Wednesday, December 20, 2006

Computers okey

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung magkiklik ang itinayo kong computer rentals. May limang units at may isang pinaaarkila kong video-karaoke machine. Nag-resign na ako sa tranbaho at dito ko ginamit ang nakuha kong benepisyo. Ipinanganak ako noong Hunyo 7, 1970. Matagal ko na ring pinapangarap na mag-abroad, matuloy kaya ako? May dalawa akong anak. Sino sa kanila ang magtatagumpay?

ROMING NG TAGUIG, MM

Dear Roming,
MAGKLIK naman ang iyong munting negosyo. Magkakaroon ka pa ng sangay o branch sa ibang lugar. May dalawang guhit kasi na nag-parallel paitaas sa dakong ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng kalingkingan). Karaniwang nakikita ito sa matatagumpay na negosyante lalo pa't pumasok ka sa modernong teknolohiya. Magkiklik din kung hahaluan ng mga produktong cellphones. Magagawa mo ring makapag-abroad dahil malayo rin ang naabot ng dulo ng Life Line na dumikit sa dakong pulso (tingnan ang bilog sa dakong pulso0. Nagsasabi ito na buwenas ka sa pagbibiyahe. Makakatapos ng pag-aaral ang iyong panganay na anak pero hindi ang bunso kasi'y mag-aasawa nang maaga ito. Mas mahaba kasi ang unang guhit sa dalawang linya pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa dakong kalamnan ng hinlalaki).
(Tiktik newspaper, 22dec06)
----30--

Sunshine sa dreams

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko na naglalakad kami ng misis ko at nag-iisa kong anak sa gitna ng isang kalye na ubod-nang-liwanag ng araw. Nag-iingat daw kami kasi sa sobrang init. May dalawa kaming payong at nagsasalisihan kami sa pagkukubli sa aming anak . Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 5, 1970. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Isa akong ordinaryong obrero sa isang pribadong opisina. Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

RICHARD NG IMUS, CAVITE

Dear Richard,
ANG misis mo ay sumisimbolo ng conflicts o magkasalungat na diskarte. Pero, nagkaroon ng sikat ng araw kaya't walang duda na mareresolba ang problema. Nagpapahiwatig ito ng pagkakatuklas o pagkakamulat . Nagsasabi na may pambihira kang energy na wala sa ibang tao. Ipagpatuloy mo lamang ang iyong mga balakin at walang duda na magtatagumpay ka. Ang iyong anak ay sumisimbolo ng isang bagong aktibidad kung saan magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Ang payong ay nagsasabi na madali kang maabsuwelto sa problema at magtatagumpay dahil may angkin kang talino at praktikal ka sa mga desisyon. Katapat ng misis ay No. 36; No. 33 ang payong; No.10 ang anak; No. 40 ang sikat ng araw; No. 11 ang kalye. Tipikal sa tulad mo isinilang sa petsang 5 ay maging matagumpay na negosyante kaya't magsimula ka na ng maliit na negosyo. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-28-34-36-40-42.
( Tiktik newspaper, 22dec06)
----30--

Tuesday, December 19, 2006

Guhit ng palad ng election winner

(Tiktik newspaper, 21dec06)

Dear Sir Dennis,
NAGLAKIP na rin ako ng xerox copy ng guhit ng palad. Nais kong itanong kung mananalo kaya ako kapag kumandidato ako sa susunod na eleksiyon? Isa akong titser sa hayskul sa pribadong eskuwelahan. Ibinubuyo ako ng mga kumpare ko na kumandidato. Ipinanganak ako noong Mayo 7,1967. May dalawa akong anak at maliit na negosyo ang misis ko. Makatapos kaya ng pag-aaral ang aking mga anak?

FERNANDO NG BALANGA, BATAAN

Dear Fernando,
ITULOY mo lamang ang pakikisama sa kapwa. Dalasan mo ang pamamasyal sa inyong bayan at regular na gumawa ng iskedyul ng aktibidad. Walang duda na mananalo ka kapag kumandidato ka. May dalawang guhit na kasi na nag-parallel paitaas tungo sa dakong ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng hintuturo). Karaniwang nakikita ito sa mga lider at opisyal ng gobyerno. Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong dalawang anak kasi'y parehon malinaw ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakatulong ang iyong dalawang anak sa panahon ng iyong pagtanda. Mapapalaki mo rin ang inyong negosyo at magiging dalubhasa ka rin sa pagtuturo.
----30--

Nanganak sa dreams

(Tiktik newspaper, 21dec06)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nanganganak. Isang malusog na sanggol na lalaki daw ang isinilang ko. Inaayos daw ito ng nanay ko at mga kapatid ko. Walang pagsiglan ang kaligayahan ko. Inaalok na ako ng kasal ng boyfriend ko, next year ang balak namin. Bigyan mo sana ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hulyo 17, 1978.

ELIZABETH NG ANTIPOLO CITY

Dear Elizabeth,
ANG panganganak ay nagsasabi na ikaw ay nahaharap sa isang malaking pagbabago ng takbo ng buhay. Isang agarang pagbabago. Ang sanggol ay sumisimbolo sa mga bagong pangarap at pagsisimula ng isang bagong yugto ng buhay. Kung malusog ang sanggol, sobra-sobra ang tiwala mo sa sarili mo at walang duda na matutupad ang iyong mga pangarap. Ang iyong ina ay nagsasabi na ikaw ay isang responsible at maaasahan. Malinaw na naapektuhan din ang iyong panaginip sa plano mong paglagay sa tahimik. Ang iyong mga kapatid ay nagpapahiwatig na maraming tao ang kusang tutulong sa iyo. Katapat ng panganganak ay No. 10; No. 21 ang sanggol; No. 37 ang nanay; No. 24 ang kapatid; No. 25 ang masaya. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng maraming pagsubok pero malalampasan mo ito at magagamit na hagdanan sa pagtatagumpay ang mga mapupulot na aral mula sa mapapait na karanasan. Pinakabuwenas mo ang No. 8 at No. 4. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-6-11-18-23-27-34-36-40-42.
----30--

Monday, December 18, 2006

Huling biyahe (Tiktik, palmistry--20dec06)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung makakapag-asawa pa ako. Panganay ako sa limang magkakapatid. Ulila na kami sa ama at ina. Ako ang nagpapaaral sa mga kapatid ko. Ipinanganak ako noong Marso 17, 1970. Isa akong superbisor sa isang malaking warehouse. Kung mag-aasawa ako, ilan ang magiging anak ko? Makakapagpundar ba ako ng sariling bahay at lupa?

ARDY NG DASMARINAS, CAVITE

Dear Ardy,
KALMANTE ka lamang. Pero kailangang magparami ka ng kaibigan at umiwas na magmukmok sa loob ng bahay. Dumalo ka sa mga sosyalan at mga okasyon kung saan magkakaroon ka ng mga bagong kakilala. Sa isang party mo makikilala ang iyong mapapangasawa. Minsan ka lamang iibig at siya na ang iyong makakasama sa buhay. Nagsosolo kasi ang munting guhit na lumitaw sa dakong itaas ng tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng hinliliit). Magkakaroon kayo ng tatlong anak dahil may tatlong malilinaw na guhit na pumaitaas sa dakong kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak at makakatulong sila sa iyong pagtanda. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa kasi'y may guhit na pumaitaas sa dakong ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng middle finger).-----30--

Sayaw sa entablado (Tiktik, dreams--20dec06)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko po na kasama ko ang yumao kong ama sa panonood sa isang programa sa ibabaw ng entablado. Nagsasayaw daw doon ang aking anak at nagpapalakpakan ang mga tao. Tuwang tuwa ang tatay ko. Pero biglang nahulog sa entablado ang anak koi at nagkagulo. Tapos ay bigla na lamang akong nagising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 6, 1960. Nagsosolo lang ang anak ko. Bigyan mo rin ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

RANDY NG TANAY, RIZAL

Dear Randy,
MATURITY at pagiging responsible ang ipinahihiwatig ng iyong ama. Ibig sabihin, mayroon kang strong character. Ang entablado ay nagsasabi na masyado kang conscious o masyadong excited sa iyong mga ikinikilos at ginagawa na karaniwang dahilan kung bakit pumapalpak ang iyong mga balakin. Ang iyong anak ay sumisimbolo sa iyong mga bagong proyekto na maaaring magklik kung magiging maingat sa pagdedesisyon. Ang pagsasayaw ay nagsasabi na kailangan mong maging sistematiko sa pagkilos at gumawa muna ng malinaw na plano bago ipatupad ang mga proyekto upang makatiyak sa tagumpay. Kung nahulog sa entablado, may lihim kang takot na mabigo! Katapat ng ama ay No. 37; No. 3 ang anak; No. 44 ang entablado; No. 26 ang pagsasayaw; No. 17 ang pagkahulog; No. 33 ang palakpakan; No. 35 ang gulo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 3. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-6-11-18-23-26-34-37-40-42.
---30---

Australian ang matitikman, palmistry

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung matutuloy ako sa pag-aabroad. Ipinepetisyon kasi ako ng ate ko sa Australia. Ihahanap daw niya ako ng mapapangasawa doon. Matuloy kaya ako? Nabuburyong narin ako dito sa atin eh. Mahirap lang ang buhay namin dito at tangin ang paga-abroad ang solusyon sa pagdarahop. Dalaga pa ako at ipinanganak noong Mayo 6, 1983. Ilan ba ang aking magiging anak? Buwenas ba ako sa pag-aasawa? Makakapagpundar ba ako ng sariling bahay at lupa?

