. 33ang damit; No.10 ang pag-iyak; No. 14 ang pagtakbo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng matitinding dagok ng buhay pero malalampasan mo ang mga pagsubok. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.4. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-37-40-42.
-----30—

Tuesday, May 09, 2006

Sucessful execs

Dear Sir Dennis,
NANGAHAS na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakakita pa ako ng mas matatag na trabaho. Balak kong kumuha ng special course sa computer o kaya ay mag-master na lang ako. Matuloy kaya ito? Nabuburyong kasi ako. Wala akong boyfriend at hindi pa nagkakaroon kahit kalian? Makapag-asawa kaya ako nang maayos? Ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Hunyo 18, 1978.

ETHEL NG VALENZUELA CITY

Dear Ethel,
TAMA ang desisyon mong magbalik sa iskul kung nais mong umasenso at hindi maboring sa rutinaryo mong buhay. May dalawang guhit na nag-parallel paitaas sa banding ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng ring finger). Nagsasabi iyan na ikaw ay makakaangat sa larangan na papasukin mo, makilala at magiging successful executive sa hinaharap. Makakapag-asawa ka naman nang maayos. Dalawang beses kang magmamahal, pero makakatuluyan mo ang ikalawang lalaki sa buihay mo. May dalawa kasing guhit ang lumabas sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinliliit). Nagsasabi iyan na dalawa ang magiging dyowa mo bago mag-asawa. Magkakaroon ka ng apat na anak dahil may apat na guhit ang pumaitaas sa banding kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki).----30-

Mabangong bulaklak

(for Tiktik, May 10 issue)

Head: Mabangong bulaklak

Dear Don Honesto,
BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan na ako ay namamasyal sa parke at nasa gitna ako ng mga halaman na may makukulay at mababangong bulaklak. Kasama ko raw ang boyfriend ko. Sa totoo lang, may plano na kami ng dyowa ko na magpakasal next year, matuloy kaya kami? Ipinanganak ako noong Hunyo 16, 1980. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

ESTELLA NG TAGUIG, MM

Dear Estella,
MISTULANG nakalutang ka sa alapaap habang nananaginip ka dahil nasa gitna ka ng hardin. May kakaibang saya na nararamdaman ko dahil sa nalalapit mong pakikipag-isang dibdib. Ang iyong panaginip ay repleksiyon ng kasiyahan. Ang parke ay nagsasabi na ikaw ay kalmante at panatag pero hindi mo pa rin naiiwasang magbalik-tanaw sa mga nagdaan mong buhay. May naghihintay sa iyo na isang masaya at masaganang pamilya sa hinaharap. Katapat ng parke ay No. 14; No. 27 ang hardin; No. 33 ang mga bulaklak; No.7 ang boyfriend; No. 31 ang pamamasyal. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 16 ay likas na mabait at maunawain at karaniwang tinatangay sa magandang agos ng kapalaran. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No. 4. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-8-11-19-23-26-34-40-42.
---30—

Friday, May 05, 2006

Apat ang anak

(for Tiktik, May 08 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko dito ang isang kopya. Nais ko kasing itanong kung may tsansa na masundan pa ang dalawa naming anak. Isa akong vendor sa palengke at hindi nagkakasya ang kinikita naming. Balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Anong negosyo ang bagay sa akin? Ipinanganak ako noong Setyembre 14, 1970.


HERMAN NG APALIT, PAMPANGA

Dear Herman,
WALA kang dapat ipangamba, masusundan pa ng dalawa ang iyong anak. May apat kasing guhit ang pumaitaas sa banding kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa dakong kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak na siyang mag-aahon sa iyo mula sa kahirapan. Kapag nagsilaki na sila—saka ka lamang uunlad. Gayunman, matutuloy ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng sanga sa banding pulso (tingnan ang bilog sa dakong pulso). Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo tulad ng rentals, repair shop at passenger vehicles. May guhit kasi na pumaitaas sa dakong ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng index finger).
---30--

Pasko sa simbahan

(for Tiktik, advance for: May 08 issue)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko ang isang malaking simbahan at punompuno raw ng ilaw na parang Pasko. Nagluluningning ang loob at napakaliwanag. Nagsosolo lang ako sa simbahan at may isang grupo ng mga kabataang nagkakantahan na ubod nang lamig ng mga tinig. Masayang masaya ako. Nanghihinayang ako nang magising ako.Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 18, 1970. May dalawa akong anak. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

VENANCIO NG MALATE, MAYNILA

Dear Venancio,
MALINAW ditto na ipinaaalala sa iyo ang kahalagaha ng takot sa Diyos at manatiling aktibo sa mga aktibidad ng simbahang iyong kinaaniban. Makakatulong ito upang makapagdesisyon ka nang tumpak at maayos. Ang sobrang liwanag ay nagsasabi na ikaw ay mahaharap sa isang pagdedesisyon pero walang duda na masasapol mo ang tamang direksiyon na magpapasimula ng iyong pag-unlad. Ang mga kabataan ay nagsasabi na ikaw ay may malinis na budhi at kalooban. Ang iyong pagiging matapat sa kapwa tao at sa Diyos ay magkakaroon ng malaking kabayaran sa porma ng mga biyaya kung saan magkakaroon ka ng matatag na kabuhayan sa hinaharap. Ang awitin ay nagsasabi na kailangang sistematiko ang iyong mga pagkilos upang mabilis mong makamit ang tagumpay. Katapat ng simbahan ay No. 25; No. 37 ang maraming bata; No. 29 ang awitan; No. 1 ang pag-iisa; No. 36 ang liwanag; Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 18 ay malampasan ang maraming pagsubok at mananaig sa banding huli. Pinakabuwenas mo ang No.9 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-18-23-28-34-40-42.
---30-

Makaka-abroad

(advance for: May 7 issue, Tiktik)

Dear Sir Dennis,
NAIS kong magkaroon ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? Isa lang kasi akong ordinaryong empleado at may apat na anak. Mapagtatapos ko bas a kolehiyo ang aking mga anak? Naguguluhan ako. Inaaya ako ng kapatid ko na magtrabaho sa Middle East, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Oktubre 5, 1960.