GEMMA NG CEBU CITY

Dear Gemma,
OKEY naman. Matutuloy ka sa pagdayo sa Australia. Tama ka, makakapag-asawa ka ng isang foreigner. Malayo kasi ang naabot ng dulo ng iyong Life Line na nakadikit sa dakong pulso (tingnan ang bilog sa dakong pulso). Nagsasabi ito na maninirahan ka nang matagal sa malayong lugar. Maraming bansa ang mararating mo .Buwenas ka sa paglalakbay. Magkakaroon ka ng apat na anak kasi'y may apat na guhit na pumaitaas sa dakong kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa dakong kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na mapagtatapos mo ng pag-aaral ang iyong mga anak na pare-parehong makakatulong sa panahon ng iyong pagtanda. Makakapagpundar ka naman ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa dakong ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng middle finger).
----30--

dreams: paslit sa tulay

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay bumabagtas sa isang tulay. Nasa kabila ng tulay ang dalawang paslit. Nang makatating ako sa kabilang pampang ay tuwang tuwa ako na kinarga nang magsabay ang dalawang paslit. Masayang masaya ako nang oras na nananaginip ako. Ipinanganak ako noong Nobyembre 5, 1982. Dalawang taon na akong kasal pero wala pa ring anak. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Isa akong clerk sa pribadong opisina. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LORETA NG CAPAZ, TARLAC

Dear Loreta,
ANG tulay ay nagsasabi na nasa gitna ka ng proseso ng pag-analisa sa iyong buhay. Sinisikap mong alamin kung saan ka nagkamali sa nagdaang panahon at kung paano mo ito maitatama para sa hinaharap. Ang paslit ay nagpapahiwatig na ikaw ay nananatiling childish o batang-isip-- pabago bago ng desisyon, atubili at nalalayo sa praktikalidad na siyang dahilan ng iyong mga kabiguan. Ang tubig o ilog ay nagsasabi na mayroon kang strong sexual drives kaya't dapat mong makontrol ang pakikipagrelasyon sa opposite sex. Malinaw na magkakaroon ka naman ng anak. Masyado kang excited sa pagkakaroon ng baby kaya't napapanaginipan mo ito.Ang kasal ay nangangahulugan ng achievement o completion. Katuparan ito ng iyong mga pangarap. Katapat ng tulay ay No.11; No. 22 ang paslit; No. 36 ang pagkarga; No. 10 ang ilog; No. 25 ang masaya. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 5 ay maging mahusay na negosyante at buwenas sa biyahe. Pinakabuwenas mo ang No. 5 at No.3. Sa jai alai, isama mo ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-7-11-18-25-34-37-40-42.

Monday, June 05, 2006

Di na "makakatikim"

(for TIKTIK, June 07 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung makapag-aasawa pa ako. Biyuda na ako at may dalawang anak. Nahihirapan ako sa pagpapalaki ng aking mga anak. Ipinanganak ako noong Hunyo 18, 1975. Isa lamang akong salesclerk at tinutulungan ako ng mga magulang sa pagpapalaki ng aking mga anak. Makakapagpundar ba ako ng sarili kong bahay at lupa? Mapagtatapos ko ba ang aking mga anak?

ADORACION NG CAVITE CITY

Dear Adoracion,
NAKALUNGKOT man sabihin, hindi ka na makakapag-asawa pa. Nagsosolo lang kasi ang guhit na sumulpot sa bandang itaas ng tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na minsan ka lamang iibig kaya't kung nabiyuda ka--wala nang iba pang lalaking makakasama ka sa habang buhay maliban sa iyong mga anak. Makakatapos naman ng pag-aaral at magtatagumpay ang iyong mga anak. Kasi'y kapwa matikas at mahaba ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas sa real estate at agribusiness.
---30-

Naglakad sa apoy

(for TIKTIK, June 07 issue)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay may hawak na isang malaking bola. Ang bola ay may tinik pero hindi naman ako nasasaktan. Inihahagis ko raw ito paitaas at muling sinasalo. Hindi ako natutusok ng mga tinik. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Minsan naman ay napanaginipan ko na naglalakad ako sa isang kalsada na nagliliyab at hindi rin ako napapaso ng apoy. Bigyan mo sana ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 7, 1980. Bagong pasok lang ako sa trabaho.
NARCISO NG NOVALICHES, QC
Dear Narciso,
ANG bola ay nagpapaaalala sa iyo na hindi ka dapat mawalan ng pag-asa kasi'y papalit-palit lamang ang sitwasyon at lahat ay nagbabago. Ang tinik ay nagpapahiwatig na ikaw ay nahihirapan sa kasalukuyan kung saan napakarami mong mga tanong na hindi nasasagot. Kung hindi na nasasaktan sa tinik, malinaw dito na ikaw ay may malawak na pang-unawa na dapat mong panatilihin upang magkaroon ka ng maraming kaibigan at malayo sa kontrobersiya. Ang apoy ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives at ingatan mo ang pakikipagrelasyon sa opposite sex dahil maaari kang mapahamak. Ang kalsada ay repleksiyon ng iyong aktuwal na buhay. Magsisimula lamang ang iyong pag-unlad sa panahon ng pagpapamilya. Ang apoy ay nagbabadya rin ng pambihirang buwenas na mapapasakamay mo. Katapat ng tinik ay No. 33; No. 10 ang bola; No. 14 ang paglalaro; No.11 ang kalsada; No. 36 ang apoy; No.41 ang paglalakad. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 7 ay magkaroon ng matalas na imahinasyon na dapat mo magamit sa paghahanap buhay. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-38-40-42.
----30--

Sunday, June 04, 2006

Palad ng OFW

(for TIKTIK, June 06 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-SEROX na rin ako ng guhit ng palad. Isa akong security guard at naboboring na ako. Plano ko na mag—abroad, matuloy kaya ako? May dalawa akong anak, masusundan pa kaya ito? Makakapagpundar ba ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Hulyo 7, 1972.

JEFFREY NG PASIG CITY

Dear Jeffrey,
TAMA ang iyong balak na mag-abroad. Aba, dapat ay kumuha ka na ng pasaporte at ikondisyon ang isip sa paga-apply sa ibang bansa. Hindi ka dapat pinanghihinaan ng loob. Matutuloy ka. Malayo ang naabot kasi ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga sa dakong pulso (tingnan ang bilog sa dakong pulso). Nagsasabi ito na maraming bansa ang mararating mo dahil karaniwang nakikita ang naturang guhit sa palad ng mga OFWs. Masusundan pa ng tatlo ang iyong dalawang anak kasi’y may limang guhit ang pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi rin ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng middle finger). Buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa lupa.
---30--

Gusali sa bukid

(for: TIKTIK, June 06 issue)

Dear Don Honesto,
PALAGI po akong nagbabasa ng kolum mo. May napaaginipan po akong isang mataas na gusali na nakatayo daw sa gitna ng bukid. May 5-palapag ang gusali at nagtataka ako kung bakit naitayo at kung paano nagkaroon ng gayong building sa gitna ng parang. Magarang magara ang gusali at tinangka kong pumasok pero hindi ako pinapasok ng mga bantay hanggang sa magising na ako. Self supporting student ako at malapit akong mag-graduate. Ipinanganak ako noong Hunyo 18, 1980. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.



ALBERT NG PASAY CITY

Dear Albert,
ANG gusali ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Walang duda na makakatapos ka ng kurso sa kolehiyo at magiging ganap na professional at ehektibo. Mamumukod tangi ka sa inyong pamilya at titingalain ka ng mga tao na nakakakilala sa iyo. Ang bukirin ay nagsasabi na magkakaroon ka ng masaganang pamumuhay ay magiging maunlad at masaya ang pamilya mong mabubuo. Ang guwardiya ay nagsasabi na maraming tao ang lihim na humahanga sa iyo at marami rin ang sumasandal. Katapat ng gusali ay No.40; No. 14 ang mataas; No. 29 ang bukid; No. 27 ang guwardiya; No.1`0 ang sentro. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 18 ay may malaking tiwala sa sarili. Pinakabuwenas mo ang No.9 at No.4. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-26-34-37-40-42.
----30—

Friday, June 02, 2006

Mag-aasawa muli

(for TIKTIK, June 03 issue)


Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Nais kong itanong kung may tsansa pa akong makapagpatayo ng sariling bahay at lupa. Nakatira lang kami sa squatter area. May apat akong anak na nag-aaral. Isa akong taxi driver. Biyudo na ako. Makakapag-asawa pa kaya ako? Ipinanganak ako noong Setyembre 6, 1970.

ARSENIO NG SAMPALOC, MAYNILA

Dear Arsenio,
ITULOY mo lamang ang iyong mga pagsisikap at walang duda na makakapagpundar ka ng sarili mong bahay at lupa. May guhit kasi na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na ikaw ay buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa lupa at real estate. Maari ka ring pumasok sa agribusiness at ditto ka bubuwenasin nang husto. Makakapag-asawa ka muli. May dalawang guhit ang lumitaw sa bandaang itaas ng tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na dalawang beses kang magmamahal. Masusundan pa ng dalawa ang iyong anak kasi’y may anim na guhit ang pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay ang iyong mga anak.
----30-

Malaking ibon

(for TIKTIK, June 03 issue)

HEAD:Malaking ibon

Dear Don Honesto,
MADALAS kong mapanaginipan ang isang malaking ibon na lumilipad nang mababa sa paligid nang aming bahay. May iba’t ibang kulay ang balahibo ng ibon at tuwang tuwa ako. Pero biglang umulan at dumapo ang ibon sa tapat n gaming hagdanan. Tinangka kong siyang hulihin at nadampot ko ang kanyang mga paa. Pero nagpumiglas siya at tinangay niya ako sa itaas ng ere. Nagsisigaw ako sa takot hanggang sa magising. Bigyan mo sana ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 3, 1970. Isa akong office clerk.


SAMMY NG TAGAYTAY CITY

Dear Sammy,
ANG ibon ay nagsasabi na ikaw ay nasasabik na maging Malaya. Gusto mong makapagdesisyon ka nang walang nakikialam. Marami kang plano sa buhay na hindi mo magawa. Ang bahay ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Nagsasabi ito na masyado kang conscious sa iyong personalidad at nais mong disiplinahin ang iyong sarili pero nahihirapan kang gawin ito. Ang ulan ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives. Malinaw ditto na ikaw ay nasasabik na magkaroon ng kapartner sa buhay pero hindi mo alam ang gagawin kasi’y kapos ang iyong kinikita sa bawat araw. Kung tinangay ka sa ere,nagpapayo ang panaginip na isarado mo ang iyong mga desisyon at magtangka kang gawin ang iyong mga plano kahit pa mistulang imposible itong maipatupad. Ang mahalaga ay magtangka upang mabago ang takbo ng iyong buhay. Katapat ng ibon ay No.30; No.33 ang paglipad; No. 22 ang paa; No. 11 ang ulan; No. 40 ang bahay; No. 27 ang makulay; No. 41 ang balahibo; No. 34 ang hagdanan. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging ambisyoso at masarap magmahal. Pinakabuwenas mo ang No.3 at No. 7. Sa jai alai, isama mo ang No.9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-26-33-37-40-42.
-----30-

Thursday, June 01, 2006

Di mag-aasawa, 2 ampon

(for TIKTIK, June 02)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung may tsansa pa akong makapag-asawa. Tatlong beses na akong nabigo at natatakot na akong umibig. Magkakakaanak pa ba ako? Makakapagpundar ba ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Nobyembre 19, 1970.
EVELYN NG TANAUAN, BATANGAS
Dear Evelyn,
TAMA ang kutob mo, hindi ka nga makapag-aasawa. Malinis na malinis ang bandang itaas ng tagiliran ng iyong palad malapit sa ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na hindi ka na makakaramdam ng pagmamahal at ang iyong emosyon na naramdaman sa nagdaang kabiguan ay pawang palsipikado lamang kundi simpleng naghahanap ka lamang ng makakasama sa habang buhay. Gayunman, magkakaroon ka ng dalawang ampon na ituturing mong tunay na anak. May dalawa kasing guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na magkakaroon ka ng kasama sa iyong tahanan at sa pagtanda. Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
------30--

baraha

(for TIKTIK, June 02)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko po ako ay naglalaro ng baraha kasama ang mga kapatid ko. Lucky nine ang laro namin. At lagi akong nanalo. May taya kami na mga barya na para bang may patay na pinaglalamayan. Bakit kaya lagi akong nananaginip ng baraha at nagsusugal. At lagi rin ako ang nanalo. Nawalan po ako ng trabaho ng magsara ang aming pabrika. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hulyo 18, 1973.

DIONISIO NG MARIVELES, BATAAN

Dear Dionisio,
ANG baraha ay repleksiyon ng iyong buhay.Malinaw dito na ikaw ay nasa gitna ng proseso ng pagsusuri ng iyong buhay. Binabalik-balikan mo ang mga nagdaan at sinisikap mong pag-aralan ang mga hakbang na nais mong ipatupad. Ang lucky nine ay nagsasabi na marami kang lihim na kaaway at nararamdaman mong mistulang magdaraan ka sa butas ng karayom bago ka makaunlad. Kung madalas kang makapanaginip ng baraha, nagsasabi na makakaranas ng malalaking pagbabago sa takbo ng buhay sa taong ito, 2006 at makakatikim ka ng pag-unlad bago matapos ang taong 2007. Katapat ng baraha ay No. 41; No. 9 ang lucky nine; No.5 ang mga kapatid; No. 29 ang lamay. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 9 ay makakangat sa buhay pero magdaraan sa maraming pagsubok. Pinakabuwenas mo ang No.9 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod; 3-7-11-19-23-27-34-36-40-42.
---30-

Tuesday, May 30, 2006

Ehekutibo sa palad

(for TIKTIK , June 01 issue)

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung makakatapos ako ng pag-aaral. Matagal akong natigil at ngayon ay nag-enroll ako muli. Isa kasi akong worker sa isang fastfoods chain at nag-iipon muna ako bago maka-enroll. Ipinanganak ako noong Hulyo 18, binata pa ako at hindi ako nakikipag-relasyon sa opposite kasi'y natatakot akong madiskaril ang aking mga pangarap.Makakapag-asawa ba ako nang maayos? Ilan ang aking magiging anak?

RAMONITO NG LIPA CITY

Dear Ramonito,
WALA kang dapat ipag-alala, makakatapos ka naman ng pag-aaral. May dalawang guhit na nag-parallel paitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na ikaw ay makakatapos ng dalawang kurso at magiging matagumpay a ehekutibo sa hinaharap. Ituloy mo lamang ang iyong mga pagtitiyaga at pagsisikap. Ang buhay ng tao ay tulad ng isang puno na nagsimula lamang sa isang butil pero unti-unting yumayabong hanggang malampasan niya ang malalaking gusali sa paligid. Minsan ka lamang iibig at kung sino ang iyong maging girlfriend ay siya nang iyong makakatuluyan. Nagsosolo kasi ang munting guhit sa tagiliran ng palad sa bandang hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Magkakaroon kayo ng apat na anak dahil may apat na guhit ang pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Makakatapos sila ng pag-aaral at magtatagumpay.
---30--

Tulay sa dreams

( for TIKTIK, June 01 issue)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naglalakad sa isang tulay na nakabitin. Makitid lang ang tulay at uugoy-ugoy ito habang naglalakad ako. Yari sa kahoy at kawayan na may malalaking lubid sa paligid. Bakit kaya madalas na napapanaginipan kong dumaraan ako sa mga tulay? Ipinanganak ako noong Agosto 17, 1980. Bagong pasok ako sa trabaho. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
PETER NG AGOO, LA UNION
Dear Peter,
ANG tulay ay nagpapahiwatig na ikaw ay nasa gitna ng proseso ng mahigpit na pagresolba ng isang mabigat na problema. Nag-iisip ka ng solusyon kung paano makakatakas sa isang napakaselang problema.Kung yari sa kahoy at kawayan, nagsasabi ito na hindi ka pa rin nakatitiyak na masosolusyunan mo ang problema na lalong nagpapagulo sa yong isip. Naglalaro kasi sa isip mo na ang taong ito ay “crucial” o may mahalagang papel na gagampanan na maaaring magpabago sa takbo ng iyong buhay tungo sa hinaharap. Gayunman, nananatili kang matibay sa gitna ng mga problema. Nagsasabi rin ang tulay na ikaw ay mabibiyayaan ng promosyon sa yong trabaho bago matapos ang taong ito kung magagawa mong manatili pa rin hanggang sa isang taon. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng matitinding pagsubok pero mareresolba mo rin makaraang ang mahabang proseso. Katapat ng tulay ay No.11; No. 6 ang kawayan; o. 19 ang kahoy; No. 18 ang lubid; No. 14 ang paglakad;No. 30 ang nakabitin. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.2. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-27-34-40-42.
---30--

Monday, May 29, 2006

Buong pamilya sa abroad

(for TIKTIK, May 31 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGLAKAS-LOOB na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Excited kasi ako na malaman kung masusundan pa ang dalawa naming anak. Pabalik-balik sa abroad ang mister ko pero wala pa rin kaming sariling bahay. Maliit lang kasi ang kita niya na isang simpleng obrero lamang. Makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Inaaya niya ako na mag-abroad din dahil payag ang kanyang employer kasama rin ang aming anak, matuloy kaya kami? Ipinanganak ako noong Hunyo 18, 1974,
DELFINA NG TARLAC CITY
Dear Delfina,
DAPAT ay magpa-Canton ka, masusundan pa kasi ng dalawa ang iyong mga anak kasi'y may apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na magkakaroon ka ng apat na anak na pawang makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay. Magagawa mo rin makapag-abroad kasama ng buong pamilya. Kasi'y malawak at malayo ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng maraming sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na makakasama mo sa ibang bansa ang mister mo at lahat kayo ay doon maninirahan nang matagal na panahon. Pagbabalik ninyo, makakapagpundar ka ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
----30--
(for TIKTIK, May 31 issue)

Dear Don Honesto,
BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan na ang aking limang daliri ay may tig-iisang singsing. Ang bawat singsing ay may kanya-kanyang magagardong hiyas na nagkikislapan. Ipinagyayabang ko raw ito sa bawat tao na pumasok sa loob ng aming bahay. Isa akong superbisor sa isang kompanya ay may limang anak na nag-aaral. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Agosto 17, 1950. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LUCILA NG BACOOR, CAVITE

Dear Lucila,
MALINAW na ang limang singsing sa iyong daliri ay sumisimbolo sa iyong limang anak. Walang duda na ikararangal mo at pawang magtatagumpay ang lahat ng iyong limang anak. Siya mismo ang iyong kayamanan at sa panahon ng kanilang paglaki at pagiging propesyunal—magsisimula ang yong kaginhawahan at katuparan ng mga pangarap. Nagsasabi rin ito na magtatagumpay ang isang negosyo na matagal mo nang nais itayo kaya't hindi ka na dapat magdalawang isip pa. Ang bahay ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Kung yari sa kahoy at simple lang, ordinaryo lang ang iyong buhay perpo kung magarbo, walang duda na nabibilang ka sa mga may sinasabing angkan sa inyong lugar. Katapat ng kamay ay No.5; No. 27 ang hiyas; No. 10 ang singsing; No. 39 ang kapitbahay; No.40 ang bahay; No.33 ang kislap. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng matitinding pagsubok sa panahon ng pagtanda ay doon lamang natutupad ang mga hilaw na pangarap. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.3. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42.
---30-

Sunday, May 28, 2006

Dami oportunidad

(for TIKTIK, May 30 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-SEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakatagpo ako ng matatag na trabaho. Palagi na lang akong nag-iintriga sa pinapasukan ko kayat napupuwersa akong mag-resign. Balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Binata pa ako? Makapag-asawa kaya ako nang maayos? Ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Nobyembre 11, 1975.