GREGGY NG PANDACAN, MAYNILA

Dear Greggy,
KALMANTE ka lang, magagawa mo namang makapagpundar ng sarili mong bahay at lupa. Malinaw naman kasi ang guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa pag-ahente ng real estate at agribusiness. Makakakobra ka ng malaking komisyon kapag nag-alok ka ng mga ibinebentang ari-arian ng iyong mga kakilala sa taong ito. Pero, matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa kasi’y mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng sanga na umabot sa bandang pulso (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong apat na anak kasi’y pare-parehong matitikas at mahahaba ang apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
----30—

nasunog ng araw

(advance for: MAY 7 issue, TIKTIK)

01. NUMERO AT PANAGINIP

head:Nasunog sa araw

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko ang aking ina na nagagalit daw sa akin dahil hindi ko dinala an gaming paying. Naglalakad daw kaming dalawa sa gitna ng isang mahabang kongretong kalsada kung saan napakainit ng sikat ng araw. Silaw na silaw ako sa sinag ng araw habang kinagagalitan ako ng nanay ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Self supporting student ako at namamasukan sa isang fast food. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 7,. 1985.

ELIZA NG TAGUIG, MM

Dear Eliza,
IPINAKIKITA sa panaginip na ikaw ay may pambihirang talento, karunungan at ideya na dapat mong magamit. Walang duda na makakatapos ka ng pag-aaral at makakaangat ka sa pinakamataas na antas ng pagtatagumpay. Manatiling mapagpakumbaba at maunawain sa kapwa tao. Maraming tao ang magkukusa na tulungan ka. Ang kalsada ay nagsasabi na nasa tama kang landas at may malinaw na direksiyon sa buhay. Ang nanay mo ay sumisimbolo sa iyong ganap na maturity at responsible sa iyong sarili.. Katapat ng kalsada ay No.11; No. 37 ang nanay; No. 14 ang paglalakad; No.33 ang sinag; No. 26 ang init; No. 40 ang kongreto. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 7 ay may matalas na imahinasyon at matalino. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.3. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-18-23-25-34-38-40-42.
---30---

Thursday, May 04, 2006

Buwenas sa abroad

01. PALMISTRY (for Tiktik, May 05 issue)


Dear Sir Dennis,
LAGI akong nagbabasa ng kolum mo dahil marami akong natutuhan. Naglakip ako ng Xerox copy ng guhit ng aking palad. Gusto ko kasing malaman kung may tsansa pa akong makapag-abroad. Lagi kasing napupurnada ang pag-alis ko. May dalawa akong anak, sino sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral? Isa lamang akong ordinaryong empleado at pangarap kong magkanegosyo, ano ang magkiklik sa akin sakaling makaipon ako. Ipinanganak ako noong Marso 19, 1974.

RODEL NG CAVITE

Dear Rodel,
HINDI dapat masira ang iyong loob. Ituloy mo lamang ang pag-apply at pag-aayos ng mga dokumento dahil walang duda na matutuloy ka sa paglalakbay sa malayong lugar. Bubuwenasin ka sa paga-abroad at doon magpapasimula ang pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga na umabot sa dakong pulso (tingnan ang bilog sa dakong pulso). Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong dalawang anak kasi’y matitikas at malilinaw ang dalawang guhit na pumaitaas sa banding kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa dakong kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatulong ang iyong mga anak sa panahon ng iyong pagtanda. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa agriculture. May dalawang guhit kasi na nag-parallel paitaas sa dakong ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng middle finger).
-----30--

Mama Mary sa dreams

(Tiktik, for May 06 issue)
Dear Don Honesto,
BIGYAN mo ng kahulugan ang aking panaginip. Nakita kop o sa panaginip ko si Mama Mary na umiiyak. Binigyan kop o siya ng panyo at napaluha na rin ako. Pero, nagtataka ako kasi’y masaya ang pakiramdam ko habang ako ay nananaginip ako. Kahit nang magising na ako ay may kakaibang saya ako na naramdaman. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 21, 1978. Dalaga pa po ako at hindi pa kailanman nagkaka-boyfriend. Bigyan mo sana ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

MARTHA NG LOS BANOS, LAGUNA

Dear Martha,
NAPAKASUWERTE mo dahil kinasisiyahan ka ng Panginoon. Malinaw ditto na ikaw ay may mabuting kalooban at nagpapatunay na wala ka pang karanasang sexual at hindi nakagagawa ng anumang kasalanang mortal. May mababa kang kalooban na dapat mong ipagpatuloy. Maari rin itong ma-interpret na isang “call” na maglingkod sa Panginoon o maging aktibo sa mga aktibidad sa simbahan. Ang malinaw ditto, wala kang gaanong problema at panatag ang iyong kalooban sa kabila na wala kang kapartner sa buhay. Masarap kang magmahal at isa kang martir. Masuwerte ang iyong mapapangasawa. Katapat ni Mama Mary ay No. 8; No. 40 ang pag-iyak; No. 4 ang panyo; No. 19 ang pagpahid; No. 25 ang masaya. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 21 ay may kakayahan isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng kapwa. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-28-34-37-40-42.
----30—