DONATO NG STA ROSA, LAGUNA
Dear Donato,
LIKAS kang masipag, matiyaga, masinop at may diskarte. Walang duda na makakatagpo ka ng matatag na trabaho at makakaangat sa buhay. Maraming magagandang oportunidad ang darating sa iyo at marami dito ay mapapakinabangan mo. May mga guhit kasi na sumulpot paitaas mula sa kalagitnaan ng Life Line (tingnan ang bilog sa bandang gitna ng palad). Nagsasabi ito na kailangang kang magpapawis bago makaangat sa buhay. Matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Kasi'ymalayo ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Karaniwang nakikita ang guhit na ito sa matatagumpay na OFWs. Tatlong beses kang iibig at ang ikatlong babae ang makakatuluyan mo. May tatlo kasing guhit ang sumulpot sa bandang itaas na tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinlilit). Nagsasabi ito na magkakaroon ka ng tatlong karelasyon at ang huli ang mapapangasawa mo. Magkakaroon kayo ng tatlong anak kasi'y may tatlong guhit ang pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
--30--

Yumaong ama

(for TIKTIK, May 30 issue)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko po ang yumao kong ama na nagtayo ng isang munting barong-barong sa tabi ng riles. Pero kami po ay may sariling bahay sa loob ng baryo. Nagdaan daw ako sa ginagawa niyang barong-barong at itinanong ko ang paraan kung paano ang magpunla ng palay. Sa gitna kami ng bukid at nakita ko rin ang mga palay na magkakahaong berde at dilaw na mistulang maysakit at payat-na-payat. Sabi ng tatay ko ay may peste daw ang mga palay. May mga naggigiik o naggagapas ng mga palay. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Tuwing may problema akong mabibigat ay laging nagpapakita sa loob ng panaginip ko ang aking ama. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1970. May asawa na ako at isang anak.

FREDDIE NG CAVITE CITY
Dear Freddie,
NAPAKASUWERTE mo naman. Kahit patay na ang iyong ama ay malinaw na may regular na komunikasyon pa rin kayo. Bibihira ang ganyang nabibigyan ng biyayang makaniig pa ang isang patay. Sa kaso mo ay aktuwal na natutulungan ka ng iyong yumaong ama kahit wala na siya sa mundo. Gayunman, maturity ang ipinahihiwatig ng iyong panaginip. Ibig sabihin, super-matured at may napakalawak na pang-unawa at pasensiya sa kapwa. Walang duda na magtatagumpay ka at makakatagpo ng kapayapaan ng puso, hahaba ang buhay at magkakaroon ng isang masayang pamilya. Ang bukid ay nagpapahiwatig ng kasaganaan pero kung may peste, nagbabadya rin ito ng problema na dapat mong maaksiyunan nang maayos. Nagbabala ito na may malaking pagsubok at paghamon na darating sa iyong buhay na sa bandang huli ay ikaw rin ang mananaig. Katapat ng ama ay No. 37; No. 29 ang bukid; No. 16 ang palay; No.24 ang barong barong; No. 11 ang riles; No. 10 ang punla. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng mabibigat na problema pero malalampasan mo ang lahat nang ito. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 1-11-19-23-34-37-40-42.
---30-

Saturday, May 27, 2006

Abroad sa palad

(for TIKTIK, May 29 issue)

Dear Sir Dennis,
LAGI rin akong nagbabasa ng kolum mo at nagpa-xerox na rin ako ng guhit ng palad. May pag-asa pa ba akong makapag-abroad. Naubos na ang naiipon ko at no choice na ako kundi ang mag-balik sa ibang bansa. Matuloy kaya ako? Makakapag-asawa pa kaya ako? Lagi akong bigo sa pag-ibig. Makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Disyembre 13, 1979.

DULCE NG ANTIPOLO CITY

Dear Dulce,
WALA kang dapat ipag-alala, walang duda na makakabalik ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Malayo kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng mga sanga na umabot sa dakong pulso (tingnan ang bilog sa dakong pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay maraming bansa na mararating at iyan mismo ang magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Marami kang magiging karelasyon at ang ikaapat na dyowa mo ang iyong makakasama habang buhay. May apat kasing guhit ang lumitaw sa banding itaas ng tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na ikaw ay biglang magkakaroon ng oportunidad na makapag-asawa ng isang binatang maykaya sa buhay. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa dakong ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng middle finger).
---30---

Ulan sa dreams

(for TIKTIK, May 29 issue)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Madalas kong mapanaginipan ang mga sumusunod: aso na hinahabol ako; malakas na ulan; tinataga ko raw ang sanga ng puno sa likod ng bahay naming. Madalas ko ring mapanaginipan ang yumao kong tatay. Ipinanganak ako noong Hulyo 10, 1970. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LARRY NG SAMPALOC, MAYNILA

Dear Larry,
ANG aso ay repleksiyo ng iyong ugali. Masarap kang kaibigan pero masamang kaaway. May likas kang talino at madaling matuto sa mga bagay-bagay. Isang masamang ugali mo ang nakapagdidiskaril sa ilan mong mga aktibidad. Ang ulan ay nagsasabi na mayroon kang strong sexual drives at mag-ingat ka sa pakikipagrelasyon sa opposite sex; ang puno ay nagsasabi na ikaw ay makakaangat sa buhay at magkakaroon ng matatag na hanapbuhay pero kailangang maging maingat ka sa pakikisama at iwasan ang magdesisyon nang mabilisan; ang iyong ama ay nagsasabi na ikaw ay nagiging matured na at responsible na siyang magpapabilis sa katuparan ng iyong mga pangarap. Katapat ng aso ay No. 22; No. 14 ang paghabol; No.11 ang ulan; No.29 ang puno; No. 17 ang pagtabas; No. 37 ang tatay. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 10 ay makaranas ng matitinding dagok ng buhay pero makakarekober din. Pinakabuwenas mo ang No. 1 at No.8. Sa jai alai, isama mo ang No.5. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-38-40-42.
---30—

Friday, May 26, 2006

Huling biyahe sa palad

(for: TIKTIK, May 28 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. May pag-asa pa ba akong makapag-asawa? Ipinanganak ako noong Hunyo 16, 1964. Ako na lang ang walang asawa sa anim na magkakapatid at pinaaaral ko na lamang ang aking mga pamangkin. May mga araw na nalulungkot ako na hindi ko maipaliwanag. Makakapagpundar ba ako ng sarili kong bahay at lupa. Magkakaanak pa kaya ako?
EMILIA NG IBA. ZAMBALES
Dear Emilia,
HINDI ka dapat nababagabag, kumbaga, makakahabol ka na naman sa huling biyahe ng LRT bandang 10:00 p.m. Makakapag-asawa ka. May nagsosolo kang guhit sa tagiliran ng palad sa bandang hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na ikaw ay minsan lang magmamahal pero maiiwanan ka ng panahon at magkakaroon ng kasama sa pagtanda. Sa maniwala-ka-o-sa-hindi, magkakaanak ka pa pero isa lang. may nagsosolo rin kasing guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na mapag-aaral mo sa kolehiyo at magtatagumpay ang iyong anak. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
----30--

Gusali sa dreams

(for TIKTIK, May 28 issue)

01. NUMERO AT PANAGINIP
head: Umakyat sa gusali
Dear Don Honesto,
MADALAS ko pong mapanaginipan na ako ay umaakyat sa isang gusali at sa hagdanan akong humahakbang imbes na magdaan sa elevator. May maliit na ilaw lamang na parang bituin at nang marating ko ang rooftop ay nakakita ako ng isang altar na ubog nang liwanag na parang munting chapel. Lumuhod daw ako at nagdasal hanggang sa mapaiyak ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 19, 1980. Dalaga pa ako at isang saleslady sa isang mall. Bigyan mo ako ng mga buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

SHERYL NG KALOOKAN CITY
Dear Sheryl,
ANG gusali ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Nagsasabi ito na ikaw ay nabibilang sa mga iginagalang na pamilya sa inyong lugar. At nangangarap na makaangat sa buhay sa desenteng paraan. Ang pag-akyat ay nagpapahiwatig ng pag-unlad at kung sa hagdanan, maraming pagsubok ka na mararanasan at kailangan mong magsikap at magtiyaga. Ang ilaw na maliiit ay ang mga oportunidad na maaari mong pakinabangan. Ang altar ay nagsasabi na likas kang mabait at kinasisiyahan ng Panginoon. Maraming buwenas ang mapapakamay mo. Ang liwanag ay tumitiyak sa iyong tagumpay kung paghahaluin mo ang talino at sipag. Katapat ng gusali ay No. 40; No. 12 ang pag-akyat' No.32 ang hagdanan; No. 25 ang altar; No. 33 ang bituin; No. 22 ang pagluhod. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 19 ay makaranas ng mabibigat na problema pero sa bandang huli ay magtatagumpay ka. Pinakabuwenas mo ang No. 1 at No. 7. Sa jai alai , isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-36-40-42.
---30--

Wednesday, May 24, 2006

Abroad sa palad

(for TIKTIK, May 26 issue)


Dear Sir Dennis,

NAGPASYA na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Nais ko kasing ikonsulta kung may tsansa pa akong makapag-abroad. Madalas kasing mabulilyaso ang aking pag-alis. Nag-aayos na naman ako ng mga dokumento, matutuloy na ba ako? Dalaga pa ako at isinilang noong Mayo 19, 1984. Makakapag-asawa ba ako nang maayos? Ilan ang aking magiging anak.

MYRA NG ANTIPOLO CITY

Dear Myra,
HINDI dapat nasisira ang iyong diskarte. Matutuloy ka naman sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi lamang isang lugar ang mararating mo kundi maraming teritoryo na siyang magpapasimula ng pag-ahon mo sa kahirapan. Malayo kasi ang naabot ng dulo ng iyong Life Line na umabot sa bandang pulso at nagkaroon ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Karaniwang nakikita ito sa matatagumpay na OFWs. Magkakaroon ka ng tatlong boyfriend at ang pinakahuli ang makakasama mo sa habang buhay. May tatlong guhit kasi na lumitaw sa bandang itaas ng tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na tatlong beses kang magmamahal pero ang huli ang makakatuluyan mo. Magkakaroon kayo ng apat na anak kasi'y may apat na guhit ang pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
---30--

Roller coaster dream

(for TIKTIK, May 26 issue)



Dear Don Honesto,
MADALAS kong mapanaginipan na sakay ako ng pampasaherong dyip pero nagbibiyahe kami na parang roller coaster sa karnabal. Paibaba at paitaas ang pagtakbo. Pero pang sobrang taas na parang 90 degree ang buwelo kung saan maaari kaming mahulog sa dagat kapag napurnada ang driver. Laking tuwa ko naman na hindi kami nahuhulog. Pero takot na takot ako ay hinahabol ko ang aking hininga. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinangaak ako noong Hulyo 17, 1970. Isa akong tricycle driver. Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
LEO NG TAGAYTAY CITY
Dear Leo,
MALINAW na apektado ang eksena sa iyong panaginip ng aktuwal mong hanapbuhay at mismo ng porma ng kalsada sa iyong paligid, Gayunman, nagsasabi ang panaginip na ang iyong buhay ay pabago-bago. Walang kapanatagan at madalas na may lihim kang takot na mabigo at mapurnada sa iyong mga balakin. Ang mahalaga dito, ay patuloy kang nagsisikap at nagtitiyaga sa kabila ng walang katiyakang buhay at panganib sa iyong paligid. Nagsasabi rin ito na ipagpatuloy mo lamang ang mga pagtatangka kahit gaano pa ito kaimposible at sa bandang huli ay magtatagumpay ka kung saan maaabot mo ang pinakamataas na antas ng pananagumpay.Katapat ng dyip ay No. 4; No. 14 ang pagbiyahe; No. 33 ang pag-angat at pagbaba; No. 37 ang dagat; No. 17 ang takot; Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng kakaibang lungkot pero magtatagumpay sa panahon ng pagtanda. Pinakabuwenas mo ang No. 8 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-37-40-42.---30---

Wednesday, May 10, 2006

Makakapag-abroad

(for TIKTIK, May 11 issue)

Dear Sir Dennis,
ISA ako sa libo-libo mong tagasubaybay at ipina-zerox ko na rin ang guhit ng aking palad. Gusto ko kasing itanong kung may tsansa akong makapag-abroad. Ito lang kasi ang solusyon upang makaahon kami sa hirap. Nakatira lang kami sa squatter area at walang hanapbuhay ang mga magulang ko. Binata pa ako at isang superbisor sa isang pabrika. Wala akong girlfriend. Makapag-asawa kaya ako nang maayos? Ilan ang magigng anak ko? Ipinanganak ako noong Setyembre 16, 1970.

ADOR NG DAGUPAN CITY

Dear Ador,
WALA kang dapat ipag-alala, ituloy mo lamang ang plano mong mag-apply ng trabaho sa ibang bansa dahil matutuloy ka naman. Malayo kasi ang naabot ng dulo ng iyong Life Line at nakarating ito sa dakong pulso kung saan nagkaroon ito ng maraming sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na maraming bansa ang mararating mo at buwenas ka sa paglalakbay. Makakapag-asawa ka naman nang maayos. Minsan ka lamang iibig at siya na ang iyong makakasama habang buhay. Nagsosolo kasi ang munting guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Magkakaroon kayo ng dalawang anak dahil may dalawang guhit ang pumaitaas sa dakong kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi rin ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak at makakatulong sa panahon ng iyong pagtanda.
---30--

Gusali nasunog

(for TIKTIK, May 11 issue)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko na nasusunog ang aming bahay. Pero ang bahay na ito ay apat na palapag at nasa gitna ng squatter area. Kitang –kita ko ang mapulang mapulang apoy. Umiiyak ako na nagtatakbo bitbit ko ang isang balot ng mga damit ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong waitress sa isang restaurant. Napilitan akong mamasukan nang mawalan ng trabaho ang tatay ko. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1983.
OLIVIA NG SAN PABLO CITY
Dear Olivia,
ANG gusali ay repleksiyon ng iyong pagkatao. May mahusay na reputasyon ang inyong pamilya at ang nasusunog na gusali at nagbabala sa iyo na dapat kang maging maingat sa pakikipagrelasyon sa opposite sex dahil maaari kang mapahamak. Sa kabilang panig, ang mapulang mapulang apoy ay nagsasabi na may isang pambihirang buwenas na mapapasakamay mo. Kailangang makontrol mo ang emosyon at magagamit mong ang pakikipagrelasyon para sa iyong personal na pag-unlad o kapakanan. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na makapag-asawa ka ng isang desente at mayamang lalaki na reresolbang bigla ng iyong mga problema. Katapat ng gusali ay No. 40; No. 27 ang sunog; No.2 ang squatter; No. 33ang damit; No.10 ang pag-iyak; No. 14 ang pagtakbo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 17 ay makaranas ng matitinding dagok ng buhay pero malalampasan mo ang mga pagsubok. Pinakabuwenas mo ang No.8 at No.4. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-37-40-42.
-----30—

Tuesday, May 09, 2006

Sucessful execs

Dear Sir Dennis,
NANGAHAS na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakakita pa ako ng mas matatag na trabaho. Balak kong kumuha ng special course sa computer o kaya ay mag-master na lang ako. Matuloy kaya ito? Nabuburyong kasi ako. Wala akong boyfriend at hindi pa nagkakaroon kahit kalian? Makapag-asawa kaya ako nang maayos? Ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Hunyo 18, 1978.

ETHEL NG VALENZUELA CITY

Dear Ethel,
TAMA ang desisyon mong magbalik sa iskul kung nais mong umasenso at hindi maboring sa rutinaryo mong buhay. May dalawang guhit na nag-parallel paitaas sa banding ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng ring finger). Nagsasabi iyan na ikaw ay makakaangat sa larangan na papasukin mo, makilala at magiging successful executive sa hinaharap. Makakapag-asawa ka naman nang maayos. Dalawang beses kang magmamahal, pero makakatuluyan mo ang ikalawang lalaki sa buihay mo. May dalawa kasing guhit ang lumabas sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinliliit). Nagsasabi iyan na dalawa ang magiging dyowa mo bago mag-asawa. Magkakaroon ka ng apat na anak dahil may apat na guhit ang pumaitaas sa banding kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki).----30-

Mabangong bulaklak

(for Tiktik, May 10 issue)

Head: Mabangong bulaklak

Dear Don Honesto,
BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan na ako ay namamasyal sa parke at nasa gitna ako ng mga halaman na may makukulay at mababangong bulaklak. Kasama ko raw ang boyfriend ko. Sa totoo lang, may plano na kami ng dyowa ko na magpakasal next year, matuloy kaya kami? Ipinanganak ako noong Hunyo 16, 1980. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

ESTELLA NG TAGUIG, MM

Dear Estella,
MISTULANG nakalutang ka sa alapaap habang nananaginip ka dahil nasa gitna ka ng hardin. May kakaibang saya na nararamdaman ko dahil sa nalalapit mong pakikipag-isang dibdib. Ang iyong panaginip ay repleksiyon ng kasiyahan. Ang parke ay nagsasabi na ikaw ay kalmante at panatag pero hindi mo pa rin naiiwasang magbalik-tanaw sa mga nagdaan mong buhay. May naghihintay sa iyo na isang masaya at masaganang pamilya sa hinaharap. Katapat ng parke ay No. 14; No. 27 ang hardin; No. 33 ang mga bulaklak; No.7 ang boyfriend; No. 31 ang pamamasyal. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 16 ay likas na mabait at maunawain at karaniwang tinatangay sa magandang agos ng kapalaran. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No. 4. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-8-11-19-23-26-34-40-42.
---30—

Friday, May 05, 2006

Apat ang anak

(for Tiktik, May 08 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad at inilakip ko dito ang isang kopya. Nais ko kasing itanong kung may tsansa na masundan pa ang dalawa naming anak. Isa akong vendor sa palengke at hindi nagkakasya ang kinikita naming. Balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Anong negosyo ang bagay sa akin? Ipinanganak ako noong Setyembre 14, 1970.


HERMAN NG APALIT, PAMPANGA

Dear Herman,
WALA kang dapat ipangamba, masusundan pa ng dalawa ang iyong anak. May apat kasing guhit ang pumaitaas sa banding kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa dakong kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong mga anak na siyang mag-aahon sa iyo mula sa kahirapan. Kapag nagsilaki na sila—saka ka lamang uunlad. Gayunman, matutuloy ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng sanga sa banding pulso (tingnan ang bilog sa dakong pulso). Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo tulad ng rentals, repair shop at passenger vehicles. May guhit kasi na pumaitaas sa dakong ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng index finger).
---30--

Pasko sa simbahan

(for Tiktik, advance for: May 08 issue)

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo ng kahulugan ang aking panaginip. Napanaginipan ko ang isang malaking simbahan at punompuno raw ng ilaw na parang Pasko. Nagluluningning ang loob at napakaliwanag. Nagsosolo lang ako sa simbahan at may isang grupo ng mga kabataang nagkakantahan na ubod nang lamig ng mga tinig. Masayang masaya ako. Nanghihinayang ako nang magising ako.Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 18, 1970. May dalawa akong anak. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

VENANCIO NG MALATE, MAYNILA

Dear Venancio,
MALINAW ditto na ipinaaalala sa iyo ang kahalagaha ng takot sa Diyos at manatiling aktibo sa mga aktibidad ng simbahang iyong kinaaniban. Makakatulong ito upang makapagdesisyon ka nang tumpak at maayos. Ang sobrang liwanag ay nagsasabi na ikaw ay mahaharap sa isang pagdedesisyon pero walang duda na masasapol mo ang tamang direksiyon na magpapasimula ng iyong pag-unlad. Ang mga kabataan ay nagsasabi na ikaw ay may malinis na budhi at kalooban. Ang iyong pagiging matapat sa kapwa tao at sa Diyos ay magkakaroon ng malaking kabayaran sa porma ng mga biyaya kung saan magkakaroon ka ng matatag na kabuhayan sa hinaharap. Ang awitin ay nagsasabi na kailangang sistematiko ang iyong mga pagkilos upang mabilis mong makamit ang tagumpay. Katapat ng simbahan ay No. 25; No. 37 ang maraming bata; No. 29 ang awitan; No. 1 ang pag-iisa; No. 36 ang liwanag; Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 18 ay malampasan ang maraming pagsubok at mananaig sa banding huli. Pinakabuwenas mo ang No.9 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-18-23-28-34-40-42.
---30-

Makaka-abroad

(advance for: May 7 issue, Tiktik)

Dear Sir Dennis,
NAIS kong magkaroon ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? Isa lang kasi akong ordinaryong empleado at may apat na anak. Mapagtatapos ko bas a kolehiyo ang aking mga anak? Naguguluhan ako. Inaaya ako ng kapatid ko na magtrabaho sa Middle East, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Oktubre 5, 1960.

GREGGY NG PANDACAN, MAYNILA

Dear Greggy,
KALMANTE ka lang, magagawa mo namang makapagpundar ng sarili mong bahay at lupa. Malinaw naman kasi ang guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas ka sa pag-ahente ng real estate at agribusiness. Makakakobra ka ng malaking komisyon kapag nag-alok ka ng mga ibinebentang ari-arian ng iyong mga kakilala sa taong ito. Pero, matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa kasi’y mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng sanga na umabot sa bandang pulso (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong apat na anak kasi’y pare-parehong matitikas at mahahaba ang apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
----30—

nasunog ng araw

(advance for: MAY 7 issue, TIKTIK)

01. NUMERO AT PANAGINIP

head:Nasunog sa araw

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko ang aking ina na nagagalit daw sa akin dahil hindi ko dinala an gaming paying. Naglalakad daw kaming dalawa sa gitna ng isang mahabang kongretong kalsada kung saan napakainit ng sikat ng araw. Silaw na silaw ako sa sinag ng araw habang kinagagalitan ako ng nanay ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Self supporting student ako at namamasukan sa isang fast food. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 7,. 1985.

ELIZA NG TAGUIG, MM

Dear Eliza,
IPINAKIKITA sa panaginip na ikaw ay may pambihirang talento, karunungan at ideya na dapat mong magamit. Walang duda na makakatapos ka ng pag-aaral at makakaangat ka sa pinakamataas na antas ng pagtatagumpay. Manatiling mapagpakumbaba at maunawain sa kapwa tao. Maraming tao ang magkukusa na tulungan ka. Ang kalsada ay nagsasabi na nasa tama kang landas at may malinaw na direksiyon sa buhay. Ang nanay mo ay sumisimbolo sa iyong ganap na maturity at responsible sa iyong sarili.. Katapat ng kalsada ay No.11; No. 37 ang nanay; No. 14 ang paglalakad; No.33 ang sinag; No. 26 ang init; No. 40 ang kongreto. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 7 ay may matalas na imahinasyon at matalino. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.3. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-18-23-25-34-38-40-42.
---30---

Thursday, May 04, 2006

Buwenas sa abroad

01. PALMISTRY (for Tiktik, May 05 issue)


Dear Sir Dennis,
LAGI akong nagbabasa ng kolum mo dahil marami akong natutuhan. Naglakip ako ng Xerox copy ng guhit ng aking palad. Gusto ko kasing malaman kung may tsansa pa akong makapag-abroad. Lagi kasing napupurnada ang pag-alis ko. May dalawa akong anak, sino sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral? Isa lamang akong ordinaryong empleado at pangarap kong magkanegosyo, ano ang magkiklik sa akin sakaling makaipon ako. Ipinanganak ako noong Marso 19, 1974.

RODEL NG CAVITE

Dear Rodel,
HINDI dapat masira ang iyong loob. Ituloy mo lamang ang pag-apply at pag-aayos ng mga dokumento dahil walang duda na matutuloy ka sa paglalakbay sa malayong lugar. Bubuwenasin ka sa paga-abroad at doon magpapasimula ang pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga na umabot sa dakong pulso (tingnan ang bilog sa dakong pulso). Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong dalawang anak kasi’y matitikas at malilinaw ang dalawang guhit na pumaitaas sa banding kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa dakong kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatulong ang iyong mga anak sa panahon ng iyong pagtanda. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa agriculture. May dalawang guhit kasi na nag-parallel paitaas sa dakong ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng middle finger).
-----30--

Mama Mary sa dreams

(Tiktik, for May 06 issue)
Dear Don Honesto,
BIGYAN mo ng kahulugan ang aking panaginip. Nakita kop o sa panaginip ko si Mama Mary na umiiyak. Binigyan kop o siya ng panyo at napaluha na rin ako. Pero, nagtataka ako kasi’y masaya ang pakiramdam ko habang ako ay nananaginip ako. Kahit nang magising na ako ay may kakaibang saya ako na naramdaman. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Mayo 21, 1978. Dalaga pa po ako at hindi pa kailanman nagkaka-boyfriend. Bigyan mo sana ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

MARTHA NG LOS BANOS, LAGUNA

Dear Martha,
NAPAKASUWERTE mo dahil kinasisiyahan ka ng Panginoon. Malinaw ditto na ikaw ay may mabuting kalooban at nagpapatunay na wala ka pang karanasang sexual at hindi nakagagawa ng anumang kasalanang mortal. May mababa kang kalooban na dapat mong ipagpatuloy. Maari rin itong ma-interpret na isang “call” na maglingkod sa Panginoon o maging aktibo sa mga aktibidad sa simbahan. Ang malinaw ditto, wala kang gaanong problema at panatag ang iyong kalooban sa kabila na wala kang kapartner sa buhay. Masarap kang magmahal at isa kang martir. Masuwerte ang iyong mapapangasawa. Katapat ni Mama Mary ay No. 8; No. 40 ang pag-iyak; No. 4 ang panyo; No. 19 ang pagpahid; No. 25 ang masaya. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 21 ay may kakayahan isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng kapwa. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-28-34-37-40-42.
----30—

Sunday, January 29, 2006

Abroad, bahay (palmistry)

Dear Sir Dennis,
NAPUWERSA na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko rin kasing malaman kung ano ang magiging kapalaran ko sa hinaharap.May apat akong anak, sino sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral? Nakatira lang kami sa squatter area, makakapagpundar ba kami ng sariling bahay at lupa? Binabalak kong mag-abroad, matutuloy ba ako? Ipinanganak ako noong Hunyo 14, 1970.

ARTURO NG STA CRUZ, MAYNILA

Dear Arturo
MAKAKATAPOS naman ng pag-aaral ang iyong mga anak maliban sa panganay kasi’y mag-aasawa siya nang maaga. Maikli kasi ang una sa apat na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalak). Nagsasabi ito na makakatapos ng pag-aaral ang iyong huling tatlong anak at pawing magkakaroon sila ng matatag na kabuhayan at masayang pamilya sa hinaharap. Magagawa mo ring makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin iyan na buwenas ka sa larangan ng agribusiness. Magkakaroon ka ng oportunidad na makapag-abroad sa taong ito at dapat mo itong samantalahin dahil mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga sa dulo (tingnan ang bilog sa banding pulso).
----30--

Saturday, January 28, 2006

Magiging bossing (palmistry)

Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad at inilakip ko ang kopya sa liham na ito. Gusto ko kasing malaman kung makakatapos pa ako ng pag-aaral.Isa akong self supporting student at namamsukan bilang security guard. Patigil lang ako sa kolehiyo kasi'y kailangan ko ring magpadala ng sustento sa mga magulang ko sa probinsiya. Makapagpupundar ba ako ng sariling bahay at lupa, nakatira lang kasi kami sa squatter area. Makakapag-asawa ba ako ng maayos at ilan ang aking magiging anak? Ipinanganak ako noong Oktubre 17, 1978.
DONALD NG KALOOKAN CITY
Dear Donald,
MABUTI naman at patuloy kang nagtitiyaga at nagsasakripisyo. Pero huwag kang mag-alala dahil magbubunga naman nang mabuti ang yong mga pagsisikap. Makakatapos ka ng pag-aral at magiging isang matagumpay na propesyunal. May malinaw na guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger) na nagsasabi na ikaw ay magiging isang executive sa hinaharap. Bukod sa masinop ka ay matalino ka pa na magiging pundasyon mo sa katuparan ng iyong mga pangarap. Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger). Nagsasabi ito na buwenas ka sa real estate. Makakapag-aasawa ka nang maayos at minsan ka lamang magmamahal kung sino ang maging nobya mo ay siya nang iyong makakatuluyan hanggang sa habangbuhay. May nagsosolo kasing guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Magkakaroon ka ng apat na anak dahil may apat na guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
---30---

Nahulog sa ilog (dream)

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po ako ay nakasakay sa isang bangka at kasama mo ang mga kaklase ko sa high school. Maraming isda na nagpupusagan at nagluluksuhan sa ilog. Ako mismo ang sumasagwan pero biglang pumatak ang malakas na ulan. Hanggang sa biglang lumalakas ang alon kung saan tumaob ang aming bangka. Nahulog ang mga kasama ko at naglanguyan kami papunta sa pampang. Pero, nawala ang dalawa namin kaeskuwela kaya't nag-iiyak ako hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 15, 1980. Bagong pasok lanmg ako sa trabaho. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
RICHARD NG SAN FERNANDO CITY
Dear Richard,
Ang tubig ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives. Kung napanaginipan mo ang iyong mga kaklase sa high school, nagpapahiwatig ito na ikaw ay may pagka-childish, matigas ang ulo at nabubuyo ng emosyon. Mag-ingat ka sa pakikipagrelasyon sa opposite sex dahil maari kang mapahamak at matangay ng damdamin dahil tumaob ang bangka. Kung ikaw ang bangkero o sumasagwan, nagsasabi ito na mayroon kang kakayahang tumindig sa sariling paa o maging independent kaya't dapat na magkaroon ka ng sapat na lakas ng loob upang matupad mo ang iyong mga pangarap. Matutupad ang marami mong pangarap kasi'y kabilang ka sa mga nakaligtas pero makakaranas ka rin ng ilang kabiguan na sumisimbolo sa dalawang kaklase na nawala sa trahedya. Katapat ng bangka ay No.9; No. 11 ang ilog; No. 33 ang paglangoy; No. 37 ang kaklase; No. 26 ang pagkaligtas; No., 20 ang nawawal. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 15 ay maging emosyonal pero magagamit mo rin ang relasyon para sa personal mong kapakinabangan o pag-unlad. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-40-42.
-------30----

Monday, January 23, 2006

Mahaba ang buhay

Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Isa akong security guard sa isang pabrika. Madalas akong mapaaway dahil sa trabaho ko. May mga nagbabanta sa buhay ko. Gusto ko na sanang mag-resign pero nahihirapan akong maghanap ng malilipatan. Mahaba ba ang buhay ko? Balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Nakatira lang kami sa squatter area, maapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Nobyembre 15, 1970.

ROMMEL NG PASIG CITY

Dear Rommel,
WALA kang dapat ipag-alala kasi’y mahaba naman ang buhay mo at hindi ka mabibiktima ng asasinasyon o aksidente man lamang. Sa totoo lang, buwenas ka sa paglalakbay kaya’t kung may oportunidad ka na mag-abroad ay magsimula ka nang mag-ayos ng mga dokumento dahil naroroon ang buwenas mo. Mahaba at malawak ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi ito na ikaw ay makakaahon sa hirap sa pamamagitan ng pagdayo sa malayong lugar. Magagawa mo ring makapagpundar ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi iyan na buwenas ka sa real estate at agribusiness.
---30---

Sumakay sa dyip

Dear Don Honesto,
ANO po ba ang ibig sabihin kapag napapanaginipan ko na ako ay nakasakay sa isang pampasaherong dyip? Pinakahuli ay sumakay daw ako sad yip kasama ko ang boyfriend ko pero pinatakbo ng driver nang ubud –bilis ang sasakyan. Halos lumilipad ang dyip hanggang sa mabunggo kami sa isang puno. Nakapagtatakang hindi kami nasaktan ng BF ko ay magkahawak pa kami sa kamay na namasyal sa isang parke hanggang sa magising na ako. Ipinanganak ako noong Agosto 15, 1980. Binabalak na naming magpakasal ng BF o sa Disyembre.

MARTHA NG PASAY CITY

Dear Martha,
ANG pampasaherong dyip ay nagsasabi na ikaw ay nabibilang sa antas ng mga ordinaryong tao. Ang iyong BF ay simpleng repleksiyon ng iyong character na nagsasabig ikaw ay may strong personality. May kakayahan kang magdesisyon at gumawa ng plano nang hindi mo na kailangan pang konsultahin ang mga taong malalapit sa iyo. Ang driver ay ikaw din mismo ang sinisimbolo at nagpapaalaala ito na hindi ka dapat nag-aapura sa katuparan ng iyong mga pangarap bagkus ay maging makatotohanan o praktikal sa pagtatakda ng mga mithiin sa buhay. Kung nabunggo sa puno, nagbabala ito na iaw ay maaaring magkamali sa isang maselang sitwasyon kung saan maaaring magkaroon ka ng malaking problema. Pero, masaya kayo ng BF mo na namasyal kaya’t malinaw ditto na mareresolba mo ang problema. Katapat ng dyip ay No. 23; No. 7 ang BF; No. 17 ang pagkabunggo; No. 29 ang puno; No. 43 ang pagbiyahe. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsag 15 ay maging emosyonal pero magaling ang magdesisyon. Pinakabuwenas mo ang No.6 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-25-34-36-40-42.
----30—

Saturday, January 21, 2006

Isa pang anak

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung kung masusundan pa ang dalawa naming anak na lalaki. Pitong taon na kasi ang bunso naming. Okey naman kami sabi ng doctor. Makakapagpundar ba ako ng sariling bahay at lupa? Isa akong superbisor sa isang pabrika. Pangarap kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Mayo 15, 1970.

EFREN NG KALOOKAN CITY

Dear Efren,
WALA ka naming problema. Nade-delay lang ang ikatlo mong anak. Wala naming duda na magkakaanak ka pa dahil may tatlong malilinaw na guhit ang pumaitaas sa banding kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa banding kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi rin iyan na makakatapos ng pag-aaral ang iyong tatlong anak at makakatulong sila sa panahon ng iyong pagtanda. Magagawa mo ring makapagpundar ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin iyan na buwenas ka sa lahat ng klase na may kaugnayan sa lupa o agriculture. Magkakaroon ka rin ng oportunidad na makapag-abroad kaya’t dapat na sunggaban mo ito agad. Malawak kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon din ito ng sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso).
---30--

holdap sa dreams

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN kop o na ako ay napasok na ng trabaho bilang kahera sa isang mall. At mga foreigner daw ang suki ko kaya’t napipilitan akong mag-English kahit pabalu-baluktot. Nagsisiksikan daw ang mga tao nang biglang may pumasok na mga holdaper at tinutukan ako. Nagsisigaw ako sa takot at pinaputukan ako ng mga holdaper hanggang sa magising ako.Akala ko ay patay na ako kaya’t natuwa ako nang madilat ang mga mata ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hunyo 16, 1970. Wala po akong trabaho ngayon.

ADELFA NG MARIKINA CITY

Dear Adelfa,
MALINAW na apektado ang eksena sa panaginip ng kagustuhan mong magkaroon ng trabaho. Karaniwan kasing natutupad sa loob ng panaginip ang mga bagay o sitwasyon na pinanabikan mong maganap. Gayunman, ang pagiging kahera ay nagsasabi na masyado kang conscious sa iyong sarili. May lihim kang itinatago na ayaw mong malaman ng iba. Masyado kasi itong confidential pero ito rin mismo ang nagpapagulo ng iyong isip. Ang foreigner ay nagsasabi na marami kang weird na ideya. Nag-iisip ka ng mga imposibleng maganap, malayo sa katotohanan o nagpapantasya na siyang karaniwang ugat ng iyong kabiguan. Maging praktikal ka at gawin mo lamang ang angkop sa iyong kakayahan at panahon. Ang holdaper ay nagpapahiwatig na madalas mong lokohin mismo ang iyong sarili, mapagkunwari o ipokrita—hindi mo matanggap ang mapapait na pangyayari kaya
‘t nadidiskaril ang iyong pag-unlad. Pero ang baril ay phallic symbol na nagsasabi na mayroon kang strong sexual drives.Mag-ingat ka sa pakikipagrelasyon sa opposite sex. Katapat ng kahera ay No. 30; No. 49 ang foreigner; No. 17 ang holdaper; No. 37 ang maraming tao; No. 45 ang baril; No. 40 ang mall. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 16 ay magkaroon ng maraming kaibigan pero madali kang maimpluwensiyahan ng paligid kaya’t nabibigo at nawawalan ng direksiyon. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42.
---30—

Friday, January 20, 2006

Successful business

Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-xerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung makakapag-abroad ako. Madalas kasi akong mapeke at malaki na ang nauubos kong perA. Hindi pa rin ako tumitigil kasi’y alam kong ito lang ang tanging paraan upang makaiwas sa pagkagutom ang pamilya ko. Isa akong ordinaryong obrero sa isang pribadong kompanya. May tatlo akong anak, sino sa kanila ang makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay. Gusto ko sanang magtayo ng maliit na negosyo, magawa ko kaya ito kapag nakaipon na ako? Ipinanganak ako noong Mayo 13, 1970.

DANIEL NG MARICABAN, PASAY CITY

Dear Daniel,
OKEY naman at walang duda na makakapag-abroad ka. Ituloy mo lamang ang paga-apply at hindi Dapat masira ang iyong loob. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ng sanga ang dulo nito (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa malayong lugar at lahat ng klase ng paglalakbay. Makakaahon ka naman sa hirap. Magagawa mo ring makapagtindig ng sariling negosyo kasi’y may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Karaniwang nakikita ito sa matatagumpay na negosyante. Makakatapos naman ng pag-aaral ang dalawa sa tatlo mong anak maliban sa panganay na mag-aasawa nang maaga. Maikli kasi ang una kaysa sa huling dalawang guhit na pumaitaas sa bandang kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki).
----30—

isda, ilog, lalaki

Dear Don Honesto,
BIGYAN mo sana ng kahulugan ang aking mga panaginip. Madalas kong mapanaginipan ang mga isda: Nanghuhuli raw ako at inilalagay ko sa basket. Minsan naman ay pinuluputan daw ako ng isang malaki at mahabang ahas at nagpumilit akong humulagpos. Napapaginipan ko rin na nalulunod ako sa gitna ng ilog pero iniligtas ako ng isang makisig na lalaki. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 25, 1980. Isa akong waitresss at marami akong secret lover. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto

ROSEMARIE NG TANAUAN, BATANGAS

Dear Rosemarie,
SA totoo lang, puro phallic symbols ang napanaginipan mo na nagsasabi na ikaw ay may strong sxual drives. Umiinog ang iyong buhay sa sexual relationships. Kailangan mong makontrol ito o maimaneho nang maayos upang hindi mapahamak. Pero kung matututo kang gamitin ito nang epektibo, magagamit mong itong hagdanan tungo sa katuparan ng iyong mga pangarap. Kung nanghuli ka ng isda, nagsasabi ito na aktuwal mo ring ginagamit ang pakikipagrelasyon sa opposite sex para sa iyong personal na kapakinabangan. Walang masama ditto dahil marami naming gumagawa nito.Mas mabuti ito kaysa magnakaw. Kung nilingkis ka ng ahas, nagsasabi ito na hindi mo malimut-limutan ang masasarap na romansa na ipinasap ng iyong mga nagdaang kapartner. Kung nalunog ka sa ilog, malinaw na ipinapayo na hindi ka Dapat paalipin sa emosyon upang hindi ka magmalaki at mapahamak. Kung sinagip ng isang makisig na lalaki, nagsasabi ito na nasasabik ka na lumagay sa tahmimik at magkapamilya. Katapat ng isda ay No.33; No.44 ang basket; No,. 18 ang panghuhuli; No.7 ang lalaki; No. 28 ang paglingkis; No. 8 ang ahas; No. 49 ang pagkalunod. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 25 ay madaling maimpluwensiyahan ng kapwa. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.1. sa jai alai, isama mo ang No.3.Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-12-18-23-28-34-38-40-42.
---30—

Thursday, January 19, 2006

aahon sa hirap

Dear Sir Dennis,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nangahas na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung may tsansa akong makakaahon pa sa hirap. Isa akong messenger sa isang maliit na kompanya at pakiramdam ko ay wala akong asenso ditto kasi’y laging delay ang suweldo. Pangarap kong mag-abroad pero wala akong panggastos. Matuloy kaya ako sa ibang bansa? May tatlo akong anak na nag-aaral, sino sa kanila ang magtatagumpay? Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1967.

ALFREDO NG TAGUIG,MM

Dear Alfredo,
LIKAS kang matiyaga, masinop, masipag at mapagkakatiwalaan at iyan mismo ang magiging pundasyon ng iyong pag-unlad. Walang duda na makakaahon ka sa hirap kasi’y maraming mumunting guhit ang pumaitaas mula sa kalagitnaan ng Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na maraming oportunidad ang lalapit sa iyo at marami ditto ay magagamit mo sa mabuti. Matutuloy ka rin sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi iyan na buwenas ka sa paglalakabay. Sa negosyo, buwenas ka sa paglalako o pamamakyaw ng produkto mula sa malayong lugar. Makakatapos din ng pag-aaral ang iyong tatlong anak kasi’y pawing mahahaba at matitikas ang tatlong guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki)
----30--

baby inugoy

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head:Nag-ugoy ng sanggol

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay nag-uugoy ng sanggol sa isang duyan. Atv tuwa ako kapag kinakarga ko ang baby. Nasa loob daw ako ng aking kuwarto at kasabay na nanonood din ako ng telebisyon. Pero, biglang sumabog ang telebisyon at nagkaroon ng malakas na apoy kaya’t bigla kong binuhat ang sanggol at nagmamadali kaming tumakas hanggang sa magising na ako. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Dalaga pa ako at isinilang noong Hunyo 15, 1975. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

CHONA NG CAVITE CITY

Dear Chona,
ANG sanggol ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng malaking pagbabago sa buhay mo sa mga susunod na araw. Nagsasabi ito na ikaw ay papasok sa panibagong yugto ng iyong buhay. Ang pag-uugoy ay nagsasabi na ikaw ay paulit-ulit na nakakaranas ng mga sitwasyon pero hindi ka naman gumagawa ng paraan—pero magbabago na ang ganitong diskarte. Ang telebisyon ay repleksiyon ng iyong mala-telenobelang buhay kung saan isang binata ang mag-aalok sa iyo ng kasal kung saan magiging simula ng isang masaya at masaganang pagpapamilya. Ang apoy o sunog ay nagsasabi na ikaw ay may strong sexual drives kaya’t walang duda na makakapag-asawa ka pero Dapat na makontrol mo ang pakikipagrelasyon sa opposite sex. Katapat ng sanggol ay No. 10; No. 28 ang pag-ugoy; No. 17 ang sunog; No. 27 ang masaya; No. 40 ang kuwarto; No. 34 ang telebisyon; No. 38 ang pagtakas. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 15 ay maging emosyonal at mabalam ang pag-aasawa. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 8.Sa jai alai, isama mo sa No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-27-30-34-37-40-42.
----30---

Monday, January 16, 2006

snack bar

PALMISTRY
Head: Okey ang snack bar
Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-zerox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung magkiklik ang itinayo kong snack bar sa tabi ng aming bahay. Marami kasing nagdaang tao sa tapat ng bakuran na namin na nasa kanto ng dalawang lansangan. Nag-resign na ako sa trabaho ko at dito ko ginamit ang separation pay na nakuha ko. May tatlo akong anak na nag-aaral, sino kaya sa kanila ang magtatagumpay. Balak kong mag-abroad, matuloy kaya ako? Ipinanganak ako noong Nobyembre 5, 1970.
ALMIRA NG TAYTAY, RIZAL
Dear Almira,
ITULOY mo lamang ang munting negosyo mo dahil walang duda na magkiklik ito. Buwenas ka sa ganitong klase ng negosyo at mapapalaki mo ito tulad sa ordinaryong restaurant. May guhit kasi na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinliliit (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng kalingkingan). Nagsasabi ito na buwenas ka sa negosyo na nagtitinda ng pagkain. Makakatapos naman ng pag-aaral ang tatlo mong anak kasi’y matitikas at mahahaba ang tatlong guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ag bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Makakatulong sila sa panahon ng iyong pagtanda. Pero, sa totoo lang, malabo kang makapag-abroad dahil maikli lang ang narating ng dulo ng Life Line na hindi umabot sa bandang pulso at wala rin itong anumang sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso).
---30--

sabungan

NUMERO AT PANAGINIP

HEAD:Sabungan
Dear Don Honesto
BAKIT kaya napanaginipan ko na ako ay nagpunta sa isang sabungan o lugar kung saan nagsasabong ang mga manok. Napakaingay sa loob at halos hindi na magkaintindihan ang mga tao. Pero nakipagsiksikan ako ay nanonood sa nagsasagupaang manok na may tari. Nang bumagsak ang iyong manok ay nagkagulo ang mga tao nang ito ay biglang naging ahas. Nagpulasan ang mga tao at ako lamang ang naiwan sa sabungan. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong ordinaryong office clerk at wala akong asenso dahil minimum pa rin ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Mayo 28, 1975.
ARMAN NG MAKATI CITY
Dear Arman,
KUNG sabungan ang napaginipan mo, nagsasabi na napakagulo ng iyong isip at nahihirapan kang magdesisyon. Kumbaga, nasisiraan ka na ng loob at walang makitang solusyon kundi ang makipagsapalaran na lamang. Ang manok ay repleksiyon ng iyong pag-uugali at nagsasabi ito na ikaw ay likas na mabait pero kapag nagalit ay inilalabas nang todo ang poot at hinagpis. Kung naging ahas ang natalong manok, mag-ingat ka sa mga lihim na kaaway dahil may binabalak sila na maitim na plano upang ikaw ay mapabagsak. Katapat ng sabungan ay No. 18; No. 22 ang manol; No. 27 ang tari; No.37 ang mga tao; No. 32 ang takbuhan; No. 10 ang pag-iisa. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 28 ay makaranas ng kakaibang kalungkutan pero sa bandang huli ay ikaw din ang magtatagumpay. Pinakabuwenas mo ang No. 1 at No. 7. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-25-33-38-40-42.
----30—